Chapter 19

1.5K 24 3
                                    

Nagising ako ng tumunog ang aking cellphone. Without checking whos calling, I answered it.

"H-ello?" I greeted, my eyes are still closed and I am half awake. I moaned as I changed my position. Ilang minutong hindi sumagot ang nasa kabilang linya.

"Baby where are you? Nag-aalala na ako" his voice is too husky and low that I almost didnt hear it. Agad nawala ang aking antok ng marinig ang kanyang boses.

Shit, I remembered that I turned my phone on last night.

"Im fine Gab. Dont worry. I just need some time to think"  I replied. Paos ang aking boses, siguro ay nahamugan ako kagabi. Tiningnan ko ang oras at alas 3 pa lang ng umaga. Tahimik na rin sa labas, tapos na ata ang inuman.

"To think about what? Im missing you so much babe" he sounds pained. I am sorry Gab kung nasasaktan kita. Nasasaktan mo rin ako sa mga panghuhusga mo sa akin.

"To think about everything Gab." I whispered. A tear rolled down from my eye. Ilang minuto na naman itong tahimik. Tahimik lang din akong naghintay sa sasabihin nito.

"Are you mad at me?" he eventually asked. I can sense fear in his voice. Ako naman ngayon ang natahimik. Am I still mad at him? 

"Yes" pagod kong sagot sa kanya. Yes I am still mad.

"Can you still forgive me baby?" he asked. Parang may narinig akong singhot sa kabilang linya. Umiiyak ba ito? Of course not. Hindi umiiyak si Gabrielle.

"Y-yes babe. Just give me time. Nasasaktan ako so I decided to stay away in the meantime. But I know I can forgive you because I love you so much" I almost sobbed while telling him those words. I slightly coughed to clear my throat.

"Mahal na mahal din kita. Baby please, can you go home today? Or just tell me where ever you are, I'll go to you right away. I need you right now babe. I need your hug" he begged.

"I'll be back tomorrow Gab, and we'll talk. See you" agad kong pinutol ang tawag. Baka kung magpilit pa ito ay bumigay na ako.

Tiningnan ko ang phone at naka singkwentang missed calls na pala ito simula kagabi. Siguro sobrang lalim ng tulog ko kaya hindi ko napansin ang mga tawag niya.

Babasahin ko sana ang mga texts niya ng muli itong tumawag. Hindi ko ito sinagot. I turned the phone off again.

I tried to sleep again pero ayaw na akong dalawin ng antok.

I tried to count sheeps but it didnt help. Dilat na dilat pa rin ang aking mga mata Lumabas ako ng kwarto para uminom tubig.  Masyadong makalat ang bahay at maraming hugasin.

Gusto ko sanang maglinis na lang at hugasan ang mga maruruming pinggan. Pero hindi ko ginawa dahil baka madistorbo ko sina Tito at magising pa ang mga ito.

Pagkainom ko ng tubig ay muli akong bumalik sa kwarto at nahiga, replaying some moments with Gab. I really love him. I wont get hurt like this if I dont.

Halos dalawang oras ko siyang inisip. Day dreaming about what my future would be with him. Will he become a loving husband? A good father? Will our love even reach to that kind of level?

Alas singko na ng nagpasya akong bumangon. Mas lalo lang akong nadedepress kung mananatili ako rito sa aking higaan.

Madilim pa sa labas pero siguro naman ay okay lang kina Tito kung sisimulan ko ang pagliligpit. Sisikapin ko nalang na huwag mag-ingay.

Inuna ko ang labas ng bahay. Nagkalat ang mga bote sa paligid. Tumingala ako at may ilan pa ring bituin. The sea is calm.

Inipon ko ang mga bote at nilagay sa tamang lagayan. Sinunod ko ang mga pinggan at kubyertos na nagkalat. Itinabi ko ang mga upuan at ang mesa.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon