Chapter 27

1.5K 20 6
                                    

Dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng nagkausap kami ni Gab sa bahay. Simula noon ay hindi na ito pumapasok.

Masyado ko bang nasaktan ang pride at ego niya? Nahihiya kaya itong malaman ng mga kaibigan niyang hiniwalayan ko siya?

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Natutuwa ako dahil napapadali ang paglimot ko sa kanya. Madali kong makakalimutan ang pagmamahal ko para dito.

Nalulungkot ako dahil kahit papaano ay nami-miss ko ito. Pero mabuti narin ang ganito. Siguradong araw-araw akong masasaktan kapag nakikita siya.

Wala na rin akong balita sa kanya. Kung ano ang ginagawa nito o kung kamusta na ito. Ayaw ko ring magtanong sa kanyang mga kaibigan.

Tuwing sinusubukan ng mga kaibigan nitong makipag-usap sa akin sa akin ay agad akong umiiwas. Hanggang ngayon ay nagagalit ako sa kanila. Maging kay Bryan.

Si Jessa naman ay laging matatalim ang mga mata tuwing nagkakasalubong kami. Siguro ay alam na nitong wala na kami ni Gab.

Simula ng naghiwalay kami ni Gab ay marami ang nagbago sa akin. Naging komportable ako sa pagsusuot ng mas magagandang damit at sapatos.

Naging mas marami ang aking mga kaibigan. Pero alam kong hindi sila totoong kaibigan.

Naging mas mapanuri rin ako sa mga lalaking lumalapit at nanliligaw sa akin. Ngunit isa man sa kanila ay wala akong sinagot. Siguro ay unahin ko nalang ang pag-aaral ko.

Marami ang nakapansin ng pagkawala ni Gab. Syempre sikat at kilala ito sa buong school. Kaya hindi nakapagtataka kung hanapin ito ng mga studyante.

Marami rin ang nagtanong sa akin kung kami pa. Agad ko namang sinasagot na naghiwalay na kami. Marami ang nanghinayang pero marami rin ang natuwa.

Lalo na yung mga babaeng may pagtingin sa kanya.  Some said Gab got bored of me kaya ito nakipaghiwalay. Hindi ko nalang pinansin ang mga iyon.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang mga nakikita ko. Minsan ay nakikita ko ang sasakyan ni Gab sa labas ng bahay, pero agad din itong nawawala.

Minsan kapag umuuwi akong mag-isa, pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin at kapag lumilingon ako ay nakikita ko si Gab.

Iwinaksi ko nalang ang mga iyon. Maybe I missed him too much that I created imaginary images of him.

Pero masasanay rin ako. Masasanay rin akong wala na ito sa aking tabi. At kasabay ng paglimot ko sa kanya, malilimutan ko rin ang lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Makakalimutan ko ang masasaya naming pinagsamahan at babalik din sa normal ang aking buhay. Buhay kung kailan wala pa si Gab. Buhay kung saan hindi ko pa naramdaman ang sobrang kaligayahan, ang sobrang pagmamahal.

"You okay? Tulala ka na naman" puna ni Lianne. She snapped her hand in front of my face.

We are eating lunch sa bench na lagi naming tambayan kasama si Gab. Unti-unti ko ng napupuntahan ang mga lugar kung saan madalas kami ni Gab ng walang nararamdamang sakit. O baka pinipilit ko lang na hindi makaramdam ng kahit na ano.

"Sorry, you were saying something?" ibinalik ko ang atensyon sa kanya. Muli akong yumuko at tinusok tusok ang aking pagkain gamit ang tinidor.

"Tinatanong kita kung ano ang plano mong gawin bukas? Its weekend" Lianne rolled her eyes and resumed eating.

"Hmm bahay lang, maglilinis..oh maybe I'll go sun bathing. Ang putla ko na uli" sabi ko at tiningnan ang kulay ng aking braso. Sobrang puti, konting kurot lang namumula agad.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon