Chapter 21

1.6K 20 2
                                    

Kinabukasan ay umuwi na kami ni Gab ng San Lucas. Hindi na sumama sa amin si Tito.  Sabi nito ay sa susunod na Sabado na ito bibisita sa amin upang maisama niya si Ate Judy.

Naexcite akong makilala nina Tatay si Ate. Alam kong magugustuhan nila ito.

Maaga kaming tumulak dahil may pasok pa kami ng 8 am. Alas Singko pa lang ng umaga kaya hindi mabilis ang takbo ni Gab.

"I expelled Jessa from school. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya" maya maya ay sabi ni Gab.

Agad akong napatingin sa kanya. "Why? Sobra naman ata kung papaalisin mo siya sa school. Kawawa naman. Ilang buwan na lang at matatapos na ang taon" sabi ko rito. Oo at naiinis ako sa babaeng iyon pero hindi niya kailangang paalisin si Jessa. Sapat na sa akin na malaman ni Gab kung sino talaga ang may kasalanan.

"She deserved it. She tried to destroy us. And I even believed her" may galit sa boses nito. .

"Please Gab. Hayaan mong makapagtapos man lang ang tao kahit ngayong taon lang" I pleaded.

"Why Sam? Dapat lang sa kanya yun. Why are you defending her now?" takang tanong nito.

"Pero okay naman na tayo diba? Kawawa naman yung tao. Please?" pamimilit ko sa kanya.

Huminga ito ng malalim. "Fine. Pero kapag nalaman kong may ginawa uli siya. Hindi ko na ito mapapatawad." nabunutan ako ng tinik sa kanyang sinabi.

"Thank you" tanging nasabi ko sa kanya.

"You are too good Sam. Bakit ba hindi ko yan naisip noong nakita ko kayong nag-aaway ni Jessa. Bakit hindi ko naisip na hindi mo kayang manakit ng ibang tao. Agad kitang inakusahan. Im sorry baby" he apologized and gently touched my cheeks.

Oo at totoong nasaktan ako noong hindi siya naniwala sa akin. Pero mahal na mahal ko si Gab at kaya kong kalimutan ang lahat ng nangyari.

"Nasaktan ako sa ginawa mo Gab. Pero pinapatawad na kita. I hope this time, you'll trust me the way I trusted you" I replied.

"Yes baby, pangako yan. " he promised. Panghahawakan ko iyan Gab. "Also, in the video, why did you tell her that you will leave me? Naniwala ka ba sa kanya?"

"I was just testing her Gab. Nagduda ako sa sinabi niya kaya ginawa ko yon. But I found out hindi nga totoo ang sinabi nito." I explained.

Kakalimutan ko any ginawa ni Jessa. Karma na any bahala sa kanya.

Lumipas ang ilang araw at mas lalo pa ata akong nahuhulog kay Gab. Mas lalo niya akong minahal at mas lalong inalagaan.

Tinupad niya rin ang kanyang pangako na ibabalik sa paaralan si Jessa. Simula ng mangyari ang gulo ay hindi na ako pinapansin ni Jessa at lagi itong umiiwas tuwing magkakasalubong kami.

Nasa bahay kami ngayon ni Gab. Kabado akong umupo sa kanilang sala. Sa tabi ko ay si Gab na kampanting nakaupo. Minsan ay hinahawakan niya ang aking mga kamay para mawala ang aking kaba.

Ang mga napapadaang katulong ay kuryosong napapatingin sa akin. I just nervously smiled at them.

Hinihintay namin ang pagbaba ng kanyang mga magulang. Gab wants me to meet his parents. Hindi pa ako ready na makilala sila, but Gab insisted.

Alam kong mababait ang mga magulang nito. Pero paano kung ayaw nila sa isang kagaya ko para sa kanilang anak?

Alam kong mas gugustohin nilang katulad nila ng maging girlfriend nito. Pero umaasa pa rin akong tatanggapin nila ako.

"Dont be nervous Sam, sigurado akong magugustuhan ka ni mommy." Gab assured me.

"I cant help it Gab." I honestly told him. Talgang hindi ko maiwasang hindi kabahan.  They are Del Alguazil for pete's sake.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon