And we became official. I am officially his girlfriend and he is officially mine. May title na rin kaming dalawa.
Simula ng naging kami, Gab became sweeter and even more possesive. Bigla ring nagbago ang ihip ng hangin. Kung dati ay ako ang laging sumusunod sa mga gusto niya, ito na ngayon ang sunod ng sunod sa mga sinasabi ko.
He also stopped cutting classes. Hindi ko naman siya pinilit na gawin ang bagay na iyon, kusa niya itong ginawa.
Nakaupo kami ni Lianne sa mga bleacher. May practice si Gab ng basketball at gusto niyang hintayin ko siya para maihatid ako pauwi.
Lianne was waiting for their driver kaya sinamahan niya muna ako. Sa paanan ko ay ang mga gamit ni Gab. May bag, towel at bottled water.
Maraming nanonood, may babae at mga lalaki. Pero pinakamaingay ay ang mga bakla na sumisigaw tuwing nakakapasok ng bola ang kanilang mga crush.
Madalas makapuntos si Gab kaya panay ang tili ng mga babae at binabae sa paligid.
Tinutukso si Gab ng mga kateam niya dahil hinihintay ko siya.
"Kaya pala ganado maglaro kasi nanonood ang girlfriend" parinig ng isa niyang kateam at sabay silang nagtawanan.
"Ano ba guys. Stop it. Baka mailang yang baby ko" suway niya sa kanyang kasamahan at kumindat pa sa akin.
Hindi ko man nakikita ay alam kong namumula na ang mukha ko sa hiya. Hindi ako sanay ng ganito. Pati si Lianne ay kinikilig at hinahampas ang aking braso.
Ilang sandali pa ay nagpaalam si Lianne dahil dumating na ang kanyang sundo. I hugged her and told her to take care.
Ng makaalis ito ay saka naman nagbreak sina Gab. Lumapit ito sa akin at umupo sa aking tabi. Wala atang araw na hindi ito gwapong tingnan. Kahit pa pawis na pawis ito.
Iniabot ko sa kanya ang tubig. Agad naman niya itong tinanggap at ininom. I watched how his lips touched the bottle. Naalala ko na naman ang ninakaw kongnl halik sa kanya. God, dapat ay kalimutan ko na iyon.
Binigay ko rin sa kanya ang maliit na bimpo para mapunasan niya ang kanyang mukha. Pero di niya ito tinanggap at inilapit niya lang ang kanyang mukha sa akin.
"Ikaw na magpunas ng pawis mo Gab. Nakakahiya, nakatingin sila atin" tanggi ko sa gusto nitong mangyari at inilagay ang tuwalya sa kanyang kamay.
"Ikaw na baby, please. Ang sakit ng kamay ko kakashoot oh" pilit niya sa akin na lalo pang pinaawa ang mukha. Winagayway pa niya ang kanyang mga kamay.
Parang bata naman ang isang to eh. Tumingin ako sa paligid, nakatingon pa rin ang mga kaibigan nito.
Pinunasan ko ang pawis sa kanyang mukha. Nakakahiya dahil masyadong kaming PDA. Ang mga kateam niya ay nagngingitian.
Tinawag na siya ng kanilang coach kaya nagpaalam siya sa akin. Ngunit gusto niyang halikan ko siya sa pisngi para pampaswerte daw.
"Kiss mo na ako. Sa pisngi lang naman eh para swertehin ako sa laro" tinagilid niya ang kanyang mukha para mahalikan ko. Ang kinis ng mukha niya. Wala kahit isang blemishes.
"Gabrielle naman eh" reklamo ko. Pero mabilis ko rin siyang hinalikan sa pisngi dahil kanina pa siya tinatawag ng kanilang coach.
"I love you." bulong niya. He sniffed my neck. Ngumiti siya sa akin at mabilis na bumalik sa gitna ng court. Naiiling na lang ako. Siguro ay masasanay rin ako sa sweetness nito.
Nagpatuloy ang kanilang praktis. Ngunit ilang minuto lang ay tinigil ng kanilang coach ang laro para sitahin si Gab. Nang-aagaw kasi ito ng bola kahit sa ka team niya. Gusto niyang siya lagi ang tumitira.

BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...