Chapter 19: Party

72 7 3
                                    

Denisse's POV

"Saan daw ba ang venue?" Tanong ni Tita na nasa kusina at naghahain ng hapunan.

"Sa bahay po nila Prince." Sagot ko. Hmm. Ano'ng oras na ba? Tumingin ako sa wall clock. Yes! 8:26 pm na!

"Tita! Malapit na pong mag-8:30!" Tawag ko sa kanya.

"Naku! Sige! Malapit na ito!"

Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kusina para tulungan siyang maghain.

Inilagay namin ang mga plato at mangkok na naglalaman ng ulam sa center table sa sala. Nagsandok na rin ako ng kanin.

Nakagawian na namin ni Tita na kumain habang nasa harap ng T.V. kapag may inaabangan kaming palabas. Paminsan-minsan lang naman eh kaya sabi ni Tita, okay lang.

Excited kong inilipat sa AXN ang channel. Manonood kami ng Asia's Got Talent! Nanonood ba kayo nun?

Second batch na ng semi-finalists ang ipapalabas ngayon.

"Inaabangan ko talaga kung makakapasok si Neil sa grand finals." Sambit ni Tita. Si Neil 'yung nagbi-beatbox.

"Ako rin po Tita." Tugon ko. "Pati po 'yung illusionist na nakakatakot."

Umayos ako ng upo at hinintay mag-appear si Anggun o si David Foster o si Jay Park sa screen tapos sasabihin nilang, "Asia's Got Talent is up next here on AXN."

Pero bakit ganun?! Iba ang palabas!

"8:38 na ah. Bakit wala pa rin." Sabi ni Tita habang nakatingin sa T.V.

Tsaka ko naalala. "Hallah! Tita! Friday pala ngayon!"

Napatingin siya sa akin at napakunot ng noo. "Oh? Tapos?"

Napanguso ako. Hays! "Every Thursday lang po sila nagpapalabas ng new episodes eh."

"Ay ganun? Tsk. Sayang. Hindi natin napanood kagabi. Sayang."

Tumango ako. "Oo nga po eh."

Inilipat na lang namin sa ibang channel tulad ng CinemaOne o kaya MYX at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ano bang apelyido ni Prince?"

"Asuncion po." Sagot ko.

"Ah ganoon ba? May kakilala din akong Asuncion dati. Nakalimutan ko na ang pangalan. Kaibigan ng Daddy mo."

Napatango ako. Ayaw kong pinag-uusapan si Daddy.

"Mayaman ang mga Asuncion. Ang tinutukoy kong kaibigan ng daddy mo ay nagsilbing pulis na nasa mataas na rango."

Tumango ulit ako at sumubo ng pagkain. Hindi na ako nag-abalang sumagot pa.

Pansin ko din ang pagtahimik ni Tita. "Uhm, siya nga pala, ano'ng isusuot mo bukas?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Simple lang pong dress at doll shoes Tita."

"Oh sige. Ako na ang magpaplantsa."

Umiling ako "Ako na ho."

"Hindi. Ako na. Gawin mo na lang ang assignments mo."

Tumango na lang ako. Pwede ko namang gawin sa Linggo eh pero bayaan niyo na.

Ayaw ko talagang pinag-uusapan si Daddy. Tinatanong niyo kung galit ako sa kanya?

Obvious ba?

OO.






Kinabukasan

"Denisse! Mga kaibigan mo ba ang nasa labas?"

Lumabas ako ng kwarto at tumingin sa labas. "Ay opo Tita. Si Andrea po tsaka si Andrei." Mas lalo kong binilisan ang pagkilos.

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon