Pagkagising ko kinabukasan ay parang binabayo ang aking ulo sa sobrang sakit na nararamdaman. Iminulat ko ang aking mga mata at agad na napabalikwas ng bangon ng makitang wala ako sa aking kwarto.
Agad akong kinabahan. Ano bang nangyari kagabi? Wala akong maalala. Tiningnan ko ang suot na puting damit na panlalaki. Shit lalaki ang kasama ko sa kwarto.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala naman akong nararamdamang kakaiba maliban sa sakit ng ulo. Im still wearing my bra ang undies. Shit, nakipagsex ba ako kagabi? Wala talaga akong maalala. Ang natatandaan ko lang ay nakikipagsayaw ako sa isang lalaki, siya kaya ang nagdala sa akin dito?
Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng silid. Malaki ito at magara ang mga gamit. Ang salaming bintana ay natatabunan ng makapal na kurtina.
Sa tingin ko ay hindi ito hotel, marami rin kasing personal na gamit sa paligid. Gaya ng mga laruang star wars na nakadisplay sa malaking shelve.
Agad nanlaki ang aking mata. Isang tao lang ang kilala kong may ganyang koleksyon. Kwarto niya kaya ito? Paano ako napunta dito? May nangyari kaya sa amin? Lalong sumakit ang ulo ko sa kakaisip.
May nakita akong gamot at isang basong tubig sa bedside table. Mabilis ko iyong kinuha at ininom. Tumayo ako at inayos ang nalukot na higaan. Magkatabi kaya kaming natulog kagabi?
May banyo sa loob ng kwarto kaya pumasok muna ako doon at naghilamos. Tinanggal ko ang natitirang make up sa aking mukha. Nagmumog din ako ng mouthwash na nakita sa cabinet ng cr.
Inilibot ko ang aking paningin sa cr. Clear glass ang isang wall nito kung saan naroon ang bathtub. May window blinds din naman kmkung ayaw mong makita ang labas. The tub is so tempting. Ang sarap sigurong magbabad doon.
Tinapos ko ang pag-aayos at lumabas na ng kwarto. Nakita kong alas sais pa lang ng umaga. Nasanay na rin ang katawan kong bumangon ng maaga kahit walang pasok.
Hindi ko mahanap ang aking mga damit kaya ang maluwag na tshirt pa rin ang aking suot. Namangha ako sa laki at ganda ng sala ng condo na ito. Mamahalin ang mga gamit at furnitures. The living room overlooked the whole metropolis.
May dining area din kung saan isang malaki at manipis na aquarium lang ang pagitan sa living room. Agad akong namangha sa mga isdang naglalanguyan sa loob. Siguro ang hirap linisan ng mga dumi sa loob.
At sa dulo ay ang napakangandang kitchen, bumilis ang tibok ng aking dibdib ng may makitang lalaki. Nakatalikod ito at busy sa pagluluto. Wala itong damit pang-itaas kaya kita ang mga muscles nito sa likod. Alam kong si Gab iyon pero nagulat parin ako ng lumingon ito sa akin at nakita ang kanyang mukha.
"Good morning Samantha. Masakit ba ang ulo mo?" pormal na tanong nito sa akin. Inililipat nito ang nilutong ulam sa isang mangkok. Bigla akong nagutom ng makita ang mainit at umuusok na sabaw.
"Good morning Sir. Hindi na po masakit ang ulo ko. Pero wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Pasensya na kung nadistorbo man kita. Uuwi na po ako. I just want to ask where my clothes are?" mabilis kong sagot sa kanya.
"Kumain ka muna ng breakfast bago ka umuwi" he demanded. He looked at me from head to foot. Shit, damit niya pala ang suot ko ngayon. A small smile crept to his lips.
"Hindi na po. Sa bahay na ako kakain" I declined.
"Kumain ka. You can't leave my house without eating" he insisted. Naglagay ito ng dalawang mamahaling pinggan at mga kubyertos.
Umupo ito sa gitna at ang bakanteng pinggan ay nasa kanyang kaliwa. Wala akong nagawa kundi umupo doon. Pinilit kong hwag tingnan ang kanyang abs. Pwede bang magdamit muna ito bago kumain? Hindi ko iyon magawang sabihin sa kanya. Bahay niya ito and he can do whatever he wanted.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...