Chapter 4

1.7K 32 11
                                    

Sa loob ng dalawang linggo ay walang palyang binibigyan ako ni Gab ng mga bulaklak at kung anu-anong bagay. Maging si Nanay ay nakakahalata na dahil ibat-ibang bulaklak ang inuuwi ko araw-araw. Nilalagay ko ang mga iyon sa isang base sa ibabaw ng aming hapag.

Nanligaw nga ito sa akin. Mabuti nalang at hindi niya ako pinipilit na sagutin siya. Dahil baka hindi ako makatanggi sa takot ko sa kanya.

Nalaman rin niyang paborito ko ang chocolates kaya araw-araw niyang nilalagyan ng mamahaling tsokolate ang aking bag. Nakiusap ako sa kanya na tigilan na ang pagbibigay nito dahil baka masira na ang ngipin namin ni Lianne o baka naman ay magkadiabetis kami.

Palagi na rin niya akong tinetext ng kung anu-ano. Nagtatanong kung kumain na ba ako o kung anong ginagawa ko. I find it sweet but annoying sometimes. Lalo na kung hindi agad ako nakakapagreply. He will flood me with messages hanggang sa mapilitan akong replayan siya.

Wala kaming pasok ngayon sa una at pangalawa naming subject sa hapon. May seminar daw na pinuntahan ang dalawa naming guro. Binigyan lang kami ng seatwork at agad naman naming natapos ni Lianne ang mga iyon kaya tumambay muna kami sa isang sementong mesa at upuan sa ilalim ng isang puno.

Liannes busy putting a black nail polish on my right hand to match her nail color. Ang kikay talaga nitong kaibigan ko at pati ako ay dinadamay.

"Look Sammy, lalong pumuti ang kamay mo" she exclaimed happily. Hinipan niya pa ang kamay ko para mas madaling matuyo. I smiled and nod at her.

Iniisip ko si Gab at ang panliligaw nito sa akin. Should I take the risk? Sasagutin ko na ba ito at mananalangin na lang na hindi niya ako sasaktan?

"Lee sa tingin mo, sasagutin ko na ba si Gab?" I consulted Lianne. Mag-iisang buwan na rin itong nanliligaw. And I admit that I can feel something for him. Oo at ayaw ko sa mga lalaking katulad niya na happy go lucky at playboy, pero namimiss ko siya kung hindi kami magkasama. Nasasanay na ako sa prisensya nito

Even the female community in this school are all mad at me. Bakit daw pinapahirapan ko si Gab. Hindi raw ako maganda kaya wala akong karapatang magpahard to get.

Lianne narrowed her eyes and looked at me. Then she continued on what shes doing.

"Sammy, sinabi ko na sa iyo na iba ang kutob ko sa lalaking yan. But I can see that you are happy whenever he is around. You can give it a try. At kapag sinaktan ka niya. I will just tell you I told you so" biro nito at muling hinipan ang aking mga kuko.

"Lee naman eh." sabi ko sa kanya sabay hampas sa kanyang braso.

"Abat niligawan ka lang ng Del Alguazil na yan ay masyado ka ng nagiging bayolente" pinandilatan niya ako ng mata. Sobrang natawa naman ako sa sinabi niya at sa kanyang reaksyon.

"Kidding aside Sam, follow your heart. Huwag mo lang ibigay lahat. Keep something for your self and be cautious. Learn to pay attention to the signals. Para kung sakaling lokohin ka niya eh hindi ka masyadong masaktan. Remember that hes a playboy" now shes serious. How did she know these love thingy?

"You think?" I smiled. Trying to understand what she meant. Tama si Lianne, I should be cautious. Hindi dapat ako magpadalus-dalus. Tumango lang si Lianne at niyakap ako ng mahigpit.

"Now now, you should behave okay. Huwag isuko ang bataan. Oh Gosh, my best friend is in love." maarteng sabi nito at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nagkunwari itong nagpupunas ng luha. Natawa ako, shes so funny. I am just glad that I have her.

Lianne went to the restroom. Tiningnan ko ang phone ko ng naiwan akong mag-isa. I have 9 messages and 5 missed calls from Gab. Ano na naman ang kailangan nito? I swiped the screen and checked each messages. They were sent 30 minutes ago.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon