Chapter 32: All About The Past

57 9 1
                                    

Denisse's POV

"What?! Really?!"

Napatakip ako ng tenga. "Tsk. Ano ba Andrea? Ang lakas ng boses mo." Sabi ko at napaupo naman siya.

Sinabi ko sa kanya na si Leonard ang sumusunod sa akin noon. And about kay Daddy? Well, I chose not to talk about it yet.

"Sorry. Ehem." Napakamot siya ng ulo. "Ahm, is that true? Seryoso?"

Tumango ako. "Seryoso."

"Huh. He should have an explanation for that. He should have."

Tumango ako. Tama. Kailangan niyang magpaliwanag. Kung wala siyang maayos na dahilan, pwede siyang mapagkamalang stalker o kaya naman eh... kidnapper?

"Ang tagal naman ni Prince." Sambit ni Andrea. "Kung saan-saan pumupunta. Tsk."

Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo.

"Namimiss ko na tuloy siya." Mahinang sambit niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko habang siya naman ay nakatingin lang sa bracelet niya. Nagpaalam kasi saglit si Prince at may kakausapin daw. Hays. Baka matagalan na naman 'yun. At may sasabihin rin pala ako sa kanya... tungkol kay Daddy.

"Namimiss kaagad?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin at umiling-iling.

"Ha? 'Yon ba ang nasabi ko? Hindi ah." Nag-iwas siya ng tingin. Ahh. Okay.

Napatingin naman ako sa bulsa ko nang tumunog ang cellphone ko.

1 text message received.

Napabuntong hininga ako at binuksan iyon.

Prepare for a ride to hell. You'll never like it.

-J

Sent by: 09555123093

Napakunot ako ng noo at kinabahan. "A-ano 'to?" Sambit ko habang nakatingin pa rin sa screen.

"Ha? Patingin." Lumapit sa akin si Andrea at binasa ang text message. "Putek. 'Yan na naman ba 'yung nagpapadala sa'yo noon?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Pero... iba 'yung number."

"Gosh. Baka ibang tao na naman 'yan Denisse. That message is weird!"

"What's weird?"

Napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses. Sila Andrei, Prince, and Leonard. Makakalimutan pa ba natin si Amber?

"Here. I brought you milk shakes." Nakangiting sambit niya kaya't lahat kami ay nagpasalamat.

"Thanks Amber. You're milk shakes are the best!" Nagthumbs-up si Andrea bago uminom.

Ngumiti naman si Amber. "Salamat."

"Ano'ng message?" Pagtatanong ulit ni Prince.

"Eto kasi oh. May nagtext kay Denisse. Ugh."

Lahat sila ay napatingin sa akin kaya't bumuntong hininga ako at pinakita ang cellphone ko.

"Prepare for a hell ride. You'll never like it." Pagbabasa ni Andrei. "J?"

Nagkatinginan ang tatlong lalake. "Who's J?" Tanong ni Andrei at napalingon sa akin kaya't nagkibit balikat ako.

"Did this number send you messages a couple of times?" Tanong naman ni Prince na inilingan ko.

"Tingin ko pang-unang beses 'to."

"Yeah, and may isa ring unregistered number na nagtetext sa kanya noon ng ilang beses. I thought he is a secret admirer. I don't know."

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon