Chapter 26

1.6K 23 5
                                    

Buong araw ng linggo ay wala akong ganang kumain. Nagkulong lang ako sa aking kwarto. I didnt even clean the house or washed the clothes just like I am used to.

Lianne tried to convince me to go out, pero wala rin itong nagawa. I dont want to do anything. I just want to stay in my bed. I am too lazy and too broken to even move a finger.

Umuwi si Lianne na bagsak ang mga balikat. But I assured her that I'll be okay. Naiintindihan naman ako ng kaibigan ko.

Hindi ko alam kung bakit pinapahirapan ko ang aking sarili sa kakaisip kung ano ang ginagawa ni Gab ngayon. Kung nasasaktan ba ito o kung nakahanap na ba agad ito ng pamalit sa akin.

That is a possibility, maraming naghahabol sa kanya. Mga babaeng naghihintay na magsawa si Gab sa akin at iwanan ako. Siguro ay tuwang tuwa ang mga ito kapag nalaman nilang dumating na nga ang kanilang pinakahihintay.

I remembered how he promised me na ako lang ang babae sa buhay niya. But then, promises are made to be broken indeed. Dapat ay hindi ako naniwala sa mga iyon.

Playboy ito at madali lang sa kanya ang magbitaw ng mga pangako. Kahit pa hindi totoo ang mga iyon. Ako naman so tanga, kilig na kilig sa mga kasinungalingan nito.

You will be my greatest teacher Gab. You taught me the greatest lesson in my life that I'll never forget.

Ang mahalin ka ay isa sa pinakamaganda ngunit pinakamasakit na parte ng aking buhay. Ang mga bagay na sabay nating pinangarap ay mananatiling pangarap na kailan man ay hindi matutupad.

Kinabukasan ay ayaw kong pumasok. Pero pinilit ako ni Lianne. Maaga itong nagpunta sa bahay.

"Sammy, I know how hurt you are. Pero huwag mo namang kalimutan ang pag-aaral mo. Si Gab lang ang nawala, ang pamilya mo ay andyan pa rin. Paano na ang mga pangarap mo para sa kanila" madamdaming pahayag ni Lianne.

Napangiti ako sa pagiging OA nito. I am happy that I can still smile despite of my situation. Thanks to my friend.

"Lee, ngayong araw lang naman. Papasok na ako bukas." I argued. Wala talaga akong ganang pumasok ngayon.

"No, bakit hindi ka papasok? Gusto mo bang isipin ni Gab na apektado ka sa paghihiwalay niyo?" mataas ang kanyang boses. Mabuti nalang at walang ibang tao dito sa bahay.

Apektado naman talaga ako ah, but he dont have to know that.

"Fine, give me 10 minutes to prepare" I told her. Tumayo ako at mabilis na naghanda para sa klase.

Ayaw ko sanang maligo pero pakiramdam ko ay ang baho baho ko na. Naghalo na ang luha at laway sa aking damit.

Mabilis akong nagshower at bumalik sa aking kwarto. Kumuha ako ng maluwang na tshirt at pantalon.

Nanatili namang nakaupo si Lianne sa aking kama. Tinitingnan ang kilos ko. Ng makita niya ang hawak kong damit ay agad kumunot ang kanyang noo.

Lumapit siya sa akin at mabilis na hinablot ang mga damit. "You are not wearing these trash." maarteng sabi nito. Agad akong napatingin sa kanya. She sounds like those bitches in school.

"Why? An tagal ko ng sinusuot yan ngayon ka pa magrereklamo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kaya nga Sam. Matagal mo na itong sinusuot kaya panahon na para magbago yang pananamit mo. You looked naive and nerd in these clothes, kaya ka inaapi at pinaglalaruan ng mga lalaki" sabi nito at inirapan ako. Lumapit ito sa cabinet ko at naghalughog ng mga damit.

Hinayaan ko siya sa kanyang gusto. Kaya ba naisipan ng mga kaibigan ni Gab na paglaruan ako dahil sa suot ko? Dahil mukha akong walang kalam alam sa mundo?

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon