Chapter 37

1.7K 32 5
                                    

Pagkatapos akong ihatid ni Mr. Hollier sa opisina ay ibinalik ko lang ang ilang mga dukomento sa aking mesa at muli na akong lumabas para umuwi.

8pm ang usapan namin ni Jeff. 6pm pa lang kaya may oras pa akong magpagupit habang nagpapamanicure. Sa susunod na lang ako magpapakulay ng buhok.

The gay who cut my hair did a great job. Nagustuhan ko ang aking buhok na ngayon ay hanggang balikat na lang. Itim ang isusuot kong body con dress ngayon kaya itim ang pinakulay ko sa aking kamay.

Eksaktong 7pm ako natapos kaya mabilis akong umuwi sa bahay para naligo at mag-ayos. Naglagay din ako ng make up. I did all the preparations in just 30 minutes. 7:56 ng dumating si Jeff. Lumabas ako ng bahay at inalalayan niya akong sumakay sa kanyang sasakyan.

"You are so very pretty Loiuse" he complimented. Nagmamaneho ito at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Thank you Jeff. Oh by the way, ito pala yung coat mo. Ilalagay ko nalang dito sa likod" sabi ko sa kanya at inilagay sa likod na upuan ang paperbag na may lamang damit.

Marami kaming napagkwentuhan habang nasa byahe. He told me about his job. Nakakatuwa dahil nakakapunta siya sa ibang bansa dahil doon.

Nagtungo kami sa isang malaking hotel. Bumaba kami ng sasakyan at iginiya niya ako sa isang mamahaling restaurant. He pulled a chair for me at sabay kaming umorder. Naiiling ako dahil ang hirap basahin ng mga pagkain sa menu.

Habang naghihintay ng pagkain ay panay ang biruan namin ni Jeff. Palabiro ito at magaan kasama. Madali kaming nagkapalagayan ng loob.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. He don't want to answer it but I forced him to take the call. Baka kasi importante iyon. Nagpaalam ito na sasagutin ang tawag at tumayo. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Ng makaalis si Jeff ay inilibot ko ang aking mata sa paligid. The place is so beautiful and elegant. Ang mga taong kumakain dito ay pawang mayayaman. Umiinom ako ng tubig ng mahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na mukha.

If im not mistaken, si Andrew ang lalaking nasa katapat na mesa. He is too busy talking to the other man to notice me. Nakatalikod sa akin ang kausap niyang lalaki. But I know too well that its Gab.

Tumayo ako at lumapit sa kanilang mesa. Napaangat ng tingin ang dalawang lalaki sa akin. "Andrew?" natatawa kong tawag sa kanya. Wala pa ring pinagbago ang mukha nito. Tumingin ako kay Gab at binati ito. "Good evening Sir". Tumango lang ito.

Nanlaki ang mga mata ni Andrew ng makita ako. "Samantha from San Lucas?" gulat niyang tanong. Tumango ako sa kanya. Tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit. Natawa ako sa kanyang ginawa.

"Oh my God Sam. Mas lalo kang gumanda. Kamusta ka na? Upo ka muna ng makapag-usap tayo" umusog ito para makaupo ako.

Nanatili akong nakatayo. "Bolero ka parin. Okay lang ako. Ang tagal nating di nagkita" I began. Noon ay galit ako sa kanila dahil sa pustahan. Pero nakalimutan ko na iyon. "Im sorry I cant stay long Drew. May kasama kasi ako. Nakita kasi kita kaya lumapit ako" nakita kong bumalik na si Jeff sa aming mesa kaya mabilis akong nagpaalam sa kanila.

"I hope we can hangout Sam. Nga pala, birthday ko next next week. Wala akong date sa party ko kaya pwede bang ikaw na lang?  Friends naman tayo diba?" he said. Hindi pa rin nawala ang ngiti sa kanyang labi.

Of course birthday ni Andrew. How can I ever forget that day. The day that I gave my virginity to Gab. I glanced at Gab, tahimik lang ito at seryoso ang mukha.

"Sure, here my calling card. Tawagan mo nalang ako. Bye Drew, Mr. Del Alguazil" paalam ko at tumalikod pabalik kay Jeff.

Sakto namang dumating ang order namin. Ngumiti ako sa kanya at umupo.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon