Sobrang frustrated ko dahil hindi pumayag si Gab na magleave ako. He declined my leave request. Marami daw trabaho ang kailangang tapusin.
Kaso naipangako ko na kay Nanay na uuwi ako. She was so happy and excited for her birthday. Siguradong magtatampo yun kapag sinabi kong hindi ako makakapunta.
Sabado pa naman ang birthday ni Nanay. Pwede akong maghalf day bukas, Friday, para makauwi. San Lucas is 9 hours travel from Manila. I'll arrive there at dawn. Not bad!
Siguro magkukunwari akong may sakit bukas. Maybe diarrhea or headache. Bastat gagalingan ko lang ang acting ko para maniwala si Gab.
Maaga akong nakarating sa office. Himala at hindi traffic ngayon. May 30 minutes pa ako para magpahinga bago magtrabaho. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok at naglagay ng powder sa mukha.
Kumuha ako ng kape at inayos ang mga dokumento sa aking mesa. Kailangang matapos ko lahat ng gawain ngayong araw para konti na lang ang trabahong maiiwan bukas ng umaga.
Nagsimula akong magtrabaho. Hindi pa rin dumadating si Gab. Tiningnan ko ang schedule niya at wala naman itong appointment ngayong umaga. Mamayang hapon ay my meeting ito with a client. Itetext ko nalang siya mamaya para ipaalala sa kanya ang meeting.
Simula ng halikan ko si Gab ay umiiwas ito sa akin. Hindi niya ako pinapansin at wala rin itong iniutos. Dumadating at umaalis ito ng opisina ng walang sinasabi. Hinayaan ko nalang dahil ayaw ko rin naman siyang makausap. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa mga pangba-blackmail niya sa akin.
Bumukas ang elevator at agad akong napatingin sa taong dumating. I thought it was Gab but I got disappointed when I saw a woman walking towards me. Nakataas ang isang kilay nito.
Kailan kaya mauubos ang mga babae ng lalaking iyon. Hindi ko na mabilang ang babaeng naghahanap sa kanya dito sa opisina. Bakit ba niya binibigay sa mga babaeng ito ang address ng kompanya? Hindi ba nila alam na nakakadistorbo sila? Nagagalit na naman ang aking puso, pero tulad ng dati ay matamis akong ngumiti sa babae.
"Good morning Maam. How may I assist you?" I formally asked. I tried not to look at what the woman is wearing. Unlike those other girls that Gab brought here na halos wala ng mga saplot, ang babaeng ito naman pormal at eleganteng tingnan. Well, thats new.
"Is my fiancee in his office?" mataray na tanong nito. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Unlike other girls who's claiming that they are Gab's girlfriend, this woman is now telling that she is the fiancee. Totoo kaya ang kanyang sinasabi o tulad ng ibang babae ay nag-aasume lang ito?
"Mr. Del Alguazil is not around Maam. Hindi po ito pumasok" I informed her. I tried to smile at her.
"Alright. Kapag dumating siya, tell him I'll wait for him in his condo" bilin nito at muling naglakad palabas ng opisina.
Nabunutan ako ng tinik ng naniwala itong wala talaga si Gab sa loob. Ang ibang babaeng dumadalaw kasi kay Gab ay ayaw maniwala kapag sinasabi kong may Meeting o wala ito. Nagpupumilit ang mga babae na pumasok sa opisina ni Gab. Ang iba ay sinasabihan pa akong sinungaling at inaaway ako.
I forgot to ask the woman's name. Pero siguro naman ay kilala ni Gab ang kanyang fiancee kung totoo man ang bagay na iyon. She has access to Gab's house, baka nagsasabi ito ng totoo. Huminga ako ng malalim. Ikakasal na si Gab, and that woman is not me.
Shit, sobrang sakit. He is finally fulfilling his dream of having his own family with ten children. Will he invite me to his wedding? That will be a big slap to my face. Biglang sumama ang aking pakiramdam, mukhang hindi ko na kailangang magkunwaring may sakit bukas.
Hindi ko pinansin ang aking nararamdaman at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Mukhang immune na ako sa sakit na dulot ng pagmamahal ko kay Gab. Nasanay na ata ako sa sama ng loob. Samantalang siya ay matagal ng nakalimot. He already moved on.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...