Denisse's POV
Binuksan ko ang gate ng bahay at pumasok na sa loob. "Tita! Nandito na po ako!" Sabi ko at inilagay ang bag sa upuan.
"Denisse! Kamusta? Okay ba ang BNI? Yung mga teachers? Mababait ba? Eh 'yung mga kaklase mo? Friendly ba sa'yo? Hindi ka ba inaaway? Ano?"
Natawa na lang ako sa naging bungad ni Tita. May hawak pa siyang sandok.
Umupo ako sa sofa para tanggalin ang medyas at sapatos ko. "Okay naman po."
Tinabihan niya ako. "Ano'ng okay lang? Dali! Magkuwento ka na!"
Lah? Sasabihin ko kaya sa kanya? Na 'ganon' ang mga school mates ko? Hays... Baka ilipat niya pa ako ng ibang school kapag sinabi ko dahil paniguradong mag-aalala siya. Abala pa.
"Ahm... Malawak po 'yung BNI. Naligaw pa nga po ako habang hinahanap ko 'yung room ko eh."
"Eh nagtanong ka naman ba?"
Napasimangot ako nang maalala ko 'yung pinagtanungan kong babae. "Oo naman siyempre. Hmp. Mataray naman 'yung--" Tumigil na ako bago pa ako makapagsabi.
Napakunot siya ng noo. "Mataray 'yung ano? 'Yung pinagtanungan mo?"
Kaagad akong umiling. "H-hindi po sa gano'n! Ahm..." Isip Denisse! Isip! "Akala ko po kasi mataray 'yung pinagtanungan ko. Mabait naman po pala." Napakagat ako ng labi. Hays!
Napatango siya.
"Ah Tita? Ano hong niluluto niyo? Baka masunog." Sabi ko para sa iba mabaling ang atensyon niya.
"Ay oo nga!" Napatayo siya at kaagad na pumunta ng kusina.
Inilagay ko ang sapatos sa shoerack na ipinagawa ni Tita noon at dumiretso ng banyo para makapagbihis.
"Hmm! Sarap!" Sabi ko at sumubo ulit ng isa.
"Tsk! Siyempre! Ako pa ba? Hindi mo ba alam na ako ang pinakamasarap magluto ng menudo sa bahay na ito?"
Napakunot ako ng noo. "Sa bahay na ito po?"
Tumango siya at sumubo ng niluto niya.
Sa bahay na ito? Eh kaming dalawa lang naman ang nakatira dito ah? Tsaka... hindi ako marunong magluto ng menudo.
Bahagya na lang akong natawa at nagpatuloy sa pagkain.
"Marami ka na bang naging ka-close doon? Kaibigan?"
Nginitian ko siya. "Meron po."
"Hay salamat!"
Natawa ako sa naging reaksyon ni Tita. Tsk! Minsan nagiging OA din 'to eh. "Andrea po ang pangalan niya." Sabi ko at napatango siya.
Mabuti na lang at may nakilala ako kaagad kung hindi ay mahihirapan din siguro akong makapag-adjust.
"May kakambal pa nga po siya eh."
"Oh?"
Tumango ako. "Opo. Si Andrei."
Napairap naman ako nang maalala ko si Leonard a.k.a. Mr. Mute. Parang pipi kasi. Ayaw magsalita.
"Siguro maraming gwapo doon, 'no?"
Kumunot ang noo ko t nagkibit balikat.
"Yiiiee! Marami 'yon! Sure ako kahit hindi mo sabihin! May crush ka na doon?"
Umiling ako. "Wala ho." Oo. NAPAKARAMING gwapo sa BNI pero NAPAKAPANGIT ng mga ugali nila for sure.
"Weh? Si Andrei? Nagwagwapuhan ka sa kanya?"
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...