chapter 14

1.5K 24 11
                                    

Today is Saturday at ang araw ng birthday ni Andrew. Mamayang gabi ang pool party. Disappointed si Lianne ng sabihin ko sa kanyang hindi na ako pupunta.

Naguilty naman ako dahil alam ko kung gaano ito kaexcited. Nagtatampo pa rin ako na hindi ako pinapupunta ni Gab. Feeling ko ay ikinahihiya niya ako.

I was reading the book that Gab gave me when he texted that he'll come and visit me. Kakatapos ko lang maglinis ng bahay at maglaba kaya gusto kong magpahinga.

Pumesto ako sa isang malapad na duyan sa likod ng aming bahay. Nakatali ito sa ilalim ng mangga at makikita ang malawak na palayan.

Presko ang simoy ng hangin at hindi mainit dahil sa lilim ng malaking puno.

Ilang minuto paakong nagbabasa ng mapansin ang kanyang sasakyan na pumarada sa labas ng bahay.

Lumabas si Gab ng sasakyan at lumapit sa akin. May dala itong supot.

Nakita niya akong nakahiga sa duyan kaya agad itong lumapit sa akin. He leaned down and kissed me. Bahagya ko siyang tinulak dahil baka may makakita sa amin.  

He handed me the plastic bag kaya napaupo ako para tingnan ito. May laman iyong styro. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang isang slice ng chocolate cake.

Agad akong napatingin sa kanya at matamis na ngumiti. Umupo siya sa aking tabi.

I love everything that has chocolate in it. Agad ko iyong tinikman. Parang nawala ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sumama ako sa birthday ni Andrew.

Nakasoot lang ako ng puting sando at isang malambot na short. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking balikat at pinatakan ito ng halik.

"Wala ka bang pasok sa factory?" takang tanong ko sa kanya habang kumakagat ng cake. Its weekend and he should be working.

Nagulat ako ng dilaan niya ang chocolate na dumikit sa aking daliri.

"Tapos na kaninang umaga. Wala na akong gagawin kaya maaga akong umalis." he explained.

I think its just 2 in the afternoon. Siguro ay pagod ito galing trabaho.

Inilapit ko ang cake sa kanya para makatikim naman ito. Kumagat lang siya ng konti. May naiwang chocolate cake sa gilid ng kanyang labi.

Pinunasan ko iyon gamit ang aking daliri. Dinilaan ko ang aking daliri para mawala ang chocolate.

Ng maubos ang cake ay tumayo ako para itapon ang supot sa basurahan. Pagbalik ko ay komportable na itong nakahiga sa duyan.  Iniunan niya ang kanyang braso.

Malaki ang duyan kaya kasya kami kung tatabi man ako sa kanya.

Umupo ako sa kanyang gilid. Umusog siya para makahiga ako. Iniunan ko ang aking ulo sa kanyang bisig. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg. I can feel his breathe in my earlobe. The hot air he exhaled makes me shiver.

We stayed like that for a few minutes. I continued reading the book. Ilang minuto pa ay narinig ko ang marahan nitong paghilik.

Tumingala ako para makita ang kanyang mukha. Parang ang himbing ng tulog nito. Pinilit kong huwag gumalaw upang hindi rin gumalaw ang duyan, baka magising ito kung nangyari iyon.

I looked at his long lashes, he still looked so handsome even while sleeping.

I just let him sleep. Siguro ay pagod talaga ito. Halos isang oras din ata itong nakatulog.

Nagising ito at nag-inat.

"I can really sleep well here in your house Sam." sabi nito sa akin at iniyakap ang kanyang isang kamay sa aking bewang.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon