Chapter 9

1.6K 25 21
                                    

Sinabi ko kay Gab ang dahilan kung bakit ako liliban sa klase. Pumayag naman ito at inihatid ako kina Lianne.

Ayaw rin sana nitong pumasok at gustong sumama sa akin. Hindi ako pumayag at pinilit siyang bumalik sa school. Wala naman itong nagawa kaya pumayag na rin.

Hinintay naming matapos ang kanyang lunch break bago niya ako pinalabas ng sasakyan.

Nakasandal lang ako sa upuan. Looking at Lianne's house. Kanina pa niya ako kinukulit na halikan siya bago umalis.

"Sam, just one kiss please" he begged. Inilapit ang mukha sa akin. Para talaga itong bata. Hindi ako makapaniwalang si Gabrielle del Alguazil ay uhaw sa halik at nagmamakaawang halikan.

"Bakit hindi ikaw ang humalik sakin?" hamon ko sa kanya. Dapat ba talagang ako ang mag-initiate sa tuwing maghahalikan kami?

"I like the way you kiss me first. Yung ginawa mo kanina" resquest niya na mas lalo pang nilapit ang mukha sa akin.

Ayaw ko na sanang pag-usapan ang paghalik ko sa kanya. Masyado na akong nahihiya. Pero si Gab ay tuwang tuwa ata sa halik na iyon. Wala kaming ibang pinag-usapan habang nagbabyahe kundi ang bagay na iyon.

Kung paano ko raw nilapat ang aking labi sa kanya, kung paano ko marahang binuka ang kanyang labi gamit ang dila, kung paano ko....... Stop Sam. Stop thinking about it.

Para itong babae na hinalikan sa unang pagkakataon. Napailing na lang ako.

Ilang minuto na lang ay matatapos na ang kanyang lunch break. Baka mahuli na ito sa klase. Malayo layo pa ang school galing dito sa bahay nina Lianne.

"Gab mahuhuli ka na sa klase. Bababa na ako" paalam ko at tinangkang buksan ang sasakyan. Pero nakalock ito kaya napatingin ako sa kanya.

Mahaba ang nguso nito at nakatingin lang sa harap ng sasakyan. Nagtatampo ata.

"Gab unlock the door" may banta sa boses ko. Ilang sandali lang siyang nanatili sa kanyang posisyon bago malungkot na tumango at may pinindot sa dashboard. Hindi man lang ito tumitingin sa akin.

"Text me kung nakauwi ka na sa inyo mamaya" he said coldly.

Nakakainis dahil para itong batang hindi binigyan ng laruan at nagtatampo. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Inabot ko ang kanyang mukha at marahang iniharap sa akin.

Bigla namang umaliwalas ang kanyang mukha sa aking ginawa.

Marahan kong nilapit ang aking labi sa kanya. His lips is soft but dry kaya marahan kong dinilaan ang kanyang labi para basain ito.

Ilang minuto siyang di gumalaw at hinayaan lang akong pasukin ang kanyang bibig gamit ang aking dila. Ilang sandali pay marahan na rin siyang gumalaw hanggang sa ang halik namin ay mas lumalim.

Naging agresibo at marahas si Gab, mabilis at madiin ang kanyang mga galaw. Napadilat ako ng may malasahan akong dugo. Agad ko siyang tinulak dahil may naramdaman akong hapdi sa aking babang labi.

"Shit. Im sorry, I got carried away" concern siyang tumingin sa akin at hinaplos ang aking labi. Tumingin ako sa kanya at maging ang kanyang labi ay namumula.

"Nasugatan ata ang labi mo. Does it hurt?" tanong niya na sinuri ang sugat sa labi ko.

"Im fine. Pumasok ka na. Ingat ka sa pagda drive." paalam ko at dinampian siya ng mabilis na halik bago binuksan ang pintuan ng sasaknyan at lumabas.

Isinarado ko pabalik ang pinto. I waved at him kahit wala naman akong nakikita dahil tinted ang sasakyan nito. Marahang bumaba ang kanyang bintana.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon