Chapter 41

1.8K 32 3
                                    

Weeks passed and we went on living like a real couple. Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Jeff, busy din kasi ata ito sa mga shows niya sa ibang bansa.

Simula ng tumira ako sa bahay ni Gab ay wala naring mga babaeng pumupunta sa kanyang opisina. Hindi ko rin gugustuhing may iba itong babae habang magkasama kami sa iisang bubong. Kahit pa hindi naman talaga totoong kami. At kahit pa may totoo itong girlfriend.

I savored and cherished our every moment together as I know that this won't last too long. I certainly understand that one day, this will end. That I have to stop my fantasies and accept the reality that he is getting married.

Mag-isa lang ako sa bahay ngayon. Off ko samantalang may pinuntahang conference si Gab. I checked my phone when it beeped. It was from Gab.

Mr. Del Alguazil:

I miss you!

Napangiti ako, tatlong oras pa lang itong wala. Nireplayan ko ito ng I miss you too. Then I decided to clean the whole house out of boredom. May regular naman na naglilinis sa bahay nito pero pinalitan ko parin ang mga kurtina at bed covers. Pagkatapos maglinis ay sinunod kong labhan ang mga marurumi naming damit.

I collected the soiled linens and curtains so I can also wash them. Pero biglang tumunog ang door intercom hudyat na may tao sa labas. Lumapit ako sa pinto dala ang maduduming tela at pinindot ang digital intercom para tingnan kung sino ang tao sa labas. At nagulat ako sa aking nakita.

Two women are standing outside. Kilala ko ang isang babae, ito ang nagpakilalang fiancee ni Gab. While the other one looks familiar. Saan ko ba ito nakita? Then a sudden realization hit me. She looked familiar because she exactly looked like Gab. A female version of Gab. Nakita ko na ang picture niya noon sa bahay ng mga Del Alguazil.

She is Gabbie Del Alguazil. Gab's sister!

Bigla akong nataranta. Hindi ko alam ang aking gagawin. Ano ang iisipin ng fiancee ni Gab kapag nakita niya ako dito? Maalala niya kaya ako bilang sekretarya ni Gab? Shit, dapat hindi nila ako makita dito sa loob. I can hide somewhere, pero paano kung buong araw silang andito, I cant just hide for the whole day.

What if magpanggap ako bilang katulong? Tama, pwede kong sabihing secretary ako ni Gab at the same time ay tagalinis ako ng kanyang bahay tuwing day off. Siguro naman ay maniniwala ang mga ito. Muling tumunog ang intercom, siguro ay nababagot na ang mga ito sa labas.

I slowly opened the door showing my self. "Good morning Maam." bati ko sa kanila. The two walked in and they both looked at me.

"Diba you are Gab's secretary?" maarteng sabi ng babae na nagpakilalang fiancee ni Gab. Shes wearing a black dress na umabot hanggang sa tuhod nito. Just like the last time, she looked so elegant. Samantalang ang kapatid ni Gab ay nakasuot lang ng simpleng jeans and white tshirt na pinatungan niya ng itim na blaser. She is definitely the prettiest woman I've seen.

"Yes po maam. At tagalinis rin po ako ng bahay ni Ga..Mr. Del Alguazil kapag off ko." I lied. Siguro naman ay maniniwala ang mga ito dahil sa mga dala kong maruruming kurtina. "W-wala po si Sir ngayon Maam. May conference po siya ngayon" I informed them. Ngumiti sa akin ang kapatid ni Gab.

"Anong oras siya uuwi?" the woman asked. Pareho silang umupo sa sofa.

"Hindi ko po alam Maam. Baka mamaya pang hapon. May gusto po ba kayong inumin?"

"Hi My name is Gabbie. You can call me Abby. Im Gab's sister. Can I have a water please" pakilala nito sa akin. Mabuti pa ang kapatid ni Gab, sobrang bait. Kabaliktaran sa ugali nito.

"Hello po Miss Abby. Sige po at ikukuha ko kayo ng tubig" muli kong inilapag sa sahig ang mga hawak na kurtina at nagtungo sa kitchen.

Iniabot ko sa kanya ang isang basong tubig. Nagpasalamat ito at tinanggap iyon. Tumayo ang fiancee ni Gab at nag-ikot ikot sa loob ng bahay. Then I remembered that all my things are inside Gab's room. Tahimik akong nagdasal na sana ay hindi ito pumasok doon. Sinundan ko ng tingin ang bawat galaw nito.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon