Chapter 44

2.2K 27 2
                                    

Nagising ako ng maramdaman ang isang mabigat na bagay sa aking balikat. Mukhang nakatulog rin ang aking katabi at hindi nito napansing nakasandig na siya sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa byahe. Mahaba-haba rin siguro dahil madilim na sa labas. Umayos ako ng upo dahilan upang magising ang aking katabi. Tumikhim lang ito at umayos ng upo.

Napatingin ako sa aking katawan ng mapansin ang isang telang nakapalibot sa akin. Ito ba ang dahilan kaya hindi na ako nakaramdam ng lamig kanina?

Tiningnan ko ito at nangunot ang aking noo ng mapansing isa itong suit. And that scent, it is very familiar. Isang tao lang ang kilala kong may ganyang bango. But its not him right? Imposible.

"Baby stop staring at my suit. Nagseselos ako" biglang nagsalita ang aking katabi kaya napatingin ako sa kanya. Bumungad sa akin ang magaganda nitong mata at matangos nitong ilong. God, he is so perfect.

"Gab? Anong ginagawa mo rito?" nagugulohang tanong ko sa kanya. Siya ba yong tumabi sakin kanina? Paano niya nalaman kung nasaan ako?

"Sasama ako sayo. I won't let you leave me again Sam. Not again. I will follow you where ever you will go" seryosong sagot nito sa akin at marahang ginagap ang aking kaliwang kamay..

"Pero hindi na pwede Gab, you are already committed to someone else." Nanghihina kong sabi sa kanya. Inagaw ko ang aking kamay at yumuko upang itago ang luhang malapit ng bumagsak.

"What do you mean? I am only committed to you Sam. Simula noon, hanggang ngayon. Walang ibang nagging laman itong puso ko kundi ikaw lang. Inaamin kong nakakapagod na, pero kahit kalian ay hindi ako sumukong mangarap na balang araw, tayo parin sa huli" madamdaming sagot ni Gab. He held my hands again ang this time, he held them tighter. Not letting it go.

"But you are already getting married" I exclaimed. Bahagyang lumakas ang boses ko kaya napatingin sa amin ang ibang pasahero. Nakakahiyang dito pa talaga kami sa bus nag dra-drama.

"Getting what? Married? I will only get married if its with you" naguguluhan parin ito. Pati tuloy ako ay naguguluhan na dahil sa ipinapakita nitong kainosentehan sa bagay an iyon. I will only get married if its with you. Ang sarap pakinggan.

"Pero, diba may fiancée ka na? Andrea ba pangalan non?"

"Oh, Andrea. Right. Nagkita na kayo?" parang balewalang tanong nito. His face lighten with relief.

"Oo, kaya we should stop this. Please, ayaw kong makasakit ng ibang tao" naiiyak na sabi ko kay Gab.

"So okay lang sayo na pareho tayong masaktan? Na pareho tayong mahirapan? I know that you still love me Sam. And I love you so damn much. Hindi pa ba sapat ang bagay na yan para magsama tayo at kalimutan ang ibang tao?" may pagtatampong sagot nito sa akin. Sana ganoon na nga lang kadali ang lahat. Sana madali lang kalimutan ang mga taong nakapaligid sa amin na pwedeng masaktan.

"Alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan noon Gab at ayaw kong ako ang maging dahilan para masaktan ang isang babae. At lalong masakit sa kanya kung hindi matutuloy ang inyong kasal dahil lang sa akin. Mahal na mahal kita pero hindi na pwede. Dahil hindi ka na akin" tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit isiping ikakasal ito sa ibang babae.

"Yan lang ba ang dahilan mo kaya ayaw mo ng makipagbalikan sakin? Wala na bang iba?" he asked. Nalilito man ay napatango nalang ako.

"Are you sure about that? So kung hindi sana ako ikakasal o kung hindi ako committed sa iba eh sasagutin mo na uli ako?"

I don't know why he is asking this silly questions. Wala naman akong ibang maisisp na dahlia kundi iyon lang. Hindi ko siya matingnan sa mata, I am embarrassed for not being brave enough to fight him. I am weak.

"Oo, dahil mahal na mahal kita at wala akong ibang pinangarap kung hindi ang makasama ka. Alam mo bang pumunta ako sa hospital noon ng malaman kong naaksidente ka? Wala na akong pakialam noon kung pinaglaruan mo lang ako. Sinabi ko sa sarili kong magmamakaawa ako sayo na huwag mo na lang akong iwanan kapag dumating na ang JS prom. Na sana tutuhanin mo nalang ang relasyon natin. But I was too late. Dinala ka na ng parents mo sa Manila upang doon ipagamot. And after that, my life was hell. Hindi ko man ipinakita sa iba kung gaano ako nasaktan, gabi-gabi naman akong umiiyak. Hanggang ngayon Gab, nangangarap parin ako. Pero ayaw kong angkinin ang hindi na sa akin" mahabang paliwanag ko sa kanya. Matama lang itong nakikinig.

Alam kong naririnig kami ng ibang pasahero pero wala na akong pakialam. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko na siyang bumabagabag sa aking dibdib.

"Oh baby, don't cry. Mahal na mahal din kita. At hwag kang mag-alala. Hindi masasaktan si Andrea. Hindi mo ako aagawin sa kanya dahil I am all yours in the first place. Matutuwa pa nga yun kapag nalaman niyang ikakasal tayo" masayang banggit ni Gabriel. Masaya ito pero may luhang bumagsak sa mga mata nito.

Iniharap niya ang mukha ko sa kanya ang pinunasan ang mga luhang naiwan sa aking mata. He kissed my forehead that made me close my eyes. Pero mabilis ko rin siyang naitulak palayo sa akin ng marealize ko ang sinabi nito.

"Ikakasal? Tayo? At bakit naman siya matutuwa?" I asked, confused.

"Andrea is just my best friend. Anim na taon na kaming magkaibigan mula noong nasa US ako. Alam mo bang babae rin ang gusto nun? Wait, she did not try to hit on you, did she?" anito na mas lalong nagpalito sa akin.

"Babae rin ang gusto niya? You mean shes a lesbian?" hindi kapani-paniwala. Babaeng-babae itong tingnan.

"Yup, she is."

"Pero bakit sinabi niyang fiancée ka niya at ikakasal na kayo?" nalilitong tanong ko rito.

"She knows you. Alam niya lahat ang tungkol sayo. Alam niya ring binili ko ang kompanya ni Mike dahil sayo. Sinabi ko sa kanyang gagantihan kita. She joked before that she will visit me and introduce herself as my fiancée to hurt you. I am sorry Sam. Hindi ko alam na tututuhanin ng babaeng yun ang biro niya. I don't even know that she's here in the Philippines. At mas lalong hindi ko alam na nagkita na pala kayo" he explained.

So maling akala lang ang lahat? He is free, he is not committed to any one? Akin parin si Gabriel del Alguazil? I am still trying to absorb everything.

"I am sorry for what Abby did to you Sam. Kung hindi ko lang siya kapatid ay baka binugbog ka rin yun kahit babae pa siya. I am so sorry, It hurts me seeing you like this." I can see that he is sincere. Maingat niya ring hinaplos ang pasa sa gilid ng aking bibig.

"Its okay. Naiintindihan ko kung bakit ganon ang naging reaksyon niya. I might do the same if its with my brother."

"Thank you baby. But please, next time, talk to me first. Don't just jump into conclusions, tapos bigla mo nalang akong iiwanan. Lets not make the same mistake that we did before, Sam. Baka di ko na kayanin this time." Sabi nito. He smiled that turned my knees to jelly. He is so handsome. Tumango ako bilang pagtugon.

"What did I do to deserve someone like you Gab? I am so sorry, dahil sa mga maling akala ko ay nangyari ang mga ito. Mula noon, imbes na kausapin ka ay nagdesisyon ako ng mag-isa. Im sorry"

"Its okay baby. Pareho tayong may mali. Ang importante ay ang ngayon. Lets start okay? Kalimutan na natin ang nangyari. I love you so much Samantha" sabi ni Gab at kinuha ang aking mga kamay at masuyong hinalikan ang mga iyon. Hindi ko mapigilang maiyak na naman. Ito na ba? Is this the happiness that I've been waiting for so long?

"I love you too" humalik si Gab sa aking labi. Mabilis lang iyon dahil bigla niya itong pinutol at tumayo.

"Para, dyan lang sa tabi" Sigaw ni Gab sa driver at hinila ako palabas ng bus. Nalilito man ay wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa bilis ng pangyayari. Magkahawak kamay kaming bumaba ng bus.Inilibot ko ang paningin at sa tingin ko ay tatlong bayan pa mula rito ang San Lucas.

"Gab, hindi pa to San Lucas" pagpapaalala ko sa kanya ng hilahin niya ako at naglakad papunta sa kung saan ng may pagmamadali. Patakbo akong sumunod sa kanya.

"I know but we need to find a nearest hotel, Babe. I badly want to make love to you right now and I cant wait until we reach San Lucas" sagot nito na may pilyong ngiti sa labi. 

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon