Chapter 9: Para sa Team Sawi!

91 7 0
                                    

Denisse's POV

"Uy bukas na magcecelebrate. Punta ka ah?"

Tinignan ko si Andrea at tumango. "Sige." Natawa ako. "Saan daw ba?"

"Hmm, sabi ni Kuya, sa Winter Resto and Video oke Bar daw. Maganda dun!" Napapalakpak pa siya.

"Ah, oh sige, sige. Anong oras?" 'Di pa ako nakapunta roon kasi naman hindi ako masyadong gumagala. Daily routine ko na ang pagpasok sa eskuwela at pag-uwi sa bahay pagkatapos.

"Hmmm, mga 11:30 a.m. para saktong lunch ay nandoon na tayo. Masarap ang mga pagkain nila doon." Nakangiti niyang sabi. "And susunduin ka na lang namin sa bahay niyo. Okay lang ba?"

Tumango ako. "Sige. Salamat."

"Good!" Tumingin naman siya sa likod kung saan nakaupo si Prince.

"Hey, Prince?" Pagtawag pansin ni Andrea.

"Yeah?"

Kumuha na lang ako ng libro sa bag at nagbasa para sa quiz namin kay Ma'am Aclo.

"I just want to invite you for Andrei's special celebration tomorrow, Saturday. Do you want to come?"

"Hmm. What celebration?"

"Oh. Personal things, lovelife specifically. Hehehe. Sa Winter Resto and Video oke bar. 11:30 a.m. Ano?"

"Are you sure tatanggapin ako ng kapatid mo? Hahaha!"

"Of course! Kung hindi ay suntok ang makukuha niya sa celebration niya!"

"Hahahaha! Sure! Sure!"

Napapalakpak si Andrea. "Yey! That's great!" Kinulbit niya ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh?"

"Pupunta daw si Prince!"

Tumango ako at pilit na ngumiti. Oo Andrea. Narinig ko. "Gano'n ba? Mabuti naman."

"Yey! The more the merrier!" Umakto siyang nagbibilang sa daliri. "One... Two... Three... Yey! Five tayo bukas ha!"

Tumango ako. "Lima? Sino 'yung isa?"

Si Andrei, Andrea, Prince at ako lang ang alam kong sasama. Sino 'yung isa? Baka mama nila!

"Duh! Who else but Leonard Nickson!"

Napatango ako. Ahh. Siya naman pala. Akala ko kung sino na. Tsk.

"So okay na? Bukas ah? 'Wag niyong kakalimutan. Susunduin kita sa bahay niyo. Tell me your address later na lang okay?"

"Sige."

'Di naman siguro halatang excited si Andrea 'no?

Sila lang ng kapatid niya ang alam kong nagcecelebrate tungkol sa pagiging sawi.


Kinabukasan...

"Beep! Beep! Beep!"

"Denisse! Nariyan na ang sundo mo!"

Inilapag ko ang suklay sa mesa at dali-daling kinuha ang sling bag ko. "Opo! Papunta na po!"

Pumunta ako kay Tita para magpaalam. "Tita, alis na po ako."

"Oh sige. Ingat kayo doon at enjoy! And Denisse, huwag na huwag kang magpapaabot ng gabi ha?"

Tumango ako. "Opo tita."

"At! Huwag kang susubok na uminom ng alak! Sige ka! Ayaw ko ang maglalasing ka na sa ganyang edad ha?"

Natawa ako. "Opo tita. Promise."

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon