Andrea's POV
Napasinghot ako. Huhuhuhu... Nakakalungkot naman ang scene na 'to.
"I will miss you." He smiled sadly. "But please don't forget me, okay?"
Muli akong napasinghot at pinunasan ang luha ko. Tsk. Napakadrama ko talaga. Ano ba 'yan!
"Tsk. Kung makaiyak ka parang ikaw 'yung maiiwan ah." I heard Prince chuckled beside me.
Inirapan ko siya. "Hmp. Eh pake mo ba?" Panira talaga 'to kahit kailan. Kainis! "'Di ka ba naiiyak? Nakakatouch kaya ang scene na 'yan." I whispered.
"Yeah. I know."
Tss. 'Yun naman pala eh kumukontra pa 'to.
"I'll also miss you. Huwag kang mag-alala. Six months lang naman akong mawawala eh. Then we can start from scratch again." The lady responded.
"Why do we have to start again? Can't we just continue what we started?" He asked her. Aww. I was so touched. They're so sweet!
"I want to start a new life with you. No anger. No revenge. No bad intentions. Just pure love."
Mas lalo akong kinilig dahil doon. Oh my gosh! Hindi ko napigilan ang sarili kong impit na tumili sa braso ni Prince. Waahhh! This is very kilig!
Naramdaman ko ang daliri ni Prince sa noo ko at bahagya itong itinulak. Napasimangot naman ako at bahagyang hinaplos ang noo ko. Inirapan ko siya. "Hmp. Ang arte nito." Bulong ko pero sinadya kong iparinig sa kanya.
I heard him chuckled. Oh my gosh. Ang cute niya! Ihhh!
Nagyakapan silang dalawa na mas lalong nagpangiti sa akin. Humilig ako sa braso ni Prince. Buti na lang 'di na siya nag-inarte at hinayaan na lang ako doon. Napalunok naman ako nang maramdaman ang braso niyang yumakap sa bewang ko. Shocks! Puso! 'Wag kang lalabas!
Siyempre, 'di ko pinakitang kinikilig ako to the highest level at nanatili lang ang tingin ko kila Kuya.
Andrei kissed Krishia on the lips. Aww...
Somehow I feel uncomfortable after I witnessed that especially na magkalapit kami ni Prince ngayon.
"Will you wait for me?" Krishia asked.
Tumango si Andrei. "I'll always wait for you, Krishia."
Maya-maya pa'y nagbulungan sila kaya't 'di ko na narinig ang mga pinagsasabi ng love birds na 'to. Psh. If I know, nag 'I love you'- han lang naman sila magbubulungan pa. Nahihiya lang?
"I admire them."
Narinig kong sabi ni Prince. At dahil nakikiliti na rin ako ay ako na ang kusang humiwalay sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa at pansin ko ang pagkunot ng noo niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Because after everthing that happened, after the revelations, they still hold on to each other. Walang sumuko. Walang nang-iwan." Sagot niya.
"Ahm, hehe..." Why are you speechless Andrea?! Speak for goodness sake! "What?" *Slow clap*
Great.
Umiling lang siya habang pilit na pinipigilan ang ngiti. Tss. Oo na! Assuming na kung assuming. Eh bakit ba? Basta para sa'kin ngumingiti siya. Hmp!
I heard Andrei spoke.
"I will wait for you, Krishia. Six months is way too long for me, or for the both of us, but if it's you, then I can wait."
Lihim akong napairap sa sinabi niya. Putek. Six months lang naman silang maghihiwalay. Matagal na ba 'yun?! Kalahating taon lang naman kaya! Haler?! Tss. Si Andrei talaga. Minsan may pagka-OA tsaka pagkadrama.
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Fiksi RemajaIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...