Chapter 17

1.5K 28 2
                                    

Maganda ang bahay ni Tito Brent. Nung huli kong punta rito ay ginagawa pa lang ang bahay. Ngayon ay tapos na ito at may pintura na rin. Kumpleto narin ito sa gamit.

Ng dumating ako ay agad akong pinapasok ng Girlfriend ni Tito. Nagtext daw umano si Tito sa kanya na darating ako. Nagpakilala siyang si Ate Judy, teacher ito sa isang high school dito sa San Lorenzo.

Maganda si Ate Judy. Morena ang kanyang balat na bumagay sa kanyang mahabang buhok. Sa tingin ko ay nasa 30 na ang edad nito.

"Sa wakas ay makikilala na rin kita Sam. Lagi kang kinikwento ng Tito mo. Totoo nga ang sabi niyang maganda ka. Paborito ka raw nyang pamangkin." masayang sabi ni Ate Judy. Nakakahiya dahil naghanda pa ito ng meryenda para sa akin.

"Naku hindi po yun totoo ate Judy. Si Boboy po ang paborito nun" natatawang sabi ko sa kanya at ininum ang binigay niyang juice. Nakaupo kami sa veranda kung saan natatanaw ang karagatan.

Maraming bulaklak sa paligid. I doubt if Tito Brent planted them, siguro ay si Ate Judy ang nagtanim ng mga ito.

Mabait si Ate Judy at madali kaming nagkasundo. Nagpaalam ako sa kanya para maligo at magbihis. Malagkit ang pakiramdm ko dahil sa byahe.

Pumasok ako sa kwartong itinuro ni Ate. Katamtaman lang ang laki nito at ang higaan ay may puting sapin at kumot. Puti rin ang mga unan pati ang mga kurtina.

Ang bintana ay nakaharap sa tabi ng dagat at ang hangin ay malayang nakakapasok na isinasayaw ang mga kurtina.

Inayos ko ang aking bag at napafacepalm ng makita ang mga dala kong damit. Puro spagetti strap ang mga ito, maiikling short at hapit na leggings. Hindi ko napansin ang mga ito kanina dahil sa pagmamadali.

Naligo ako at nagbihis. Isang itim na spagetti strap ang aking isinoot at isang maikling short. I used a cute headband to keep my bangs from my face. Mahaba na kasi at umaabot na sa mata. Gusto ko itong pahabain pa kaya hindi ko pinuputulan.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan kong may ginagawa si Ate Judy sa kanyang laptop. Nagpaalam akong maglalakad lakad lang sa dagat. Ngumiti siya sa akin at tumango.

Alas kwatro na ng hapon kaya hindi mainit. Mamaya pang alas sais ang uwi ni Tito.

Tiningnan ko ang paligid. May mga iilang bahay akong nakita. Malapad ang buhanginan dito sa San Lorenzo. Masarap sigurong maglaro dito. 

Umupo ako sa isang putol na kahoy at sa di kalayuan ay natanaw ko ang mga taong naliligo.

Ang sarap ng preskong hangin. Kung nakahiga lang ako ay baka kanina pa ako humihilik.

Naisip ko kung pumasok ba si Gab ngayong hapon. Siguro ay pupunta ito ng bahay para hanapin ako, mabuti na rin at hindi alam nila Nanay kung nasaan ako.

Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat sa aking dibdib. Tama nga si Lianne, dapat ay hindi ko ibigay ang lahat ng pagmamahal at tiwala ko kay Gab. Dapat ay magtira ako sa aking sarili. Dapat ay hindi ako magexpect ng kung ano man sa kanya.

Ng kinahapunan ay sumama ako kay ate Judy sa bayan para bumili ng lulutuin para sa hapunan. Naiilang ako dahil tumitingin sa akin ang mga taong nakakasalubong namin. Masyado bang malaswa ang soot ko kaya ganun sila makatitig? Tinanong ko si Ate Judy.

"Ate, malaswa ba ang soot ko? Wala kasi akong dalang damit na mas maayos. Kanina pa tumitingin ang mga tao." nahihiyang tanong ko sa kanya.

Tiningnan ako ni Ate Judy mula ulo hanggang paa at ngumiti.

"Okay lang naman ang soot mo Sam. Ang ganda mo kasing tingnan na hindi nakatabon sa mukha mo ang iyong buhok kaya napapalingon sayo ang mga tao" sabi ni ate Judy at bahagyang itinaas ang damit ko para mas matabunan ang aking cleavage.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon