Chapter 2

2.3K 51 2
                                    

Natapos ang una kong klase sa hapon at naghihintay nalang kami sa aming susunod na guro. Nakipag chismisan ako kay Lianne, tuwang tuwa ito habang ikinikwento ang mga lugar na pupuntahan nila ngayong summer. Limang buwan na lang pala at magtatapos na kami ng high school.

"Alam mo Sam, iba ang kutob ko dyan kay Del Alguazil" she whispered. She crossed her legs and toyed with a lock of her hair.

"Ako nga rin eh, ewan ko ba dun, hindi ko nalang pinapasin" I shrugged to show her that he is barely nothing to me. I admit that I find Gab so handsome. Babae lang din naman ako and I can appreciate real beauty.

Pero hanggang doon lang yun dahil iba ang gusto ko sa isang lalaki. I want someone that is responsibe, intellegent, mabait at higit sa lahat, loyal. Mga katangiang wala kay Gab. He is a snob but he is likewise a big flirt. How did that even happened?

Men like him are like mascara, they will make you feel beautiful but they usually run at the first sight of emotion. And like vacations, they never seem to be long enough.

I flinched when I felt a little vibration in my back. Agad akong napalingon upang tingnan kung ano ito. Nanggagaling ang galaw sa loob ng aking bag, hindi ko paman nakikita kung ano iyon ay parang may idea na ako.

Dali-dali kong binuksan at hinalughog ang aking bag. On the bottom, I saw the phone that Gab tried to give me earlier.

I sighed in frustration. Grabe sobrang kulit talaga ng lalaking yun. He simply won't accept no as an answer. Tiningnan ko ang screen at nakitang may tumatawag.

Napa-facepalm nalang ako ng makita kung ano ang ipinangalan niya sa kanyang sarili. "Babe" is calling.

Sinagot ko ang tawag, kahit papaano ay may alam ako kung paano ito gamitin dahil madalas kong paglaruan ang cellphone ni Lianne.

"Hello? Gab, ano to?" galit kong sagot sa tawag ni nito. I sighed exasperatedly. Attempting  to sound as calm as I can.

Hindi siya sumagot. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Talagang ginagalit ako ng lalaking ito.

"Saan ka? isasauli ko itong phone. Kung hindi ay iiwan ko to rito sa upuan mo" I threatened him. I gently massaged my forhead. Sakit talaga sa ulo ang lalaking ito.

"Wag mo na nga kasi yang isuli. Hindi ko naman yan ginagamit. Itatapon ko lang yan kapag sinuli mo" mahinahon niyang sabi. Narinig ko ang kanyang malalim na paghinga na para bang nauubusan na siya ng pasensya.

Aba, nauubusan na rin ako ng pasensya ah.

"Bakit ka tumawag?'' pag-iiba ko ng usapan.

"Namiss kasi kita, namiss mo rin ba ako?" mabilis niyang sagot. Sobrang lambing ng boses nito. Napaismid ako. Kung hindi ko lang alam kung gaano ito kabolero ay baka kinilig na ako. Kahit kailan ay hindi ako maniniwala sayo Gab.

"Hindi" I countered. He just chuckled.

"Okay lang baby, ang importante miss kita" balewala nitong sabi. "Ihahatid kita mamaya pag-uwi mo, hihintayin kita sa labas ng school" he commanded at agad na pinatay ang tawag.

Tatanggi pa sana ako pero wala na rin akong nagawa dahil naputol na ang tawag at sakto ring pumasok ang aming guro.

Napatingin ako sa phone, iniisip kung ano ang gagawin ko rito. Pwede kong iwan ito sa upuan niya as what I told him, pero baka may ibang kumuha. Isusuli ko nalang ulit ito mamaya sa kanya.

Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa klase, pero hindi ko parin maiwasan na isipin si Gab at ang mga ginagawa niya sa akin. Nakakataba ng puso pero nakakatakot. It seems like everything about him is a lie.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon