Chapter 43

1.8K 26 0
                                    

Nakaluhod parin sa aking harapan si Gab at hawak ang aking mga kamay. He is still convincing me to get back with him which is so tempting. Ito na ba ang inaasam kong kaligayahan? I still love him so much.

Pero ikakasal na siya, gusto niya ba akong maging mistress? Kabit? Not in my wildest dream I imagine my self sharing a man. Hinding hindi ako makakapayag sa ganoong set up. Hindi ko maatim na m ay masaktang ibang babae dahil sa akin. I've been hurt and I know how hard it was. Can I be selfish this time at isipin naman yung kaligayahan ko? I want to but I cant.

Tama na siguro yung ilang linggong nanatili ako sa kanyang bahay at pinagsawa ang aking sarili sa kaligayahang makapiling siya. Its never enough though, but I couldn't demand for more.

"Baby, please bumalik ka na sakin. Lets give it another chance. This time, totoo na lahat. Give me a chance to prove my lo-" hindi niya natuloy ang sinasabi ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kapatid ni Gab. Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Gab na nakahawak sa akin at mabilis na tumayo.

Agad akong naalarma at natakot sa kanya. Her warnings are still vivid in my head. The evidence that this woman is physically strong is still visible in my face. Napasinghap ako ng galit itong napatingin sa akin. I am weak, I know!

"Ang kapal naman talaga ng mukha mong babae ka. I already told you to stay away from my brother" sigaw nito sa akin. Her eyes are fuming and I saw how her hand formed into a fist. Lumayo ako kay Gab na ngayon ay nakakunot ang mga noo. Marahil ay nagtataka ito sa mga nangyayari.

Ayaw kong madagdagan ang mga pasa sa aking mukha. Nareamdaman ko ang pagtulo ng ilang butil ng pawis sa aking noo. God, this woman is scary. Pumwesto ako kung saan malayo rin kay Abby. Gusto ko mang lumabas ay hindi ko magawa dahil nakaharang ito sa pinto.

"Its not what you think Miss Abby. Nandito po ako para magresign" natatakot kong sagot sa kanya. I cant look straight to her raging eyes. Pakiramdam ko ay kanina pa niya ako sinugod kung nagkataong wala si Gab sa paligid.

"What are you doing Abby? Stop shouting at her. Bakit takot sayo si Sam? Tell me, ikaw ba ang may kagagawan ng mga pasa sa kanyang mukha?" galit na hinarap ni Gab ang kanyang kapatid. Nakakatakot palang kung parehong galit ang magkapatid.

"Kulang pa ang mga pasang yan kumpara sa ginawa niya sayo Gabriel. I should have killed that slut" she yelled. Oh, God.

Nagulat ako ng biglang sampalin ni Gab ang kanyang kapatid. Maging si Abby ay gulat na napahawak sa kanyang pisngi.

"What the hell, Abby? How could you do that to Sam. Hindi ka ba naawa sa kanya? Puro pasa at namamaga ang kanyang mukha dahil sa ginawa mo. Anong karapatan mo para saktan siya ng ganyan?" Gab firmly held Abby's arms. Alam kong nasasaktan ito sa higpit ng hawak ni Gab. Ngunit hindi ito nagpatinag.

"Bakit? Nakalimutan mo na ba na pinagpalit ka niya noon? Ilang beses kang muntik mamatay dahil sa babaeng yan. Halos masira ang buhay mo ng iwan ka niya at ni kaming pamilya mo ay hindi mo na iniisip. You can't blame me for hating her so much." she started sobbing.

Now I understand her. She's hurting for his brother. Siguro ay nasaksihan niya ang paghihirap ni Gab noon kaya galit ito sa akin. "And now that you are okay and you already moved on ay bigla siyang babalik? Para ano? Para sirain uli ang buhay mo? I cant let her do that again Gab. I can't just watch you ruin your life again for the second time" she added.

Lumambot ang mukha ni Gab at mahigpit na niyakap ang kapatid na patuloy parin sa pag-iyak. Hindi lang pala si Gab ang nasaktan ko sa pag-iwan ko sa kanya noon. Nasaktan ko rin ang mga taong nagmamahal sa kanya.

"Abby, I know. Alam kong nag-aalala ka sa akin. But its not Sam who came back to my life. Ako ang pilit na bumabalik sa buhay niya. Kasi hindi ko na kayang magkunwarting okay ako na wala siya. I love her so much Ab" he explained. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila.

"Pero masasaktan ka lang. I love you Gab at ayaw kong makitang nahihirapan ka uli dahil lang sa babaeng yan" Abby reminded Gab. I can see how much Ms. Abby love his brother. It shows in her eyes.

"Kasalanan ko kung bakit ako iniwan ni Sam noon Ab. I was being an asshole and I deserve those pain and heart aches for the past six years. Pasensya na kayo kung pati kayo ni Mom ay nahirapan ng dahil sa akin" mabilis niyang pinunasan ang luha ni Abby at iginiya ito paupo sa sofa. Tumingin si Gab sa akin at malungkot na ngumiti. Parang pinupunit ang puso ko ng makita kung gaano kalungkot ang mga mata ni Gab.

Tumango lang ako sa kanya. Hindi parin maalis sa akin ang matatalim na titig ni Abby. Pero medyo nabawasan na ang kaba ko.

Gab started explaining to his sister about what really happened. Mataman namang nakikinig ang babae sa kanya. Regret slowly crept in me as I listened to Gab telling her sister our past. Maraming what if's ang nabuo sa akin. Pero mabilis ko iyong iwinaksi. Hindi ko na maibabalik ang nangyari noon.

Abby started asking questions to Gab na sinagot naman nito. I took that as a chance to take my leave. Marahan akong lumabas ng opisina ni Gab.

Narinig ko ang pagtawag ni Gab ngunit hindi ko na ito nilingon at tuluyan ng umalis. Marahan kong pinahin ang luha na tumutulo sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan, bakit sobrang komplikado ng lahat. Ang gusto ko lang naman ay isang simpleng pag-iibigan ng tulad kina nanay at tatay. Pero bakit sobrang masalimoot ang nangyayari sa akin.

Dahil ba nagmahal ako ng maling tao? 

From Gab's office ay dumerecho na ako sa sakayan ng Bus pauwing San Lucas. After everything that happened, gusto ko lang ngayon ay ang makasama ang pamilya ko at lumanghap ng sariwang hangin. Pinatay ko ang aking cellphone dahil walang tigil si Gab sa pagtawag at pagtext sa akin. He is getting married for Christ's sake. Dapat na akong lumayo sa kanya.

Umupo ako sa tabi ng bintana, not minding the people around me. I plugged my earphone and closed my eyes. I wanted to rest. Sana lang ay makatulog ako buong byahe upang hindi ko na maisip ang sakit sa aking dibdib.

May umupo sa katabi kong upuan pero hindi ko na ito pinansin hanggang sa tuluyang umandar ang bus. Pinilit ko paring makatulog pero ang lamig ng aircon ay nanunuot sa aking balat. Kung bakit ba kasi simpleng Tshirt at jeans lang ang soot ko. Wala rin akong dalangt jacket o kahit na ano.

Iniyakap ko ang aking kamay sa aking katawan at sumiksik pa sa bintana.

Hoping na sa paraang ito ay maibsan ang lamig. 

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon