Denisse's POV
"Denisse, where are you?"
Sender: Andrea
9:12 am"What happened?"
Sender: Andrea
9:13 am"May problema?"
Sender: Andrea
9:13 am"Please reply."
Sender: Andrea
9:14 amIyan ang mga text na bumungad sa akin nang buksan ko 'yung cellphone ko. Ito yung oras na umalis ako sa party.
Binuksan ko naman ang iba pang text.
"Are you home?"
Sender: Andrea
10:35 am"Uy saan ka?"
Sender: Andrea
10:36 am"Hinatid ka siguro ni Leonard?"
Sender: Andrea
10:40 am"Nawala din siya dito when you left"
Sender: Andrea
10:43 amHays. Oo. Hinatid niya ako pauwi. Ewan ko dun. Tinotopak siguro kaya bumabait. Tss.
Flashback
Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya binawi ko iyon kaagad. Napakunot siya ng noo pero buti na lang pinalampas niya.
"So? Anong gagawin mo dito?"
Nagkibit balikat ako at umiwas ng tingin. "Hindi ko alam."
Nagulat na naman ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako.
"Uy saan ba tayo pupunta?"
"To the party." Walang ganang sagot niya kaya tinanggal ko ulit ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Ayoko! Uuwi na lang ako."
"What is your problem?" Tanong niya nang harapin niya ako.
Umiling ako. "Wala. Maliit na bagay."
Napangisi siya. "Tsk. Maliit na bagay? Then you're crying here, letting yourself get wet under the rain? Is that what you call 'maliit na bagay'?"
Inirapan ko siya. Peste namang lalakeng 'to. Ano bang problema niya?! "Oh eh ba't parang galit ka?"
Huminga siya ng malalim at bumuntong hininga. Mukhang naasar na sa'kin 'to ah. "I'm not mad okay? I'm just... worried."
Napakunot ako ng noo pero natawa din sa sinabi niya. "Tsk. Ano? Worried? Nagbibiro ka ba?"
Umiling siya. "No---"
"Tsk. Sa bagay. Sa sobrang seryoso mong 'yan? Baka nga hindi namin nahahalatang nagjojoke ka na eh."
"I'm serious."
Naitikom ko ang bibig ko at napatango na lang sa sinabi niya.
"Don't let yourself look miserable. Nag-aalala din kami sa'yo---"
Naputol ang pagsasalita niya nang matawa ako. "Hahaha! Gago ka ba? Nag-aalala kayo sa'kin?" Napangisi ako at napabuntong hininga na para bang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Eh di'ba ikaw na nagsabi? Nakakapagod ding ipagtanggol at alagaan ang isang tulad ko?"
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...