Chapter 32

1.6K 34 4
                                    

Weeks passed at nagpatuloy ang pagpapahirap sa akin ni Gab. Madalas niya akong utusan ng kung anu-ano. Minsan ay pinapagawa niya sa akin kahit ang mga bagay na hindi ko na trabaho. Gaya ng paglilinis ng CR at ng salamin ng bintana sa opisina nito.

I confronted him and complained that those tasks are no longer part of my job description. But he just simply told me to resign kung ayaw ko nang sundin ang mga gusto niyang ipagawa.

I didnt know that bullying can also happen in the office. Akala ko ay sa school lang nangyayari ang bagay na iyon. Ang sarap isumbong sa DOLE o hindi kaya ay ipaTulfo ang lalaking ito.

Ang konting pagmamahal na nararamdaman ko kay Gab ay napalitan ng inis at poot. I was expecting him to be professional at least. But who am I kidding? He is far from being professional. Kung hindi lang talaga dahil sa pangako ko kay Mike ay matagal na akong nagresign.

Im so stressed lately. Kailangan ko na sigurong magbakasyon. Maybe I'll file a leave one of these days para makauwi at makapagbakasyon sa San Lucas.

Tamang tama at birthday na ni Nanay next week, siguradong matutuwa yun kapag binalita ko sa kanyang uuwi ako.

I was checking some documents when the door opened. Nakita kong pumasok ang isang babae. She is tall, slender and very beautiful. Siguro ay isa itong modelo. Hindi na ako nagulat. Im sure isa na naman ito sa mga babae ni Gab.

Madalas may dumadalaw na babae kay Gab. I was shocked at first pero nasanay na rin ako kalaunan. Ibat-ibang babae ang pumupunta sa kanya every time. But they have one thing in common. They are all damn hot and sexy. Naiiling na lang ako. Ginawa pa nitong motel ang opisina ni Mike. He is such a manwhore.

Lumapit sa akin ang babae. Mabilis naman akong ngumiti sa kanya. Napatingin ako sa kanyang dibdib, halos lumuwa na ang boobs nito dahil sa haba ng kanyang neck line. Sobrang ikli rin kanyang suot na skirt.

"Good morning Maam. How may I assist you?"
I greeted her just like how I greeted his other women. She flipped her hair and smiled at me. Well, at least this one is friendly. Hindi tulad ng ibang babae ni Gab na mga maldita at akala mo ay sino kung makaasta at makautos.

"Hi, is Gab in his office? Im Michelle Lawrence, Gab's girlfriend" pakilala nito. Lahat ng babaeng pumupunta rito ay nagpapakilalang girlfriend ni Gab. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

"Saglit lang po Miss Lawrence. Busy kasi si Mr. Del Alguazil. I'll ask him" sagot ko sa kanya at kinuha ang telepono.

Mabilis iyong sinagot ni Gab. "Sir, a certain Ms. Michelle Lawrence is looking for you. Shall I let her in?" I inquired. Of course you should let her in Sam, wala ni isa sa mga babaeng pumunta rito ang hindi hinarap ni Gab. They are all welcome in his office.

"Yes!" he permitted and ended the call. Exactly like how I thought.

Tumayo ako at binuksan ang pinto sa office ni Gab para kay Ms. Lawrence. Nagpasalamat naman ito sa akin at naglakad papasok. She's friendly kaya friendly din ako sa kanya.

"Would you like a coffee Maam or tea?" I offered. Tumingala ako sa kanya dahil mas mataas ito sa akin ng ilang pulgada. Wow, her eyes were blue. Contact lens lang kaya iyon?

"Just a glass of cold water please" she politely requested. Tuluyan na itong pumasok at marahan kong isinara ang pinto.

Nagtungo ako sa pantry para kumuha ng isang basong tubig gaya ng gusto nito. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng ilang minuto bago binuksan ang pinto ng opisina ni Gab.

I learned my lesson. Hindi na ako basta bastang pumapasok sa opisina nito tuwing may babae itong kasama sa loob. Ilang beses ko itong naabutang nakikipaglampungan sa kanyang mga babae.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon