Kahit mabigat ang aking pakiramdam kagabi, mahimbing parin akong nakatulog. Pikit ang mga matang nag-inat ako ng katawan. Someone chuckled kaya mabilis kong minulat ang aking mga mata.
I saw Gab sitting on my bed looking so handsome with his white shirt and faded jeans. Smiling down at me. Agad akong napabalikwas ng bangon. Nananaginip lang ba ako? I looked at the clock on the bedside table and its still quarter to 6 am. Its also raining outside.
"Good morning Sam" masiglang bati niya sa akin. I poked his cheeks multiple times to make sure he is real. Ang kanyang balbas ay medyo mahaba. Mas nagmature itong tingnan.
"What are you doing?" natatawa niyang tanong sa akin. Hinuli niya ang aking kamay at hinalikan iyon.
Totoo nga ito. Pero bakit ito nandito? Its still Thursday. Bukas pa dapat ang kanyang balik.
"Sorry, akala ko nananaginip na naman ako" amin ko sa kanya at mabilis na inabot ang pantali ko ng buhok. Siguradong sabog pa ang buhok ko ngayon. I tied up my hair in a messy bun.
Nakapantulog pa ako, white sando and a soft short. But it doesnt matter. Tumingin ako sa kanya. Nakataas ang kanyang kilay.
"You've been dreaming of me?" amused niyang tanong.
"Ha? Ah oo minsan. Bakit ka nandito?" sabi ko sa kanya at mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Ayaw mo bang makita ako?" nagtatampo niyang tanong.
"Syempre gusto. Pero diba bukas pa ang balik mo?" sagot ko sa kanya. Miss na miss ko na siya at gustong gusto ko na itong yakapin.
"I cant wait for tommorow. My girfriend wished to wake up with me on her side. Alam mong gagawin ko ang lahat para sayo" mahina at malambing ang kanyang boses. Hinalpos niya ang aking pisngi.
Shit, ako pa pala ang dahilan kung bakit ito umuwi.
"How about your family? Hindi ba sila magagalit? Akala ko busy ka? Your family need you" sunod sunod kong tanong. Ano nalang ang iisipin ng pamilya nito?
"My family needs me. But they will understand that my future wife, my future family, the future mother of my children also needs me." he stated. He smiled at me. His eyes surveyed my body.
"Gab naman eh. Buti pumayag sila?" nag-aalala kong tanong.
"I promised them Ill take care of the factory and farm and our other business here while they are away. I also promised them I'll try to learn how the business works, payagan lang nila akong umuwi" paliwanag niya.
"You didnt have to do this Gab. Oo miss na miss na kita, but I understand"
"I'd do anything for you babe" sagot niya at may kinuhang bagay sa kanyang paanan. Binigay sa akin ang isang paper bag.
Binuksan ko iyon at agad kong nakita ang isang libro. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong libro iyon. The book was just released yesterday.
Agad ko siyang niyakap. Gumanti rin ito ng mas mahigpit na yakap sa akin.
"Thank you so much Gab." masaya kong pasasalamat sa kanya.
"You are most welcome baby. Alam kong hindi mababayaran ng librong yan ang ilang araw na wala ako sa tabi mo. But I promise na babawi ako." he whispered. Hinihimas niya ang aking likod.
Itinabi ko ang libro sa side table.
"Anong oras ka dumating." I asked.
"Umalis ako pagkatapos ng party and I arrived at almost 5. Buti nalang at nabutan ko pa si Nanay Linda. Pinapasok ako." He hugged me again and smelled my neck.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...