Isang linggo kong itinuro kay Gab ang mga detalye ng kompanya, ang status at ang kita sa nagdaang taon, ang mga nagdaan at kasalukuyang projects. It was the longest week for me in my whole life. Pinilit kong maging kaswal at kinalimutan ang aking mga nararamdaman.
Matalino ito at agad niyang natutunan ang mga iyon. Siya na ngayon ang nagrereview at nag-aaproba ng mga project proposals.
Im glad that Gab didnt change anything about the company. Sana lang talaga ay mapalakad niya ng maayos ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya ni Mikael. Well, There's absolutely no doubt about that. All his companies are totally successful, siguradong mas mapapalago pa ang Virgina Lands sa kamay nito.
Gab remained cold and distant towards me. Mas mabuti na rin siguro ang ganyan. Ayaw ko rin naman siyang makausap.
I was checking some emails ng tumunog ang intercom, I felt my heart skipped a beat. Isang linggo na at hindi pa rin ako nasasanay tuwing tinatawag niya ako.
"Ms Roque, I want a cup of coffee" utos nito at agad ring nawala sa kabilang linya. Tumayo ako para ipagtimpla ito ng kape.
Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa kanyang opisina. He is busy reading some documents. Dala ko ang isang tasa ng kape at inilapag iyon sa gilid ng kanyang mesa. I saw how his hair fell on his forhead. Pinigilan ko ang sariling ayusin iyon, gaya ng ginagawa ko dati. Oo nga pala, hindi na pala tayo Gab.
"here's your coffee Sir" sabi ko sa kanya at tumayo ng tuwid. I waited for him to respond. Pero hindi niya ako pinansin. He practically didn't even glance at me.
I immediately dismissed myself. You are an idiot Sam. Ano ang hinihintay mo kanina? Na magthank you siya sayo? Why would he ever thank you? Secretary ka at binabayaran ka niya para gawin ang bagay na iyon.
Muli kong itinoon ang atensyon sa trabaho. Ngunit ilang minuto lang ang nakakaraan mula ng bigyan ko ito ng kape ay muli niya akong pinatawag.
Pagpasok ng opisina ay nakita ko ang basag na baso ng kape sa sahig. Nagkalat rin ang laman nito. Kunot ang noong napatingin ako kay Gab.
"Nasagi ko. Pakilinis" walang pakeng utos nito.
"Magpapatawag po ako ng janitor" babalik sa sana ako sa mesa para magpatawag ng tagalinis ng muli itong nagsalita.
"I cant wait for a janitor. Clean it yourself" he commanded. His eyes are still on the documents he's reading.
Napailing nalang ako. Paano ko naman iyon lilinisin, wala akong gamit para punasan ang nagkalat na kape sa sahig.
Kinuha ko ang basurahan sa loob ng opisina nito at isa-isang nilagay roon ang mga basag na bahagi ng baso. Ng matapos ay kumuha ako ng isang rolyo ng tissue sa restroom at ginamit iyong pamunas ng sahig.
"Pagkatapos mo riyan ay timplahan mo uli ako ng kape" hindi paman ako natatapos sa aking ginagawa ay may utos na naman ito. Tumango lang ako bilang tugon. Hindi ko alam kung nakita ba niya iyon.
This man is making my life wretched. Anim na taon Gab. Anim na taon kong dala dala ang sama ng loob ko sa iyo. Ngunit hanggang ngayon ay pinapahirapan mo pa rin ako. Hindi pa ba sapat iyon?
Nagtimpla uli ako ng kape para sa kanya. Lagyan ko kaya ito ng lason? My God, nagiging kriminal ang aking pag-iisip ako dahil sa lalaking ito.
Inilapag ko lang ang tasa malapit sa kanya at muling naglalad pabalik sa aking pwesto. Ngunit di paman ako tuluyang nakalabas ay napatalon ako sa lakas ng pagkakalapag nito ng baso sa mesa.
Napalingon ako sa kanya at agad na sumalubong sa akin ang kanyang galit na mukha. What is it this time?
"What the hell Miss Roque. Ilang taon ka ng sekretarya sa kompanyang ito pero hindi ka pa rin marunong magtimpla ng kape? Its too sweet." reklamo niya at inilayo sa kanya ang baso na parang nandidiri sa laman noon.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...