Gabriel-
"Dad, mom won't wake up" sigaw ni Terrence mula sa taas ng hagdan. Napatingin ako sa pinto ng kusina ng pumasok doon ang limang taong gulang naming anak. Hawak hawak nito ang laruang sasakyan. Napaka-cute nitong tingnan sa suot nitong asul na pajama. Inutusan ko itong gisingin si Sam para mag-agahan."Hayaan mo na si Mommy, anak. Kain na tayo" binuhat ko to at inuupo sa bakanteng silya. I cooked our breakfast. May mga katulong naman pero gusto kong ipagluto ang mag-ina ko ngayon. Its Sunday at wala akong pasok.
"But I want to eat with mommy" reklamo ng bata. Humaba ang nguso nito at parang maiiyak.
"Try kong gisingin si Mommy okay? Stay there, hwag malikot at baka mahulog ka" paalala ko sa kanya. Masaya naman itong tumango.
Kawawa naman ang asawa kong yun, puyat ito at magdamag gising. Iyak kasi ng iyak kagabi si Belle, ang dalawang taong gulang naming anak. Ayaw nitong tumahan kung hindi ang mommy niya ang magpatahan sa kanya.
Kabuwanan na rin nito para sa ikatlo naming anak kaya as much as possible, ayaw kong nagkikilos ito. Yes, we are now on our third child. Kontento na si Sam sa tatlo pero gusto ko ng lima.
Ng makitang maayos na kumakain si Terrence ay umakyat ako upang tingnan ang aking mahal na asawa. Dumaan muna ako sa kwarto ni Belle at napangiti ng makitang mahimbing pa din ang tulog ng baby namin. Tinungo ko ang aming silid at marahan iyong binuksan upang hindi makagawa ng ingay. Ayaw kong madistorbo ang tulog ni Misis.
Naabutan ko itong mahimbing na natutulog. Banayad and pagtaas-baba ng dibdib nito. Tinitigan ko ang kanyang magandang mukha. Para itong anghel na natutulog. Nothing has changed, she is still as pretty as she was before kahit pa nagkalaman ito dahil sa pagbubuntis at panganganak ay maganda pa rin ito. Isang bagay na ikinainis ko dahil kahit sabihin pang may asawa at anak na at kahit pa tumaba ay marami parin ang nagkakagusto sa kanya. Screw them, I will never let this woman leave me again.
We got married 5 years ago. Ilang linggo pagkatapos naming magkabalikan ay agad ko siyang pinakasalan. Itinali ko kaagad ito sa akin dahil hindi ko na kakayanin kung muli man akong mawalay sa kanya. The weding was just simple, just like what she wanted. Imbitado lang ang malalapit naming kaibigan at pamilya. I want a grand wedding for her, pero si misis pa rin ang laging masusunod.
Natigil ang pag-iisip ko sa nakaraan ng marahang gumalaw si Sam. She stretched and let out a cute yawn. Everything this woman do is beautiful.
"Hey, good morning mommy namin" nakangiting bati ko sa kanya at marahang hinaplos ang malambot niyang pisngi. So soft. Nakapikit parin ang mga mata nito. Marahan itong nagmulat at ang hinaplos ko naman ay ang malaki niyang tummy. Anytime ay lalabas na ang bunso namin. I am so damn excited.
"Morning daddy. Anong oras na?" she asked, eyes are still half open.
"8:30 pa lang. You should sleep more. Napuyat ka kagabi"
Tuluyan itong nagmulat ng mata at pinilit bumangon kahit nahihirapan dahil sa laki ny tiyan.
"Bakit di mo ako ginising? Magluluto pa ako ng breakfast. Si Terrence at Belle gising na ba?" nag-aalala at may pagmamadaling bumangon ito. Maagap ko naman itong inalalayan. She is hands on when it comes to our kids and me. Siya lagi ang nag-aasikaso sa amin kahit pa may mga katulong sa bahay.
"Hey. Easy, easy. Dahan dahan lang baby. Don't worry, I already cooked for breakfast. Terrence is now eating and Belle is still asleep"
She sigh in relief at ngumiti sakin. I gave her a quick kiss on her lips. Hindi ko mapigilan. Kung hindi lang ito buntis ay baka kanina ko pa ito pinanggigilan.
BINABASA MO ANG
Samantha
Lãng mạnSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...