Hindi ko alam kung bakit ako inaantok ngayon. Maaga naman akong natulog kagabi. Mahimbing rin ang aking tulog.
Pilit kong pinipigilan ang maidlip. Nakakatakot pa namaan ang guro namin ngayon sa math. Oh how I hate math.
I can hear Gab chuckled tuwing nahuhulog ang aking ulo paharap. I also lost count of how many times I yawned. Talagang pumipikit ang aking mata kahit anong pilit kong panatilihin itong nakadilat.
I tried to pinch my skin and I also bitten my tounge but all of these are useless. I think I already dreamt of soft pillow, bed and blanket.
Gab rubbed my back making me more sleepy. Pero masarap iyon sa pakiramdam kaya hinayaan ko nalang. Ang kanyang mga daliri ay pianaikot-ikot niya habang dinidiin ang aking likod
Kakasimula pa lang ng klase kaya dalawang oras pa akong makikipaglaban sa antok. Ngayon lang ata ako inantok ng ganito.
Napadilat ako when Gab called our teacher's attention.
"Miss Ramirez" he called. I looked at him and I saw him raising hiw left hand.
"Yes Del Alguazil?" bahagyang ibinaba ng guro ang kanyang salamin para mas matingnan ng mabuti si Gab.
"May I go to the bathroom Maam?" he asked, still raising his hand.
"You are excused" pumayag ang guro at muling ibinalik ang atensyon sa klase.
Tumayo si Gab at mabilis na umalis ng silid aralan. Pagkalabas nito ay muli akong dinalaw ng antok. I blinked my eyes to stop it from shutting.
Lianne is busy writing some notes, hihiramin ko nalang ito mamaya.
Ilang minutong nawala si Gab. Pagbalik nito ay muli itong umupo at ibinigay sa akin ang dalawang iced coffee na nasa carton kasama ang isang straw.
Inaantok na tumingin ako sa kanya at ngumiti. Napaka thoughtful talaga nito. Nagpasalamat ako sa kanya at agad na ininom ang kape.
Wow that taste good and refreshing. Ngayon lang ata ako nasarapan sa kape buong buhay ko.
Nang hindi parin nawala ang aking antok ay ininom ko rin ang pangalawa.
Muling hinaplos ni Gab ang aking likod. Dahil sa ininom na kape ay bahagyang nawala ang aking antok.
Napadilat ako ng tinawag ang aking pangalan. The teacher asked me something at hindi ko iyon naintindihan. Wala rin akong naiintindihan sa kanyang leksyon ngayong araw.
Tumayo pa rin ako para sumagot. Pero napamura ako ng hindi ko pala narinig ang tanong.
"What was the question again Maam?" nahihiya kong tanong sa kanya. Nagtawanan naman ang aking mga kaklase.
"Miss Roque, you are not paying attention. I was asking how does the Quick sort works in Algorithm?" striktang tanong nito na nakataas pa ang isang kilay. Naglakad ito palapit sa amin.
Shit. Buti nalang talaga at nag-aral ako ng topic sa Algorithm. Sa lahat ng subjects, pinakamababa kong grade ay math. Though my grade is still the highest in our class, ito ay dahil lagi akong nag-aadvance study para hindi ako mahirapan sa klase.
Tumayo ako ng maayos para sagutin ang tanong. Bahagya kong kinusot ang aking mata.
"Quick sort uses divide and conquer approach. It divides the list in smaller 'partitions' using 'pivot'. The values which are smaller than the pivot are arranged in the left partition and greater values are arranged in the right partition. Each parti-" hindi ko na natapos ang pag-explain dahil pinatigil na ako ni Miss Ramirez. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...