Fangirl Girlfriend

4.5K 365 13
                                    

I am in the dressing room, waiting for the show to start when my phone rings. I hurriedly answer as soon as I see your name and lovely face on my screen.

"Hello, Love." I smile.

"OMG! Alden Richaaaaards!" You shriek on the other line and giggle.

"Grabe siya. Kilig na kilig kay Alden Richards. Gwapo ba yun?"

"Hay naku! Soooobrang gwapo. Mabait pa. Magaling kumanta at sobrang yummy sumayaw." You say. "Kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

"Mas yummy ang boyfriend ko dun." You laugh and I laugh with you. Who wouldn't with that contagious hearty sound that both warns of an asthma attack and rings like a song?

"Talaga ba? Bakit naman?"

"Hindi ko naman kasi naki-kiss yung Alden Richards nang walang camera. Love team lang kami nun pero yung Richard Faulkerson Jr. Yun! Yun yon!"

"Ano yun?" I grin.

"Masarap yun." You giggle.

"Humalik?" I smirk.

"Magmahal." You laugh.

"Talaga!" I proudly declare.

"Humalik din."

"Uy!"

"Miss ko na nga." You sigh.

"Uy! Uy! Teka lang! Sasakay na ako ng eroplano! Ngayon na!"

"Sira! May show ka pa. Nakakahiya kay Miss Sarah." You laugh. "Uy! Ikinumusta mo ba ako sa kanya?"

"Of course, my love. Kinumusta ka nga din niya sa akin."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko: Ayun po, Miss Sarah, patay na patay sa akin. Gusto na nga akong pakasalan agad." I laugh.

"Hoy! Bakit yun sinabi mo?"

"Bakit hindi? Hindi ba totoo?"

"Totoo naman."

"TOTOO???!!! Juskooooo! Totoo ba?!"

"Hindi. Joke lang." You giggle.

"Joke lang?" I pout.

"Pero totoo." You say.

"Menggay, ang labo mo naman kausap eh." I sigh.

"Ikaw malabo. Parang ayaw mo pa."

"Uy! Gustong-gusto ko kaya. Parang ako na talaga ang pinaka-gwapong lalake sa mundo kung nagkataon."

"Ikaw naman talaga eh kahit di pa yun nagkataon."

"Ay..."

"Anong ay? Bakit nalungkot ka bigla?"

"Kasi mas gusto ko na totoo yung patay na patay ka sa akin at gusto mo akong pakasalan kesa sa ako ang pinakagwapong lalake sa mundo." I sigh.

"Paano kung both true?"

"Both true ba?" I ask, sounding hopeful.

"Both true." You answer.

"Susmaryosep! Jusko talaga! You don't know how happy you just made me, Love. Alam mo yung walang paglagyan ng tuwa, yung abot langit ang ligaya at halos sumabog ang puso mo sa saya?" I beam.

"Alam ko yun. That's how you make me feel everyday, RJ." You say and my heart stopped beating for a moment, full and content.

"I love you so much. So much. Alam mo ba?" I say quietly, tears brimming my eyes, my heart ready to burst.

"Alam ko. I love you too. Sobra. Alam mo din ba?" You speak softly.

"Alam ko. Alam ko na ngayon." I sniffle.

"Uy! Wag kang iiyak! Kakanta ka pa mamaya."

I nod and quickly brush a few tears away. "Yes, Love. Sorry. Sobrang saya ko lang talaga."

"Ako din." You say and we are quiet for a few seconds. "Oo nga pala. May livestream ba yung show? I want to watch."

"Meron sa FB ng Cebuana, Love. Pero wag ka nang mag-abang dun. Hingi na lang tayo ng kopya ng taped show tapos sabay nating panoorin pag-uwi ko."

"Ayoko nga. Magfa-fangirl pa ako sa loveteam kong si Alden Richards." You say.

"Eh paano naman yung boyfriend mo?"

"Hihintayin ko siyang umuwi para singilin ng madaming kiss." You tell me and once again the line rings with your melodious laughter.

"Susmarya! Bakit ba kasi bukas pa yung flight ko pabalik? Wala bang 24 hours na eroplano yung diretso mula sa kinatatayuan ko papunta sa iyo?"

"RJ Air? Ganoin? Gawa ka. May restaurant ka na, gas station, isunod mo na yang eroplano kung saan-saan ka din naman napupunta." You laugh.

"Naku! Ayaw ko."

"Bakit naman?"

"Medyo mahal yun. Madami-daming ipunan baka 20 years na hindi pa rin tayo nakakasal unless pakakasalan mo ako kahit wala pa akong eroplano."

"Pakakasalan kita kahit wala ka pang eroplano... I mean... the eroplano won't be a factor sa pagde-decide ko kung papakasalan kita o hindi."

"Luh... luh... luh... Walang bawian. Sabi mo pakakasalan mo ako. Sabi mo!"

"Siguro."

"I'll take that as a yes."

"Lakas!" You laugh. "Sige na. Mag-ready ka na diyan. Good luck sa show. See you tomorrow."

"Thank you. Anong see you tomorrow? Mamaya. Video call tayo pag nasa hotel na ako ha? Please."

"Oo na. See you later. Yung pasalubong ko ha?"

"Naka-ready na po. 1 box ng regular dried mangoes, 1 box ng chocolate covered dried mangoes at sampung lechon para sa kasal." I grin.

"Next year na yung lechon. Mapapanis yan. Di aabot sa kasal." You say.

"Pakakasalan mo ako next year?!"

"Alam mo ikaw? Pahinga ka na. You're hearing things." You giggle.

"Pero sabi mo..."

"Bye, RJ. I love you."

"I love you too pero sabi mo..." You end the call before I could finish my sentence.

I stare at the blank screen of my phone for a while, grinning like a fool and hoping that I was right on how I understood what you said. 💛

********
Unbeta'ed and not proofread. Thank you for reading. ❤️

Eh Yung Hindi Naman Tayo? DATI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon