9 pm ng makarating ako ng San Lucas. Halos 10 hours akong nagbyahe. Dahil masama ang pakiramdam ay buong oras akong natulog sa bus.
Sobrang saya ni Nanay dahil kompleto kami sa kanyang birthday. Laking pasalamat ko ng mawala ang aking lagnat sa araw ng kanyang kaarawan. Nakakalungkot dahil wala man lang akong nabiling regalo para sa kanya.
Hindi ko alam na pinaghandaan pala nila ang kanyang birthday. Nag ihaw ng dalawang baboy si Tatay at imbetado lahat ng kapitbahay.
Sa gabi pa ang pakain kaya buong araw kaming busy. Dahil Sabado ay nakapunta sina Tito Brent kasama ang mga bata. Sobrang saya tuloy ng aming tahanan dahil sa mga batang naghahabulan. And I realized, I want this kind of life, simple, masaya at payapa. Gusto kong manatili na rito sa San Lucas. Siguro ay itutuloy ko na ang planong magturo na lang dito.
Nakakalungkot kasi sa Maynila, lagi akong mag-isa sa bahay. Naalala ko ang offer ng dean namin noon na magturo sa kolehiyo. Sana ay tanggapin pa rin niya ako ngayon.
Tiningnan ko si Ate Judy at Tito Brent. Sinusubuan ni Tito si Ate Judy ng agahan samantalang si Ate Judy naman ay sinusubuan ang mga bata. How I envy them, Ate Judy looked happy and contented. Kailan ko kaya mararamdaman ang bagay na iyan.
Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi. Nakipaglaro din ako sa aking mga pinsan. Arrielle grew bigger, she's now almost six. At mas lalo kaming nagiging magkamukha.
"Tita" tumakbo ito sa akin ng makita ako. Agad ko naman itong kinarga. Wow, our baby is heavier now. Nalungkot din ako dahil hindi man lang ako nakabili ng pasalubong para sa kanila. Babawi na lang ako sa susunod.
"Tita saan ka po galing?" she asked. She kissed me on my cheek.
"Magwork si Tita sa malayong lugar. Namiss mo ba ako?" lambing ko sa kanya.
"Opo, mommy told me na magkamukha daw tayo. Will I look like you when I grow up?" tanong nito at nilaro ang aking buhok.
"Would you wish to look like me?" I smiled at her. Inayos ko ang pagkaka-karga ko sa kanya.
"Yes, you are pretty and kind. And you are the best Tita in the whole world" she exclaimed and hugged my neck. She kissed both my cheeks. Ang sweet naman ng batang ito. Nakakatuwa.
"Syempre the best talaga ako eh ako lang naman ang Tita mo eh" ang cute cute talaga ng batang to. Pinsan ko si Arrielle pero nasanay na itong tawagin akong Tita. Hinayaan ko na lang. Bumaba ito at tumakbo sa kung saan.
My phone beeped. Tiningnan ko iyon at nakita ang text ni Gab. Kagabi pa ito text ng text. Hinahanap ako. Pumunta ito ng apartment kagabi pero wala daw ako doon. Hindi ko alam kung bakit siya pumunta sa bahay. Mabuti na lang talaga at wala ako doon, ayaw kong may mangyari ulit sa amin. Ikakasal na siya kaya dapat ko na siyang layuan.
Isa pa, naiinis ako sa kanya dahil sa mga pang-iinsulto niya sa akin. Kaya kung maari ay ayaw ko muna siyang makausap. I read his message.
Gab:
Hindi ka umuwi kagabi. Saan ka natulog? Magkasama kayo nung lalaking nakilala mo sa bar?
Ano naman ngayon kung sakaling magkasama nga kami? Kung makaasta tong lalaking to akala mo may karapatan siya sa akin. Hindi ko nalang nireplayan.
Tumulong ako sa paghahanda para sa birthday ni Nanay. Naghihiwa ako ng mga gulay ng tumawag si Gab. Ayaw ko sanang sagutin pero alam kong hindi ito titigil. Buong araw niya akong kukulitin. Sinagot ko ang tawag.
"Boss, bakit po?" bungad ko sa kanya. Nawala na yung excitement at kilig na lagi kong nararamdaman noon tuwing naririnig ko ang boses niya.
"San ka? Magkasama kayo ng lalaking sumundo sayo kahapon?" he accused. Galit ang boses nito. Nakita niya pala ang pagsundo ni Jeff sa akin kahapon.l.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...