Chapter 1: BNI

146 8 0
                                    

Denisse's POV

"Denisse! Halika na dine at kumain ka na ng agahan!"

"Opo, tita! Papunta na po!"

Inilagay ko ang suklay sa lalagyanan nito at muling tinignan ang sarili sa salamin.

Ayan. Nagmukha ka ring tao.

"Magandang umaga ho." Bati ko kay Tita Marissa at umupo.

"Magandqng umaga rin iha. Kain na."

Tumango ako at sumandok na ng pagkain. Natatakam ako sa pagkaing nakahanda. May sinangag (YUM!), at luncheon meat, tapos may tuyo at scrambled egg sa gilid.

"Heto. Uminom ka ng gatas."

Napanguso ako at tinignan ko si Tita. "Mm. Pwede po bang kape na lang?"

Umiling siya. "Ay hindi. Gatas ang inumin mo. Hindi magandang puro kape ang iniinom mo ha?"

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Excited ka na ba?" Tanong niya sa akin at hindi na ako nagdalawang isip na umiling.

"Oh bakit naman?"

"Siyempre po, mas kinakabahan po ako. Transferee lang ako doon at wala akong kakilala. Hindi ko po alam kung makakasurvive po ako dun eh. Paano kung walang may gusto sa akin doon? Paano kung wala akong maging kaibigan?"

"Hahahaha!"

Napakunot ako ng noo. Ihh. Si Tita talaga oh. Nagsesenti ako dito tapos tatawanan lang ako.

"Tita naman eh."

"Ay nako, Denisse. Ganyan talaga ang mga nararamdaman ng mga transfree na tulad mo. Siyempre kakabahan ka talaga. Pero nandoon pa rin dapat ang excitement sa pagbuo ng masasayang alaala ngayon taon, siyempre, kasama ang mga bagong tao sa bagong lugar. Just think positive lang anak.'Wag negative okay?"

Ngumiti na lang ako at tumango. "Okay po Tita."

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako at nagpaalam na kay Tita.

Pumara ako ng tricycle papunta sa bago kong papasukan na school. Ang Broadway National Institute.

Private school iyon. Hindi kami mayaman pero sabi ni tita ay doon daw niya ako gustong pag-aralin. Sabi ko naman eh hindi na dahil malaki pa ang magagastos namin doon.

Pero nagpumilit pa siya dahil  naniniwala siyang magaling ang mga guro dito at matuturuan talaga ako mg mabuti. Tungkol naman sa gastusin, nakahanap kami ng paraan. Nagtake ako ng scholarship examination sa BNI at salamat naman dahil nakapasa ako. Sila na ang bahala sa tuition fee ko na nagkakahalaga yata ng seventy thousand. Sila na rin ang bahala sa ibang babayarin tulad ng miscellaneous fees.

Wala talaga akong kaalam-alam sa school ng BNI pero sana naman ay maging maayos ang pag-aaral ko doon.

Huminto ang tricycle sa tapat mg isang malaking gate. Tumingin pa muna ako saglit doon at lumabas na.

"Heto po ang bayad, manong."

Iginala ko muna ang paningin ko at kahit saan ako tumingin ay may nakikita akong mga estudyanteng pababa sa magagarang kotse. Ang iba ay may mga kasama na kaagad. Sa unang tingin pa lang ay masasabi mo nang nagmula sila sa isang napakayaman at maimpluwensiyang pamilya.

Napabuntong hininga ako at nagsimula nang manlamig ang kamay ko lalo pa't ang iba sa kanila ay lumilinga sa akin at binibigyan ako mg mataray at nagtatakang tingin.

Yumuko ako at nagdesisyong pumasok na lang.

Pagkapasok ko ay namangha ako sa sobrang lawak ng paaralan! Malinis rin ang paligid at halatang inayusan talaga at inalagaan.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon