Chapter 38

1.7K 21 3
                                    

I woke up alone in my room. Masama ang aking pakiramdam. Kahapon pa ako nakakaramdam ng sakit sa ulo. Mabigat ang aking katawan at mainit amg aking hininga. Pero dahil din kaya ito sa nangyari sa amin ni Gab kagabi?

Wala na si Gab sa aking tabi. Lumabas ako ng kwarto para tingnan kung nasa labas ito pero agad din akong nadismaya ng katahimikan lang ang sumalubong sa akin.

He didnt even said goodbye after we made love. Oh we didnt made love, it was just pure sex for Gab. Ginawa niya lang akong parausan. Matamlay akong naghanda para pumasok sa trabaho. Magha-half day na lang ako para makauwi mamayang hapon sa San Lucas. Hindi ko na kailangang magdala ng maraming gamit dahil may mga naiwan pa naman akong damit sa bahay.

Aalis na sana ako ng apartment ng bigla akong nahilo. Muli akong napaupo sa aking sofa at mariing ipinikit ang aking mga mata. Umiikot ang aking paligid. Nagpahinga ako ng ilang oras, ng bahagyang nawala ang aking pagkahilo ay muli ako tumayo. Ngunit muntik na akong matumba, mabuti na lang at nakahawak ako sa gilid ng couch.

Hindi ko ata kayang pumasok ngayong araw. Karma na siguro ito sa akin dahil sa plano ko na magkunwaring may sakit. Marahan akong naglakad pabalik sa aking kwarto. Humawak ako sa pader upang hindi ako mabuwal. Muli kong hinubad ang akin mga damit at humiga sa aking kama.

Giniginaw ako kaya kinuha ko ang aking kumot at nagtalukbong gamit iyon. I hate it when I feel sick, wala kasing nag-aalaga sa akin. Kaya pinipilit ko talagang magpagaling.

Ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan ng hinila ng antok. Nakita ko si Gab, ang kanyang gwapong mukha at sexy na katawan.

"I miss you baby"

"I love you so much. Ikaw lang ang tanging mamahalin ko." hinawakan ko ang kanyang mukha at bigla itong lumuhod. Kinuha niya ang isang singsing at isinoot sa aking daliri. "Marry me Sam" malambing na dabi nito.

Tumango ako at masaya itong tumayo. He kissed me and he touched my body. He is slowly taking off my shirt while whispering words love. He touched my breast and he entered my woman hood. "I love you so----"

RIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGG

Nagising ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Nalungkot ako ng malamang nananaginip lang pala ako. Shit, did I just had a wet dream? Palagi kong napapanaginipan si Gab noon. But its the first time that we had sex in my dreams. Tumingin ako sa orasan, 10 am na ng umaga.

Kahit mabigat ang katawan ay bumangon ako at inabot ang cellphone sa bedside table. Tumatawag si Bing. Agad ko iyong sinagot.

"Bing? Napatawag ka?" Paos ang aking boses ng sagutin ang telepono. Pinilit kong imulat ang aking mga mata.

"Sam bakit di ka pumasok? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito. I can sense fear in Bing's voice.

"May sakit ako. Di ako makatayo. Bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Si Boss Gab kasi. Galit na galit. Hinahanap ka. Kaya mo bang pumunta rito? Tatlong empleyado na ang tinanggal niya" natatakot na sumbong nito.

"Bakit daw Bing? Bakit siya nagagalit?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi namin alam Sam. Basta hinahanap ka. Pinapunta ko si Robby dyan para sunduin ka" she replied. I can hear noises on the other line.

"Sige sige..Magbibihis lang ako. Papunta na ako dyan" paalam ko sa kanya at pinatay ang tawag. Pinilit kong tumayo at muling isinuot ang mga damit na hinubad ko kanina.

Inayos ko ang aking sarili. Umupo ako sa couch at hinintay si Robby. At least hindi ko na kailangang magcommute. Minutes after ay nagtext si Robby na nasa labas na daw ito ng gate. Tumayo ako at lumabas ng bahay. Nahihilo pa rin ako pero pinilit kong hwag matumba.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon