Chapter 33

1.6K 30 3
                                    

11 PM ko na natapos ang pinapagawa ni Gab. I sent the report to his email and went straight to the bar. Hindi na ako nagpaalam sa kanya at baka may iutos na naman ito.

Sumakay ako ng taxi, malapit lang naman sa office ang sinabing bar ni Bing. Ilang minuto lang ay nakarating agad ako. Im still wearing a pencil skirt, white fitted blouse and a blazer. Sobrang pormal ang suot kong damit para sa ganitong lugar.

I texted Bing that I'm outside the bar. Agad naman itong lumabas para salubungin ako. May bitbit itong paper bag at ibinigay iyon sa akin. Tiningnan ko ang laman at nakita ang isang damit sa loob.

"Akala ko hindi ka na makakasunod. Tamang tama ang dating mo. Kakasimula pa lang ng party" sabi nito at sabay kaming pumasok. Puno ang bar at maraming tao. Isa ito sa pinakamamahaling bar sa bansa.

Hinila niya ako papuntang restroom para makapagpalit ng damit.

"May pinagawa kasi si Boss kaya natagalan. Sino ang nandito?" tanong ko sa kanya. Pumasok kami sa banyo at tumuloy ako sa isang cubicle. Si Bing naman ay inayos ang kanyang sarili sa salamin.

"Andito lahat. Ikaw na nga lang ang hinihintay" sagot nito.

"Mabuti naman at nakapunta sila. Miss ko na ang mga iyon" tukoy ko sa mga kaibigan namin sa kompanya na madalas naming kasama kapag lumalabas. Lately kasi ay hindi na ako masyadong nakakasama dahil sobrang busy sa office. Lalo na noong hindi na pumapasok si Mike. Ako ang gumawa ng mga trabaho nito at tulog na lang ang pahinga ko noon.

"Syempre pupunta ang mga iyon. Libre kasi" natatawang sabi ni Bing. Natawa rin ako sa biro nito.

Hinubad ko ang aking damit at sinuot ang dalang dress ni Bing. Black Mini dress iyon. Strapless at hanggang hita ang haba. Sobrang fit sa aking katawan. Hinubad ko rin ang aking bra dahil kita ang strap nito. Mabuti na lang at may foam ang damit.

"Akala ko ba ayaw mong magsuot ako ng ganitong damit? Bakit ito ang pinapasuot mo sa akin?" ngumungusong tanong ko kay Bing ng lumabas ako ng cubicle. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Sobrang sexy ng suot ko. Ang aking black stiletto shoes ay bumagay sa damit. Baka magahasa ako ngayong gabi kapag umuwi ako na ganito ang suot. My boobs are almost popping out of my dress. They bounced everytime I walk.

"OMG, sabi ko na nga ba at bagay yan sayo. Bigay yan sa akin ng kapatid ko. Pero di ko pa nasusuot. Wala kasing makapitan ang damit sa aking dibdib kaya nahuhulog." maarteng biro nito. Sobrang payat kasi ni Bing. Nag-aalala nga ako sa kanya dati dahil baka anorexic ito. Ilang subo lang ang kinakain nito tuwing nagsasabay kaming maglunch sa office.

"Hindi ba malaswa?" nag-aalala kong tanong. Umiling si Bing at nilagyan ako ng konting make up sa mukha. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba at bahagyang kulot kong buhok. My hair curled dahil sa buong araw na pagkakatali.

"Basta, hwag kang maglasing para hindi na mag-away away ang mga lalaki sa paligid okay?" eksaheradang bilin nito sa akin.

Lumabas kami ng CR at hinila ako ni Bing sa isang U shaped sofa sa dulong bahagi ng bar. Maraming nakaupo roon at lahat sila ay napatingin sa akin ng nakalapit kami. Madilim ang paligid kaya hindi ko masyadong maaninag ang mga nandoon.

"Hi Samantha. Mabuti naman at nakahabol ka. Ang tagal mo ng di nakasama sa amin." sigaw ni Rachel na isa ring secretary. Malakas ang tugtog kaya dapat ay lakasan rin namin ang aming boses para magkarinigan. Siya lagi ang naghahatid sa akin noon sa bahay tuwing nalalasing ako. Hindi ako nababahalang uminom kapag nariyan si Rachel.

"Hi Che. Oo nga eh. Miss ko na kasi kayo kaya pinilit ko talagang makasunod" sagot ko sa kanya.

"You looked so hot with your dress Sweetheart" sabi ni Edward. He's a gay.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon