Chapter 40

1.9K 28 5
                                    

Just like how he wanted, sabay kaming umuwi sa kanyang condo. Dumaan kami sa aking apartment para kumuha ng iilang gamit ko. I will still keep my apartment. Hindi naman siguro ako magtatagal sa condo ni Gab.

Sisiguradohin ko lang na maayos ang lagay ni Mike at sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa kompanya. Ipapaalam ko rin sa kanya ang aking planong umuwi sa San Lucas. Sana ay maintindihan niya ako at sana ay hindi niya iisiping hindi ko tinupad ang aking pangako. Alam naman siguro ni Mikael kung ano ang sakripisyong ginawa ko para sa kompanya. I know him, I know he'll understand.

Kapag nasabi ko na kay Mike ay aalis na ako sa bahay ni Gab at baka magresign na rin ako sa trabaho. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang makalayo sa kanya.

Dala ang isang malaking luggage ay sumakay ako ng kotse ni Gab. Tinulungan niya akong ilagay ang bagahe ko sa likod ng kanyang sasakyan. Tahimik lang kami habang nasa byahe pauwi sa kanyang condo. I dont know what to expect from him now that we will be living together. Iisa lang ba ang kama namin? Will he ask me to have sex with him? Will we cuddle to sleep?

Tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya. Nasa harapan ang paningin nito.

"While we are living together, ayaw kong magkita pa kayo nung lalaking nakilala mo sa bar o kahit na sinong lalaki" utos nito. I was about to object ng maalalang sinabi ko pala sa kanyang gagawin ko ang lahat ng kanyang gusto. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon.

"Naiintindihan ko po" I mumbled. I played with my hands on my lap.

"You know what Samantha, masyado kang mabait. People will use your kindness against you" he commented. Napairap ako sa kanyang sinabi. Siya lang naman ang umaabuso sa kabaitan ko.

"Karma na lang po ang bahala sa kanila" tiim bagang na sagot ko sa kanya. Makarma ka sana Gab. Ngumisi lang ito sa aking sinabi.

"Yeah, Karma na ang bahala sa akin." he said and he laughed. Mabuti naman at alam niyang siya ang tinutukoy ko.

Dumating kami sa kanyang condo. Tinulungan niya akong dalhin ang aking maleta. Walang nabago sa kanyang bahay from the last time that I've been here. Damdamin ko lang ata ang nabago. Umupo ako sa sofa para magpahinga saglit.

Ipinasok niya ang bagahe ko sa silid kung saan ako natulog dati. At sa pagkakaalam ko ay kwarto niya iyon, so ibig sabihin ay tabi nga kaming matutulog. Well ilang beses na kaming magkatabing natulog noon so I guess it will no longer matter this time.

Ilang minuto ay muli itong lumabas ng kwarto. Nakaboxer na lang ito at walang suot na damit. Nagtungo ito sa kitchen at kumuha ng tubig. Tumayo ako at pumasok sa kwarto.

Gab already emptied one side of his walk in closet. Masyadong malaki ang espasyong binigay niya sa akin para sa iilang damit na aking dala. Gayunpaman ay sinimulan kong ayusin ang aking mga gamit. Inilipat ko ang mga damit sa cabinet at nilagay ang aking iilang sapatos sa tabi ng mga sapatos ni Gab.

Napangiti ako habang tinitingnan ang aming mga sapatos na magkatabi. Hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ay bagay silang tingnan. Na para bang nasa tamang lagayan ang aking mga sapatos.

Nagpalit ako ng isang sando at maikling short at lumabas ng closet ng natapos ako sa pag-aayos. Naabutan ko si Gab na nakaupo sa sofa sa loob ng kanyang silid. Pumasok naman ako ng banyo sa loob ng kwarto para maghilamos, kanina ko pa gustong tanggalin ang make up sa aking mukha. Kinuha ko ang nakitang tuwalya at pinunasan ang aking mukha.

Si Gab ay nakaupo pa rin sa sofa. Pinagmamasdan lang nito ang aking mga galaw. Ganito nalang ba ang gagawin nito buong araw? Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mga titig nito.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon