My parents indeed liked him. Naapreciate ko ng hindi niya sinabing isa siyang Del Alguazil. Ayaw ko munang malaman ng magulang ko ang bagay na iyon.
Magkasundo sila ni Tatay dahil sadyang maalam si Gab sa mga tubo at iba pang pananim. Marami silang lupain kaya siguro pamilyar siya rito.
He even agreed to my father's weird opinions about Agriculture, kaya ay halos ampunin na ni Tatay si Gab sa sobrang tuwa niya rito. It looks like Gab can easily win anyone with his charm.
Sabi ni Tatay ay bilib di umano siya kay Gab dahil marami na itong alam sa murang edad. Hindi umano tulad ng ibang kabataan ngayon na bisyo lang ang inaatupag.
Oh please Tatay. If you only knew.
Gabi na ng nakauwi si Gab dahil napasarap ang usapan nila ni Tatay. Kung hindi ko pa ito pinilit umuwi ay baka sa bahay na ito natulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sobrang putla ko na kaya kailangan ko ng magbilad sa araw. Isa o dalawa sa isang buwan ako nagbibilad para magkaroon naman ng konting kulay ang aking balat.
Maraming naiinggit sa aking kutis, pero sa sobrang puti ko kasi ay para na kong multo. Namana ko ang kutis kay lolo na isang half italian.
Wala na sina Nanay at Tatay paggising ko. Mamayang hapon ay pupunta ako sa palengke upang palitan muna sila roon. Para makapagpahinga naman sila. Si Boboy ay sumama rin sa tindahan.
Nag-agahan lang ako at mabilis na umalis ng bahay. Hindi nagtext si Gab. Siguro ay tulog pa ito dahil sa sobrang pagod.
Ang soot ko ay isang lumang longsleeve dress na abot hanggang tuhod ang haba. Kay Nanay ang damit na ito noong kabataan niya pa.
It fits perfectly on me though. Ang lumang tela at amoy ng damit ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Comfort and belonging. May soot akong itim na bikini sa loob ng aking damit. Regalo ito sa akin ni Lianne noong nakaraang birthday ko. Gusto niya kasing nakabikini kami tuwing nagbi-beach.
Nakatsinelas lang ako at may dalang isang shoulder bag na may lamang shades, tuwalya, libro, tubig at ang aking cellphone at headset.
30 minutes akong naglakad mula sa bahay namin papunta sa tabing dagat kung saan lage akong pumipwesto. Ang dagat ng San Lucas ay sikat sa buong lalawigan. Maputi at pino ang buhangin, ang tubig ay malinaw at malinis.
Nakahilera ang mga beach houses sa lugar na ito. Malalaking bahay na walang nakatira dahil pinatayo lang ang mga ito upang bakasyunan. May iilang resort din rito kaya marami ang mga turistang dumadayo.
Naglakad ako sa kahabaan ng baybayin hanggang sa mapadpad ako sa pinakadulong bahagi ng isla.
May malaking bato na nakaharang. Hindi ito kayang akyatin dahil madulas at masyadong matarik. Ang kabilang parte ng baybayin ay mga tahanan at iilan pang resthouse.
Walang masyadong napapadpad sa bahaging ito ng baybayin dahil isa itong private property. Humarap ako sa dagat at inamoy ang sariwang hangin, sa likuran ko ay isang resthouse. Ang mansion ng mga Baltazar.
Ayon sa sabi sabi, ito raw ang pinakamalaking mansion sa lugar. Napapalibutan ito ng mga niyog at bulaklak na marahang sumasayaw sa pag-ihip ng hangin.
Limang taon ng walang tao ang naturang bahay. Sa abroad nakatira ang buong mag-anak at si Nanay nalang ang nag-aalaga sa bahay bilang caretaker.
Dalawang beses sa isang buwan kung linisan namin ni Nanay ang buong mansion. Pinapadala naman ng may-ari ang sweldo ni Nanay tatlong beses sa isang taon.
Ipinangako ko sa aking sarili na bibilhin ang mansion sakaling yumaman man ako. Marami rin kasi kaming alaala sa bahay na ito.
Tatlong taon ko na ring ginawa ang pagbibilad, wala namang nagtatangka ng masama sa akin kaya kampante ako kahit na bikini lang ang aking suot.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...