Chapter 43: Overdosed

50 6 0
                                    

Andrei's POV

Napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto ni Denisse.

Nakumpirmado ngang naoverdose siya ng acema-acemita-acemanito-acema- whaaat?

Ah basta 'yun.

Ngayon naman ay binigyan na siya ng gamot para doon.

"She needs to be treated right away." Sambit ng doktor sa Tita ni Denisse. "She'll take N-acetylcysteine or NAC. This will help prevent liver failure and more complicated effects. Mabuti na lang ay nadiagnose natin kaagad. Kung pinaabot pa ito ng more than 24 hours, mas malala pa ang mararanasan niyang simptomas. Maaaring magkaroon ng liver failure na maaari niyang ikamatay."

Nagpalakad-lakad ako dahil ano na bang gagawin ko?

F*ck! Halata namang may kung sinong sinubukang lasunin siya eh pero saan niya nakuha 'yun? Tsk. Hindi siya iinom ng mahigit 4000 miligrams ng letseng gamot na 'yan.

Tinatanong ko din si Andrea pero ayun. Tulala naman at hindi makausap ng maayos. Psh.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at hinanap ang pangalan niya sa contacts. Ginawa ko na 'to nung isang araw pero 'di ko akalaing pangit ang kinalabasan. Gagawin ko ulit 'to ngayon baka sakaling matauhan siya.

[Hello?]

"Oy Prince "

[Ano?]

"Hindi ba kasama mo si Leonard?"

[O bakit ba?]

Napakamot ako ng ulo. Sana naman makapag-isip ng matino 'yung lalaking 'yun. Pucha.

"Kailangan niyong pumunta sa hospital."

Napabuntong hininga ako.

[Why? What happened?]

"Si Denisse tol, sinugod namin dito."

[F*ck. We'll be right there.] Binabaan ako ni hudas.

Putek na 'yan. Baka makagawa na naman ako ng mali. Tsk. Nakakaguilty nga 'yung pagtawag ko kila Denisse noon eh. Nadamay pa siya.

I texted the name of the hospital to Prince para naman alam niya kung saan siya pupunta.

Tsk. Malaking problema 'to. Kung sinubukan ngang lasunin talaga si Denisse, si Julius lang ang gagawa no'n. Bukod sa kanya ay wala na akong maisip na nakaaway niya. Tsk. Kailangan ko na talagang matanong ang kakambal kong kanina pa tulala.

"Hoy!" Kinalabit ko siya pero siya naman ay nakatingin lang sa cellphone niya.

Ano bang problema nito?

"Andrea!"

Dahan-dahan niyang ipinaling ang ulo sa gawi ko. "Oh?"

Umupo ako sa tabi niya. "Problema mo?"

Umiling siya. "W-wala."

"Hoy. Ano nga? Baka sumabog ka diyan kapag kinimkim mo 'yan."

Napakunot ako ng noo nang may pumatak na luha sa pisngi niya. "Teka. Ba't ka ba umiiyak? Magiging maayos din si Denisse. Siya pa ba? Eh lodi ko 'yun eh!"

Tinignan niya ako. "Kasalanan ko ba?"

"Ang alin?"

"Na nandito siya?"

Kaagad akong umiling. Hay nako. Nababaliw na yata 'to.

Ay mali pala. Dati na siyang baliw.

"It's not your fault okay? Don't cry. Baka may mga tao lang na... gustong gawan siya ng masama."

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon