Mabilis na dumaan ang panahon. Sino ang mag-aakalang magtatapos na ako ng kolehiyo ngayon.
Pamilyar sa akin ang ganitong set up. Nasa itaas ako ng stage at nagsasalita. Sa baba ay nakikita ko ang mga studyanteng magtatapos at ang aking mga magulang na tahimik na humihikbi.
Masaya ako na sa pangalawang pagkakataon ay napaluha ko si Nanay at Tatay. Luha ng kaligayahan at tagumpay.
Nagtapos akong Suma Cum Laude sa kursong Accountancy. All my hardships and sacrifices for the last four years have paid off.
Now I should welcome my self to the real world. World full of uncertainties. The real battle field.
Dumalo sa pagtatapos ko si Lianne at Lloyd. Hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral si Lianne dahil nabuntis ito.
Pinanagutan naman ito ng lalaki at ngayon ay malapit na itong maglabor. Dalawang buwan na lang ay makikita ko na ang aking inaanak.
Kaya sermon ang inabot nito sa akin. Dapat ay hindi na ito bumyahe pa dahil sa kondisyon nito. Maiintindihan ko naman kung hindi ito makakadalo. Pero syempre, tulad ng dati ay matigas pa rin ang kanyang ulo.
Natapos ang seremonya at nagtuloy kami sa aming bahay. This time, mas malaki ang handaan at imbitado ang lahat maging ang mga kapitbahay. Dumating rin si Tito Brent at ate Judy. Dala nila ang mga pinsan kong maliliit.
Sa pagkakaalam ko ay nagpakatay ng iilang baboy at isang baka si Tatay para sa aking pagtatapos. Noong una ay ayaw ko sa plano nito pero hinayaan ko nalang ang matanda dahil mapilit ito.
Proud daw ito na nakapagtapos ako ng pag-aaral na wala siyang ginastos na kahit piso para sa aking matrikula.
Kasama ni Tatay ang mga kaibigan nito at nag-iinuman at ngvivideoke sa labas ng bahay.
Nagbihis lang ako ng damit at hinarap ang mga bisita. Katakot takot na kumustahan at pakikipagkamayan ang nangyari. Maraming pumunta na kakilala ko sa school. Ang iba ay kasamahan ko sa student counsil. Mas bata ang mga ito ng ilang taon.
Nagpaalam ako sa mga bisita at hinarap ang aking buntis na kaibigan. Masaya itong ngumangatngat ng buto ng baka. Hawak hawak naman ni Lloyd ang plato at inalalayan ito sa pagkain.
"Dahan dahan naman Lee, baka mabilaukan yang inaanak ko sa tiyan mo" biro ko sa kanya at umupo sa katapat na sofa.
It just feels good to see her again. Dalawa sa isang taon lang kasi kami kung magkita kaya talagang na-miss ko ito. She gained weight due to her pregnancy. But she still looked stunning. Bumagay sa kanya ang pagbubuntis.
"Grabe ang sarap talaga ng luto ni Tatay Ben." bakas ang ligaya sa kanyang mukha. Mas masaya pa ata itong ngatngatin ang buto kaysa ang makita ako.
May lumapit sa aking bata at agad nagliwanag ang aking mukha. My little Arrielle.
Agad ko itong binuhat at pinaupo sa aking kandungan. She is my carbon copy. Kamukhang kamukha ko ito. Para akong nananalamin kapag tumitingin ako sa kanya.
"Mom..my" tawag nito sa akin. Wala itong masyadong alam na salita kundi mommy.
"Yes baby? Did you miss me hmm?" sabi ko hinalikan ang ilong nito. Nakikiliti naman ito sa aking ginawa. Humahagikhik ito sa pagkiliti ko sa kanya.
"Mommyy" she repeated. Her words are clearer this time. Kinuha ko ang kanyang mga maliit na kamay at nilaro laro iyon.
"Samantha, tell me ilang taon na ang batang iyan?" Lianne asked. Kunot ang noo nito.
"Three" mabilis kong sagot. Ibinaling ko ang paningin kay Arrielle. "Ilang taon na ang baby ko huh? How old are you?" tanong ko sa bata.
Agad naman nitong pinakita ang kamay at nakataas ang tatlong daliri.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomantizmSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...