chapter 5

1.6K 32 16
                                    

Simula ng nanligaw sa akin si Gab ay lagi na
akong laman ng chismis sa paaralang ito. Girls can't believe that Gab likes
me. Some conclude na ginayuma ko umano ito o nilandi. Other think that Gab was just challenged na mapasagot ang school nerd.

They bashed me as if it will affect me. Sure their words sting but I couldn't care less. These nonsensical women are just being misled by their own thoughts.

Kahit minsan ay hindi ako gumawa ng hakbang para mapansin ni Gab, so these irrational bitches don't have any rights to point their fingers on me.

Wow, I also sound like a biatch.

Gab became more vocal and showy. Sa pagkakaalam ko ay nanliligaw pa lang ito. But he acted like he is already my boyfriend. He is already claiming his place in my life. I can't remember how many times I tried to suppress his actions, but that only makes him persistent.

Araw-araw niya akong hinahatid pauwi. Mabuti nalang at laging nasa tindahan sila Nanay tuwing hapon.

Madalas pa rin itong lumiliban sa klase, ngunit lagi siyang nagpapaalam sa akin at tinetext ako kung ano ang ginagawa nila.

Napansin din ng mga guro ang pagiging malapit ni Gab sa akin kaya ako ang laging tinatanong nila kung bakit ito wala. Syempre wala naman akong maisagot sa kanila.

Sabado ngayon at walang pasok. Gusto ko sanang tumulong sa tindahan pero hindi pumayag si Nanay kaya naiwan ako sa bahay kasama si Boboy. Plano kong maglinis na lang at maglaba ng maruruming damit.

Medyo tinanghali ako ng gising kaya mataas na ang sikat ng araw. Inayos ko ang aking higaan at itinali ang aking buhok kasama ang mahaba kong bangs. Siguro ay dapat ko ng gupitan ng konti ang bangs ko dahil halos wala na akong makita. Pero gusto ko na rin itong pahabain. Oo, ako lang ang naggugupit ng buhok ko. Sayang din yung 60 pesos na pambayad sa salon.

Naka Spaghetti strap lang ako na hapit sa aking katawan at sobrang ikling short. Ganito lagi ang madalas kong suot kapag nasa bahay.

Tiningnan ko ang aking kabuoan sa salamin at masasabi kong biniyayaan ako ng magandang hubog ng katawan. I don't have belly fats at ang mga kurba ay nasa tamang lugar. May kalakihan din ang aking hinaharap.

Elementary pa lang ako ay malaki na ang aking dibdib kumpara sa mga babae na kaedad ko. Boys bullied me saying I have 2 big papayas in my chest. I was so humiliated so I started wearing big clothes to hide my body. Hanggang sa nakasanayan ko na at naging komportable na ako sa ganoong mga damit.

Now, people won't notice. Nahihiya rin kasi ako tuwing tinititigan ng mga tao ang aking dibdib.

Naalala ko kung paanong naiinggit si Lianne sa aking katawan tuwing nag si-swimming kami sa kanilang pool.

Malaki rin at bilugan ang aking pang-upo kaya madalas ay maluluwang na pantalon o palda ang aking soot.

Hindi ako tumataba kahit sobrang dami akong kumain. Siguro ay ganito lang talaga ang aking katawan.

For me, my face is just fine and ordinary. Matangos naman ang aking ilong at natural na mapupula ang aking labi. Sabi ni Lianne ay maganda raw ako, namana ko ata ang mga katangiang ito sa aking lolo na ayon kay Tatay ay isa raw half Italian.

My skin is pale white, bagay na ayaw ko kaya madalas akong magsun bathing sa tabing dagat na malapit lang rito sa amin. I want a morena skin like Lianne's.

Humihikab akong lumabas ng kwarto. Inaantok na bumaba ako ng hagdan at agad nagtungo ng kusina upang makapag handa ng agahan namin ni Boboy. My eyes are still half closed.

Maagang nagigising ang aking kapatid kahit sabado, nasanay na ito dahil maaga ang kanyang pasok sa school.

Nagulat ako ng nakita ko ito sa mesa at kumakain ng agahan sa isang styrofoam. Biglang nawala ang aking antok.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon