Chapter 25

1.6K 22 2
                                    

It took him 15 minutes to reply. Tiningnan ko ang aking phone, ready for war.

Gab:

If you are trying to prank me and surprise me later because its my birthday, then stop it. Hindi nakakatuwa.

Ako:

Its not a prank or a joke. Im really breaking up with you! Im sorry.

Gab called. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ang tawag. But I have to. You might look weak but you are strong Samantha.

"Nasaan ka? Ano ba yang pinagsasabi mo?" galit ang kanyang boses.

How I admire his voice before. Marinig ko lang ang boses niya ay maligaya na ako. But hearing his voice right now is giving me too much pain.

"Sorry to break up with you on your birthday Gab." I said firmly and as cold as I can. This is the right time to do this.

"Shut up Sam. Hindi nakakatuwa. Tigilan mo na yang trip mo" he hissed. May naririnig akong kaluskos sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.

"No. Its not a joke. Im really breaking up with you" matapang kong sabi. Pinipigilan kong maiyak. Sobrang sakit.

"Nasaan ka ngayon? Wala ka sa inyo. Nasa bahay ka ni Lianne?" he asked.

"Wala ako kina Lianne. I dont want to see you. Lets just end this relationship and move on with our lives" I blurted. I know mahirap mag.move on. Pero alam ko ring kakayanin ko.

"What the fuck Sam. Are you serious with this?" he cursed. Ngayon niya lang ata ako minura.

"Yes" tipid kong sagot. Tumayo ako mula sa kama ni Lianne. I looked outside the window.

Ang ganda ng panahon. Ang daming bituin sa langit. Ngunit ang puso ko ay parang dinudurog.

"Why? May nagawa ba ako?" he almost whispered.

"No Gab. I just fell out of love" tama, yun ang sasabihin ko sa kanya. I feel out of love. O kahit kailan ay di ko siya minahal. I know he is egoistic. Masasaktan ang ego nito kapag iyon ang dahilan ko.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Kahapon lang sobrang sweet mo sa akin. Tapos ngayon sasabihin mong hindi mo na ako mahal? This is a prank right?" he shouted. Inilayo ko ang telepono sa aking tenga. Parang masisira ang eardrum ko sa sigaw nito.

"Akala ko noon mahal kita. Pero nainlove lang pala ako sa ideyang ang playboy ng school ay nililigawan ako. Now I realized that" paliwanag ko sa kanya. A tear dropped from my eyes. Agad ko iyong pinalis.

"That is bullshit Sam. I know you love me. Hindi mo ibibigay ang sarili mo sa akin kung hindi" he insisted. Still believing that I love him.

Napapikit ako, oo Gab sobrang minahal kita kaya nakaya kong isuko ang lahat sayo. At hindi ko pinagsisihan yun.

"Bagay na pinagsisihan ko. Masyado akong nadala sa nararamdaman ko. Hindi pala kita minahal." I lied.

Mahal na mahal kita Gab. Pero alam kong balang araw ay makakalimutan rin kita. Makakalimutan ko rin ang mga yakap mo, ang mga halik mo.

"Can we talk baby, please? Nasaan ka? pupuntahan kita" he pleaded. Tama yan, magmakaawa ka.

"We are already talking Gab" I snapped.

"No, kung ayaw mo na, sabihin mo sa akin ng harapan. Hindi yong dinadaan mo sa tawag at text" hamon nito sa akin.

"I dont want to see you." I said in a monotone voice.

"Bakit? Dahil naduduwag ka? Dahil baka kapag nakita mo ako ay marealize mong mahal mo talaga ako?" he said confidently.

Oo Gab naduduwag ako. Naduduwag ako dahil mahal na mahal kita at natatakot akong baka kapag nagkita tayo ay magmakaawa ako sayo.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon