Chapter 35

1.8K 32 11
                                    

Pagdating ng lunes ay masigla akong pumasok sa trabaho. I felt energized by staying at Lianne's house yesterday. Nagsimba kami kasama si baby at namasyal sa mall. Tuwang tuwa ang bata sa dala kong cake para sa kanya. Maging si Lianne at Lloyd ay nasarapan.

Kaya pala sobrang mahal ng cake na iyon ay dahil sobrang sarap din pala nito. Bibili ako non parasa birthday ni Nanay. Okay lang na mahal basta masarap.

Lianne told shes pregnant with her second child. Sobrang natuwa ako sa kanyang binalita. Magiging ate na si Thalia. We both hoped that its a baby boy this time. Ako man ay sobrang excited nang makita ang aking pangalawang inaanak. Masaya ako para sa aking kaibigan. Their small family is growing.

Ako kaya? Kailan kaya ako magkakapamilya? Kung hindi lang talaga dahil sa lintik kong puso ay baka sinagot ko na ang aking mga manliligaw at baka may anak na rin ako ngayon.

Binati ako ng mga empleyadong aking nakakasalubong. Ngumiti ako sa kanila at binati rin sila isa-isa. Ganado akong magtrabaho. Lianne's daughter is my happy pill. Nawala ang aking stress at pagod noong nakipaglaro ako sa bata. Siguro ang sarap umuwi ng bahay kapag alam mong may batang sabik ng naghihintay sayo. Oh my, Im getting old.

Naabutan ko na naghihintay si Robby sa elevator. Hindi ito nakasuot ng uniform. Puting tshirt at itim na slacks lang ang suot nito. Ngumiti ako sa kanya at binati ito. Malungkot na ngiti ang isinukli sa akin ni Robby.

"Hi Rob. Kamusta? Malungkot ka ata, may problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaibigan. He is like a brother to me at ayaw kong nakikitang malungkot ito. 

Sumakay kami ng bumukas ang elevator. Kami lang ang tao sa loob. I pressed the 30th floor kung nasaan ang aking opisina. Robby pressed 25th kung nasaan ang HR department.

"Tanggal na ako sa trabaho Sam. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Sir. Pinapupunta ako ng HR para kausapin" malungkot nitong kwento. Biglang nawala ang ngiti sa aking labi. Ang aga-aga masama na agad ang araw ko.

"Ano? Bakit daw? Sino ang nagpatanggal sayo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Robby's been here at this company for 5 years now. Isa ito sa pinagkakatiwalaan ni Mike.

Madali lang naman sigurong makahanap ng ibang trabaho si Robby. Pero kahit saan ay hindi ito makakahanap ng kompanya na mataas magpasahod gaya ng Virgina Lands. Paano na ang mga inaanak ko? At buntis pa naman ang kanyang asawa. Shit, pati ako ay namomroblema.

"Si Boss Del Alguazil daw. Siguro hindi niya nagustuhan ang pagmamaneho ko kahapon" he explained. I can see that he is disappointed with his self. "Sige Sam. Text ka nalang kung dadalaw ka sa bahay" paalam nito at bumaba na ng elevator.

Hindi ako sumagot. Wala akong maalala na may mali itong ginawa habang nagmamaneho kahapon. Muli kong diniinan ang 30th floor. Kakausapin ko si Gab. Kung kailangan kong magmakaawa sa kanya para ibalik niya si Robby sa trabaho ay gagawin ko.

Pagbaba ko ng 30th floor ay mabilis akong nagtungo sa kanyang opisina. Naabutan ko itong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng news paper. May tasa ng kape sa coffee table. Ibinaba nito ang hawak na newspaper at tumingin sa akin. Inabot niya ang kape at marahang uminom.

"Bakit mo tinanggal sa trabaho si Robby? Ano ang nagawa niyang mali?" galit na tanong ko kay Gab. Inilapag niya ang tasa at muling tumingin sa akin. How can he sit comfortably in his office knowing that someone lose his job because of him? Wala talagang awa ang isang to.

"I terminated him due to inappropriate conduct during working hours" he stated. He crossed his arms across his chest. Nakataas ang isang kilay nito.

"What? Ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Mabait si Robby at hindi ko alam kung ano ang sinasabi nitong inappropriate conduct.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon