chapter 12

1.5K 23 18
                                    

Hindi muna ako hinatid ni Gab sa bahay. Tinanong niya ako kung naghapunan na ako at agad akong umiling.

Galit pa rin ito habang nagmamaneho.

Ipinasok niya ang kanyang sasakyan sa isang kilalang hotel sa amin. Dito umano kami magdidinner.

Bumaba kami sa reception at agad may lumapit sa aming lalaki. Bahagya itong tumitig sa akin ngunit agad ring umiwas ng marinig ang tikhim ni Gab.

Kinuha nito ang susi ng sasakyan upang maipark iyon ng maayos. Kilala si Gab ng mga empleyado. Sabagay, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya dito sa amin.

Pumasok kami sa loob ng resort at agad may gumabay sa amin papunta sa isang restaurant. Maganda at malaki ang resort na ito. Sa pagkakaalam ko ay sobrang mahal ng mga rooms dito.

Sa di kalayuan ay may nakahilirang mga bars. Doon mas maraming tao.

Soot ko parin ang damit ni Lianne. And just like how I walked at the mall, taas noo akong naglakad papasok ng restaurant. Alam kong bakat na bakat ang katawan ko sa soot kong damit.

Marami rin ang kumakain doon na napapatingin sa akin ng dumaan ako sa kanilang lamesa. Marami ring bakanteng lamesa sa paligid. May banda ring tumutugtog sa isang sulok.

Pumwesto kami sa gilid ng salamin kung saan natatanaw ang pool ng resort sa di kalayuan. At sa unahan pa ay makikita ang kalmadong karagatan.

Magandang pagmasdan ang ibat-ibang kulay ng ilaw sa ilalim ng pool. May naliligo roong pamilya.

Gab ordered and we sit in silence while waiting for the food.

"Ang ganda dito ano? Sino kaya ang may-ari nito? Siguro sobrang yaman nila" namamangha kong sabi sa kanya.

Hindi sumagot si Gab. Pinanindigan talaga nito ang galit sa akin. Huminga ako ng malalim at lumipat sa katabing upuan ni Gab. Magkatapat ang upuan namin kanina kaya umikot pa ako.

Idinikit ko ang aking upuan sa kanyang upuan para mas lalo kaming magkalapit. Nasa labas pa rin ang paningin nito.

"Baby sorry na. Promise last na to. Di na ako magsusuot ng ganito." lambing ko sa kanya at marahang hinimas ang kanyang braso.

Hindi ko alam kung bakit sobrang big deal ng soot ko. Its not like a kissed a man because of my outfit. Hanggang tingin lang naman sila sa akin.

Tingin ko naman ay okay lang naman itong damit ko. Mas malaswa pa ang soot ng ibang babae sa school.

Hindi pa rin ito nagpatinag at hindi parin ako pinapansin.

Bahagya kong inamoy at pinatakan ng halik ang kanyang braso. Kay bango ng gamit nitong cologn. Kinuha ko ang kanyang kamay na nakapatong lang sa ibabaw ng lamesa.

Marahan ko iyong menasahe at hinayaan naman niya akong gawin iyon. Inilapit ko ito sa aking labi at hinalikan ang likod nito.

"Baby kausapin mo naman ako oh. Huwag ka na magtampo please" suyo ko sa kanya. Grabe, para itong babaeng kailangang suyuin at lambingin.

Hinawakan ko ang kanyang baba at marahang hinarap ang kanyang mukha sa akin. Pero tiningnan niya lang ako na blangko ang mukha.

Nakipagtitigan ako sa kanya. Pero ako rin ang unang umiwas. Hindi ko nakayanan ang intensidad ng mga titig nito.

Humilig ako sa kanyang braso at pinagsalikop ang aming mga kamay.

"Huwag ka na magalit baby. Sige ka hindi ka na pogi kung nakasimangot ka" I tried to make my voice as soft as possible.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon