Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Gab sa kwarto. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya mula sa aking likuran.
Masyado ata akong natuwa habang pinapanood ang paghampas ng alon sa dalampasagan kaya hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto.
"Bakit ang lalim ata ng iniisip ng girlfriend ko?" tanong nito. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. We are both watching the waves.
"Natutuwa lang ako sa mga alon. Sayang at umulan. Gusto ko pa namang maligo sa dagat" nanghihinayang kong sagot sa kanya.
"Pwede pa rin naman tayong maligo kahit umuulan ah" he stated. Hugging me even tighter.
"Ang lamig lamig kaya" tanggi ko sa gusto nito. Parang nabaliktad ata ang sitwasyon ngayon.
"Edi yakapin na lang kita habang nasa tubig tayo para di ka lamigin." he suggested. He planted small kisses on my shoulder.
"Huwag na. Dito na lang tayo" agad akong umiling.
"Hmmm it looks like you just want to cuddle with me here" tukso nito sa akin. I know he is smirking kahit hindi ko ito nakikita.
"Ewan ko sayo Gab. Anong enorder mo?" pag-iiba ko ng usapan. I slightly turned my face to see him.
"Marami. Mamaya pa yun idedeliver dito. Gutom ka na?"
"Hindi pa naman. Umorder ka ba ng sabaw? Para pampainit. Grabe sobrang lamig talaga" I gently shake my body aa if mawawala ang ginaw kapag ginawa ko iyon.
"Meron din. Pero if you like, kaya kitang painitin ngayon" bulong nito na nagpatindig ng aking mga balahibo.
"Gab, ang bastos mo talaga?" inis na sabi ko sa kanya. Grabe wala na itong ibang iniisip kundi ang bagay na iyon.
Natawa lang ito sa sinabi ko. Kumalas siya sa pgkakayakap sa akin at hinila ako sa couch.
Nanood kami ng movie. Isang action movie sa hbo. Magkatabi kaming nakaupo sa malapad na couch. My legs rested on his lap. Marahan niya iyong minamasahe.
"Hindi ka ba nagsasawa na ako na lang lagi ang kasama mo? Okay lang naman sa akin kung sumama ka sa barkada mo. Sabihin mo lang" maya maya ay tanong ko sa kanya. Minsan na lang kasi ito sumasama sa barkada.
"Kahit kailan ay hindi ako magsasawang kasama ka Sam. Hindi na nga ako makapaghintay na makasal tayo. Gusto ko kasama kita lagi. Ikaw ba nagsasawa na sa akin?" malambing ang kanyang boses. Para akong dinuduyan.
"No Gab. Gusto ko rin na lagi kang kasama. Masaya ako kapag kasama kita." I honestly told him.
"Talaga? So lets get married tommorow kapag wala ng ulan?" Im not sure if he is just joking or what. Seryoso kasi ang mukha nito. He leaned in closer to me.
"Anong kasal kasal ka dyan. Ang bata pa natin no. Magtapos muna tayo ng pag-aaral." pangaral ko sa kanya.
"So that will be four years from now. Im not sure if I can wait that long Sam. Buntisin na lang kaya kita?" biro nito.
"Hwag mo ngang ginagawang biro ang mga ganyang bagay Gab. Hindi maganda" galit na sabi ko rito. Ayaw kong isiping mabubuntis ako sa murang edad. Ang dami ko pang pangarp sa buhay.
"Who said Im joking.? Susubukan kong maghintay ng apat na taon bago ka pakasalan. Pero kung hindi ko kaya at gustong gusto na kitang itali, pipikutin na kita para mapilitan kang pakasalan ako." he said seriously. His eyes even glowed as if he just have the greatest idea.
"Ikaw Gabrielle kung ano ano yang iniisip mo. Baka ikaw pa ang pikutin ko dyan eh" biro ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangang gawin yan baby. Sabihin mo lang at magpapakasal tayo. Any time and any where" he even winked at me.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...