Maaga akong nagising kinabukasan kahit hindi naman ako masyadong nakatulog.
Naabutan kong naghahanda ng pumasok si Tito at Ate Judy.
"Good morning Sam. Breakfast kana." sabi ni Ate Judy at tinuro ang mga pagkain sa mesa.
"Good morning ate Judy" bati ko sa kanya at tiningnan ang mga pagkain sa hapag.
May sinangag, itlog at hotdog. Umupo ako sa mesa at nagsimulang kumain habang pinapanood silang busy sa paghahanda.
"May maghahatid ng softdrinks at beer mamaya Sam. Ipaderecho mo nalang rito sa kusina." bilin sa akin ni Tito habang nag-aayos ng sinturon.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Okay ka lang bang mag-isa rito Sam? Kung gusto mo ay sumama sa akin para makapasyal ka sa school dito" mungkahi ni ate Judy.
Agad akong tumanggi. Nakakahiya kung hihintayin niya pa ako para magbihis.
"Okay lang po ako dito ate Judy. Plano ko rin pong maligo ng dagat ngayon" tanggi ko sa kanya. Tumango naman ito at ngumiti.
Nagpaalam si Tito at Ate Judy. Humalik sa aking ulo si Tito bago umalis. Mabilis kong tinapos ang pagkain.
Niligpit ko ang mga kalat at naghugas ng pinggan. Naglinis rin ako ng bahay ni Tito. Habang naglilinis ay madalas akong natutulala. Naiisip ko si Gab. Oo at nagtatampo ako at nasasaktan sa kamyang mga akusasyon sa akin, pero hindi naman ibig sabihin non ay makikipaghiwalay na ako sa kanya.
Hindi ganun ka babaw ang pagmamahal ko sa kanya. Magpapakalma lang muna ako bago ko siya haharapin.
Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto para magpalit ng damit pangligo. Hinalughog ko ang aking bag at may nakita akong isang pares ng itim na bikini.
Wala naman masyadong tao rito sa paligid kaya okay lang siguro kung ito ang isusuot ko. Para rin pantay ang pagkaka-tan ng aking balat.
Nakabikini na ako ng lumabas ng bahay at natungo sa dalampasigan. May isang tuwalya na nakasabit sa aking balikat.
Kay sarap pakinggan ng mga alon na humahampas sa buhangin. Nakakagaan ng loob at nakakapagbigay sa akin ng kapayapaan.
Inilibot ko ang aking paningin. Mangilan ngilan lang ang tao sa paligid. I tied up my hair in a high ponytail including my bangs.
Inilagay ko sa duyan ang aking tuwalya at nakapaang naglakad para maligo. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang umabot ang tubig sa aking dibdib.
Hindi na ako lumayo dahil hindi naman ako marunong lumangoy.
I tried to swim but I am just hopeless. Lumulubog lang ako kapag sinusubukan kong ikampay ang aking mga paa at kamay.
Ilang beses kong sinubukan na gawin iyon hanggang sa napagod ako. Humarap ako sa dalampasigan at tiningnan ang bahay ni Tito Brent. Maganda itong tingnan sa malayo. Napapalibutan ng mga bulaklak at mga puno.
Ilang minuto ko pang pinagsawa ang aking katawan sa maalat na tubig ng mapansin kong may tao sa labas ng bahay. Nasa veranda ito at kumakatok.
Agad akong umahon para tingnan kung sino iyon, pero hindi paman ako tuluyang nakaalis sa tubig ay lumingon na ito sa akin. Si Mikael ang nakita ko.
Naglakad ito palapit sa akin at kinuha ang tuwalya mula sa duyan. Ng makalapit ako ay agad niya itong inabot sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Derechong sa mukha ko lang ito nakatingin.
"Mikael anong kailangan mo?" sabi ko sa kanya at nagpunas ng pisngi.
"Nasa sasakyan ko ang mga inorder na inumin ni Kuya Brent. Saan ko iyon ilalagay?" tanong niya at tinuro ang bahay.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...