Chapter 8

1.5K 31 7
                                    

Friday na at maaga akong pumasok. Kailangan kong pumunta sa library para isauli ang mga librong hiniram.

Nagtext si Lianne na hindi siya makakapasok dahil may sakit daw. Nag-alala ako sa kaibigan ko kahit pa sinabi niyang lagnat lang ang kanyang nararamdaman.

Mga katulong lang ang kasama nito sa bahay. Siguro ay dadalawin ko siya pagkatapos ng klase.

Naglakad ako patungong library at nakasalubong ko si Bryan, one of Gab's friends.

"Hi Sam, you looked great today" puna niya, he smile boyishly. Im not sure kung tama ba ang nakita ko sa kanyang mukha, para itong nahihiya.

"Hi Bryan. You also looked..." simula ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nangangapa kung ano ang pwede kong sabihin sa kanya

"...extra handsome today" dugtong ko. Nagulat ito sa sinabi ko. Bigla naman akong nahiya. Maging si Bryan ay nagulat sa sinabi ko sa kanya.

"I have to go Bry. Kailangan ko pang isuli to" mabilis akong nagpaalam sa kanya sabay turo sa mga librong dala ko.

"You take care Sam" paalam nito at tumango lang ako.

"Ikaw din"

Mabilis ko siyang nilampasan at nakita kong sinundan niya ako ng tingin. What was I thinking. Bakit yun ang sinabi ko sa kanya? Nakakahiya, baka isipin niyang nakikipagflirt ako sa kanya.

Pero totoo naman ang sinabi ko. Ang pogi niyang tingnan ngayon kumpara noon.

Nagpatuloy akong naglakad papuntang library habang iniisip kung may mga assignments ba akong hindi nagawa.

Nasa pinakadulong bahagi ng school campus ang library, kahilera nito ang mga benches sa ilalim ng mga puno. Mangilan ngilan pa lang ang mga estudyante.

Bago pumasok ng library ay nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na tao sa di kalayun. Bahagya akong lumapit para makita ito.

Gab's sitting in a bench, katabi nito ay si Jessa na kakayakap sa kanyang mga braso. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero makikita ko na nagtatawanan ang mga ito.

Jessa whispered something to Gab's ears and he laughed. Ano kaya pinag-uusapan nila? Nagjoke kaya si Jessa kaya natawa si Gab?

Naiinis ako. Sobrang sweet nilang tingnan. Aakalain mong may relasyon silang dalawa. Naiinis akong isipin na may ibang babaeng nagpapatawa kay Gab.

Mabigat ang loob na pumasok ako ng library at sinuli ang libro. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nakita.

If they are only friends, bakit hinahayaan ni Gab na nakapulupot sa kanyang braso ang mga kamay ni Jessa? Alam ng mga tao na may relasyon kami, hindi ba niya inisip ang maaring sabihin ng ibang estudyanteng nakakita sa kanila?

What if Gab's a two timer? Paano kung sila din ni Jessa? Naalala ko noong narinig ko sila sa CR, nanliligaw daw si Jessa sa kanya.

Tsk. Pinilig ko ang aking ulo para mawaksi ang mga iniisip. Ilang minuto pa akong tumambay sa library bago pumunta sa classroom.

Gabs already in his chair. Ngumiti ito ng makita akong papasok ng silid.

"Good morning baby" masiglang bati nito na malapad ang ngiti. Tiningnan ko siya at tumango lang ako bilang tugon.

Ang saya mo ata ngayon? Maligaya ka dahil nakausap at nakipaglandian ka sa babaeng iyon?

Hindi ko maisatinig ang mga sumbat ko sa kanya. Umupo ako at bahagya siyang tinalikuran. Nagkunwari akong may sinusulat. Wala si Lianne kaya wala tuloy akong makausap.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon