Chapter 42

1.9K 36 14
                                    

Nanatili ako sa bahay ni Lianne buong weekend. Ayaw kong umuwi ng apartment ko dahil baka maabutan ko si Gab doon. Gusto kong lumayo sa kanya.

I decided to resign on Monday. Hindi ko na hihintaying makahanap ng ipapalit sa akin si Gab. Pwede kong irekomenda si Bing dahil alam niya naman ang mga trabaho ko.

Pagkatapos non ay aasikasuhin ko na ang pag-uwi ko ng San Lucas. Maghahanap ako ng pickup na pwedeng rentahan para maiuwi ko ang aking mga gamit sa probinsya. Sa loob ng halos tatlong taong pagtatrabaho ko rito sa Manila ay marami na rin akong naipundar na mga kagamitan at appliances. Gaya ng sofa, ref, tv at iba pa.

Sunday evening when Lianne decided that we should eat outside. Ayaw ko sanang pumayag dahil halata pa ang pasa sa aking mata at bibig pero wala rin akong nagawa dahil sadyang mapilit si Lianne.

Nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant. Nakakahiya dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Baka iniisip ng mga ito na binugbog ako ng asawa. Pumwesto kami sa isang bakanteng lamesa sa gilid ng reataurant. Magkatabi si Lianne at Llyod samantalang umupo naman ako sa tapat nila. Si Baby Thali ay naiwan sa bahay kasama ang yaya nito. Ngayong buntis si Lianne ay kumuha na ito ng maid, limitado na lang kasi ang kanyang mga galaw.

Lianne ordered some sea foods, mukhang naglilihi ata ito sa tahong. Umorder din ako pasta, wala talaga akong ganang kumain ngayon.

"Alam mo hon, bilib talaga ako dito kay Samantha. Talagang nilabanan niya ang mga nangholdap sa kanya" pagbibida sa akin ni Lianne. I felt bad lying to my friend. Pero ito ang mas mabuti sa ngayon.

"At talagang kinokonsente ka pa nitong kaibigan mo Samantha. Paano kung may dalang baril yung magnanakaw? Edi sabog yang ulo mo? Hwag mo ng uulitin yun" sermon ni Lloyd. We are still waiting for our foods to be served.

Nasanay na ako kay Lloyd. Ganyan na ito noon pa man. Alam ko namang nag-aalala lang ito sa akin.

"Oo na, hindi na po mauulit tatay" biro ko sa kanya. Napatawa naman si Lianne sa aking sinabi. Dumating ang inorder naming pagkain.

Nagpaalam si Lianne na pupunta muna ng restroom. Lagi itong ihi ng ihi, siguro ay dahil buntis ito. Nag-usap lang kami ni Lloyd habang hinihintay si Lianne.

Umiinom ako ng wine ng makita ang taong papalapit sa kinauupuan namin. Paano niya nalamang nandito ako? Ano ang ginagawa niya rito? Nagulat kami ni Lloyd ng umupo ito sa tabi ko. Hindi naman ito mukhang galit kaya hindi ako kinabahan.

"Anong ginagawa mo rito Gab?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa aking mukha. Siguro ay nagtataka ito bakit ako may mga pasa.

Biglang bumalik si Lianne galing restroom. Sobrang gulat nito ng madatnan si Gab sa aming mesa. "Gabriel Del Alguazil?" Lianne exclaimed. Umupo ito sa tabi ni Lloyd. Hindi alam ni Lianne na Boss ko ngayon si Gab. Lalong di niya alam na magkasama na kami ng bahay.

"Lianne. Kamusta?" Gab asked her.

"Okay naman ako. Eto at buntis sa pangalawa kong baby. Oh my God, ang tagal nating di nagkita. Buti nakilala mo pa kami?" sagot at tanong niya kay Gab.

"Ah I was having dinner with some clients when I saw Samantha here with his...boyfriend" bahagyang tinapunan ng tingin ni Gab si Lloyd na tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Boyfriend? Sinong boyfriend?" luminga linga pa si Lianne. Hindi sumagot si Gab at kunot noong napatingin sa akin. Then Lianne realized that Gab is referring to Lloyd.

"Oh you mean itong si Lloyd ko boyfriend ni Sam? Hindi no, akin lang to" biro ni Lianne. Niyakap pa nito ang braso ni Lloyd.  Hindi ko gusto ang pinapatunguhan ng usapan namin ngayon.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon