Denisse's POV
"Mommy? Kilala niyo na po si Prince?" Tanong ni Andrea na kaagad namang tinanguhan ni Tita Candy.
"Of course! Ang liit niya pa nga noon nung last ko siyang makita! Look at you, Prince. All grown up."
"It's nice to see you again Tita." Nakangiting sabi ni Prince.
Pagkatapos ng mga batian nilang dalawa ay nagpaalam na si Tita Candy para gumawa ng pagkain o meryenda naming lahat. Ang bait niya 'no?
Sila Andrei naman ay pumunta sa kwarto niya.
"Ano kayang ginagawa nila Kuya doon?" Tanong ni Andrea habang nagtitipa sa laptop niya. "Tsaka ngayon lang ba talaga pumunta dito si Prince?"
Nagkibit balikat ako kasi hindi ko naman alam ang sagot diyan sa mga tanong niya.
"Lah!" Napakamot siya ng noo. "Malapit nang malowbat 'yung laptop."
"Eh di i-charge mo." Sagot ko naman at nagsulat sa papel.
"Ha. Ha. Ha." Napabuntong hininga si Andrea tsaka tumayo. "Wait lang ha. Kunin ko lang 'yung charger."
Tumayo na rin ako. "Sama ako Andrea."
"O sige. Halika." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na.
Umakyat kami sa second floor dahil nandoon ang room niya pati 'yung room ni Andrei.
Inilibot ko ang paningin ko. Wow! Ang ganda talaga ng bahay nila! Pag-akyat mo sa second floor ay merong mga sofa sa gilid kung saan pwedeng tumambay o magkuwentuhan.
"Over there..." Tinuro ni Andrea ang kanan. "Doon 'yung entertainment room. Pwedeng maglaro ng games like XBOX or what. Diyan din kami minsan nanonood ng movies. Nagpabili pa nga si Kuya ng billiard set eh. 'Kala mo naman pang Efren 'Bata' Reyes ang skills! Hahaha!"
Napapailing na lang ako sa pang-aasar ni Andrea sa kapatid.
"And over there naman ay ang C.R."
Naglakad kami sa kaliwa at binuksan niya 'yung pangalawang pintuan. Iyon pala ang kwarto niya.
"Welcome to my room." Sabi niya tapos pumunta sa study desk niya.
Kulay redpink ang room niya. Ang ganda! May mga stuffed toy na nakadisplay. Karamihan Hello Kitty tapos My Melody. May mga barbie dolls din sa itaas ng Shelf na hindi pa nailalabas sa kahon. Napukaw din ng atensyon ko ang mga bagay na nagpapatunay sa pagiging k-drama addict at k-popper ni Andrea.
May talong poster na nakadikit sa dingding. EXO, BTS, GOT7. 'Yan 'yung mga nakalagay doon eh.
"Eto na!" Lumapit sa'kin si Andrea hawak 'yung charger ng laptop. "Baka pinakialaman na naman ni Kuya kaya kung saan nakalagay. 'Di ko tuloy nahanap kaagad."
Tumango ako at tinignan ulit ang kwarto niya. "Ang ganda ng room mo. Tsaka sino 'tong mga 'to?" Tinuro ko 'yung tatlong poster.
Kaagad niyang nilapitan iyon at ngumiti ng pagkalawak-lawak. "They are the members of BTS namely Suga, J-hope, Taehyung, Rap Monster, Jin, Jimin, and Jungkook! And sila naman ang EXO. Twelve sila dati pero nabawasan ng apat. Tsk. Tsk. Tsk. Anyway, this is Kai, and then Chanyeol, Baekhyun, Sehun, Suho, D.O., Chen, and Xiumin. And last but will never be the least, Got7!" Itinuro niya ang nasa gitna na poster. "Obviously, they are seven members in the group. Got7 is a multinational group. Jackson Wang is from Hongkong, Bambam from Thailand, Mark Tuan came from California but Taiwanese-born, Yugyeom, Jaebum, Jinyoung, and Youngjae are from South Korea."
Napapatango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya kahit ni isa ay walang in-absorb ng utak ko. Ang dami niyang pangalang sinabi! "Ah gano'n ba?"
"Yup! They're very handsome 'no?"
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Genç KurguIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...