Chapter 18: Suspense

64 5 0
                                    

Denisse's POV

Dumaan pa ang tatlong araw. Biyernes na sa wakas! Yehey!

Nakaupo kami ni Andrea rito sa isang bench na malapit lang sa building ng room namin. Tutal, wala naman kaming masyadong ginagawa kahit vacant, napili naming lumabas muna ng room.

Kasama pa nga namin si Prince na lumabas eh kaya lang tinawag nila Paolo at Jeffrey, kaklase namin, para maglaro ng mini militia. Tsk. 'Di pa rin sila nagsasawa dun?

"Uy Denisse, ano'ng ginagawa mo kapag Friday?" Sabi ni Andrea habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad.

"Hmm, siyempre pumapasok ng school tsaka nakikinig sa mga discussions ng teacher." Tinignan ko siya. "Ikaw ba?"

Nagkibit balikat siya. "Eto. Nag-aantay ng Saturday."

Napangiwi ako. Tsk. Parehas rin pala kami. Hehe. "Eh ano namang ginagawa mo kapag Saturday?"

"Nag-aantay ng Sunday."

Napatango-tango na lang ako. "Ahh. Okay. Eh ano namang ginagawa mo kapag Sunday?"

"Nag-aantay ulit ng Saturday." Napanguso siya.

Bahagya akong natawa. Hindi naman halatang ayaw niya tuwing weekdays eh 'no?

Haha.

"Uy punta ka sa birthday party ng kapatid ni Prince ah?"

Tumango ako. "Siyempre naman. Pero magpapaalam muna ako kay Tita."

"Hmm. Okay. Gusto mo bang sunduin ka ulit namin? Tutal, 'di mo naman alam bahay nila Prince eh. Ako rin naman. Sila Andrei lang naman ang nakakaalam kasi dati pa pala sila magkakilala."

Nginitian ko siya at tumango. "Sige. Salamat."

"Tsk. Speaking of magkakilala, ba't ba ayaw nilang magkwento tungkol sa past nila?" Napahalukipkip siya at napanguso. "May masama ba kung ikukwento nila 'yun? Wala naman di'ba? It's like they're hiding some dirty secrets from their past."

"Uy! Paano ba kayo nagkakilalang tatlo?" Pag-iiba ni Andrea ng usapan. "Hindi ko naman nakikita si Prince dati eh."

"It's a long story." Sabi ni Leonard kaya't lahat kami ay napatingin sa kanya. "You don't want to hear it."

"But I want to! Please! Sige na! Ikukwento niyo lang naman eh."

Napabuntong hininga si Leonard at tumingin sa akin.

"No."

"What? Sige na kasi ah! Why are you hesitating to tell us?" Pangungulit ni Andrea.

Napabuntong hininga si Andrei. "Li'l sis naman---"

"Don't call me li'l sis! Sabihin niyo lang namam eh! Pweasse! Ba't ba ayaw niyong sabihin? Nakapatay ba kayo dati? Ha? May sikreto bang dapat ibunyag?"

Napahilamos ng mukha si Andrei. "Andrea naman---"

"Sige na! Paano lang naman kayo nagkakilala eh."

Si Prince ang sumagot. "Okay. Okay. Tsk. Ang kulit mo rin pala."

"At least, nakatulong 'tong pagiging makulit ko." Napangisi si Andrea.

"Kindergarten palang kami, magkakakilala na kami. Siyempre hindi mo pa ako nakikita noon dahil magkaiba tayo ng pinapasukan na school. You went to an all-girls school right?"

Tumango Si Andrea.

"I never went to Andrei and even Leonard's house because my mom won't let me. I cried a lot because of that. Ang lagi nilang sagot is ayaw nilang mapahamak ako. Hindi ko sila maintindihan. And few years back, something... happened."

Nanliit ang mata ko. "Ano'ng nangyari?" Nagkatinginan kami ni Andrea dahil sabay kami sa pagtanong.

"M-may nangyari kaya umalis ako ng bansa." Sagot ni Prince.

"Bakit? Ano ba talagang nangyari?"

Tahimik lang kami habang hinihintay ang sagot kung kanino man manggagaling. Suspense? Check.

Tumayo si Leonard at pumihit patalikod. "You'll be scared if we tell you."

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko rin eh."

Napailing na lang ako at muling tumingin sa mga dumadaang estudyante.

"Kainis naman kasi. Ano bang mahirap sa pagkukwento." Napabuga siya ng hangin. "Ang KJ talaga nila. Lalo na si Leonard."

Tumango ako. Pati ako ay nacucurious na sa nangyari dati kahit wala naman akong kinalaman doon. Para bang nagbabasa ka ng story sa wattpad na on-going palang tapos mangungulit ka sa author tungkol sa next update dahil gusto mo nang malaman ang sunod na nangyari pero hindi mo alam kung kailan siya magpopost. Pasuspense!

Tumingin ako sa relos ko at tumayo. "'Lika na. Malapit nang magtime. Baka dumating na si Ma'am at masaraduhan pa tayo ng pinto."

Tumango siya at tumayo na rin. "Sige. 'Lika na."







Prince's POV

Naglalaro kami ng mini militia dito sa loob ng room nang may tumawag sa cellphone.

Tumayo ako. "Hey, I'll just go out." Sagot ko at tumango sila.

Lumabas ako ng room at sinagot ang tawag.

"Yes Dad?"

[Hey Prince. I just want to make sure kung makakapunta ba 'yung mga kaibigan mo bukas?]

"Yes Dad. Umoo na sila."

[Well that's great. Gusto ko na ring makita ulit sila Leonard at Andrei. I also want to meet your new friends. Ano na nga ulit pangalan nila?]

Napatingin ako sa baba kung saan makikita ang mga estudyanteng palakad-lakad lang. Sa tabi naman makikita ang dalawang babaeng nakaupo sa bench. Napabuntong hininga ako.

"Don't worry Dad. Ipapakilala ko rin sila sa inyo. Don't be excited." Pinilit kong matawa. "Or else..."

[Or else what?]

"Baka atakihin ka lang sa puso Dad." Mas pinilit kong matawa sa pagkakataong ito. Nakatingin lang ako sa ibaba. Particularly, sa kanya.

[Tsk. Ikaw talaga. O sige na. May gagawin pa ako.]

"Okay Dad. Bye."

[Bye.]

After that, I hung up. Nanatili pa rin ang tingin ko sa kanya. Nangungulila siya sa isang buong pamilya. Nangungulila sa isang ama.

Ako, wala na ang biological father ko ngunit nagkaroon naman ako ng ama na kaya kaming tanggapin at ituring na tunay niyang anak. Kaya niya kaming mahalin kahit na hindi kami magkadugo kahit nangungulila din siya sa kanyang tunay na anak na ilang taon na niyang hindi nakikita. Lagi niyang ikinukwento sa akin ang tungkol sa anak niya pero kahit ni minsan, hindi ko magawang mainggit. Sino ba naman ako para mainggit? Tunay niyang anak ang pinag-uusapan. He even gave a doll to my little sister and named it after his first daughter. I understand him. He's been longing for his daughter but blames himself for it. I understand him.

My attention is still at her.

Pero nalulungkot ako from the mere fact na imbis na siya ang masaya sa pagkakaroon ng sariling ama, ako ang lumalabas na mang-aagaw. Ako ang nakakaramdam ng pagmamahal ng isang ama na dapat sana ay siya ang nakakaramdam.

Matagal na sanang natapos ang pangungulila niya kung sinabi ko na sa kanya ang totoo noon palang. Alam ko na.

Am I selfish? I don't know.

Sasabihin ko naman sana eh but I believe na there's a right time for that.

And I think, tomorrow is the right time.

---------------------------------------------------------------

Hi! Ang tagal ko ding hindi nakapag-update. Hehe. Okay lang ba ang chapter na ito? Hahabaan ko pa sana or dadagdagan pero minadali ko na dahil may group project pa kaming gagawin. Letse.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you!❤❤❤

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon