Denisse's POV
Iminulat ko ang mata ko at nagpalinga-linga sa paligid. Puti. Puro puti. Naglakad pa ako ngunit parang walang patutunguhan ang paglalakad ko. Puro puti. Ahh... mga ulap.
Nanlaki ang mata ko sa napagtanto at muling luminga sa paligid. Nasa langit na ba ako?
"Denisse!"
Napalingon ako sa likod at gayon na lamang ang naramdaman kong tuwa nang makita si Daddy... at si Mama!
"Mama! Daddy!" Sambit ko sabay takbo papunta sa kanila upang sila ay yakapin. "Namiss ko po kayo... Masaya po akong magkakasama po ulit tayo..."
Ngumiti si Mama. Isang bagay na miss na miss ko na talaga. "Kami rin, anak. Miss na miss ka nga namin eh. Napakasaya ko dahil masaya ka."
Tumango ako. Siyempre masayang-masaya ako! Nakita ko na ulit sila! Dati ko pa pinagdarasal 'yun!
"Denisse," Tinignan ko si Daddy. "Masaya kaming makasama ka ngayon."
"Ako rin po Daddy. Napakasaya ko pong nabuo ulit tayo. Sana po 'di na matapos 'to. Gusto ko po kayo palaging kasama." Tugon ko. Hindi matigil ang ngiti ko dahil sa sobrang tuwa. Ang gaan ng pakiramdam ko.
Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Maniwala ka Denisse. Napakasaya naming makasama ka rito pero..."
Napakunot ako ng noo. "Pero po ano?"
Nagkatinginan pa muna silang dalawa bago sumagot si Daddy. "Limitado lamang ang oras mo dito."
"Ho? Ano hong limitado? Bakit po? Gusto ko po kayong makasama!" Sagot ko.
"Pero Denisse, hindi pa ngayon ang oras mo..." sabi ni Daddy na kaagad ko namang inilingan.
"'Di po ba pwedeng dito na lang ako? Magkakasama po ulit tayo."
Ngiti ang itinugon ni Mama. "Hindi muna ngayon, Denisse. May oras para diyan. Isa pa, makakaya mo ba silang iwanan?"
May itinuro siya sa baba at nakita roon ang mga kaibigan ko. Ang mga taong nagmamahal sa akin. Si Andrea, Andrei, Tita Marissa, Prince, at si... Leonard.
Lahat sila ay umiiyak.
"Ayaw mo silang nakikitang umiiyak, di ba?" Tanong ni Daddy at tumango ako.
"Siguradong iiyak sila kung mawawala ka." Dagdag naman ni Mama. "Kaya mo ba silang hayaang umiyak na lamang dahil sa pagkawala mo?"
Napabuntong hininga ako. May magbabago ba kung mawala ako? Hay...
"Mahal ka nila Denisse." Napatingin ako kay Mama. "Alam kong alam mo 'yon. Huwag kang malungkot kung 'di mo muna kami makikita ni Daddy ha? Isipin mong lagi ka naming binabantayan at lagi mo kaming kasama, ha?" Puro tango ang itinugon ko. "Pero sa ngayon, kailangan mong bumalik para ipagpatuloy ang buhay mo at para na rin sa mga taong nagmamahal sa'yo."
Ngumiti ako at muling tumingin sa ibaba. Ngayon ko lang narealize na ang selfish ko pala kung iiwan ko sila. Ayaw ko silang makitang umiiyak. Sa kanila ko naramdaman ang tunay na saya at sa kanila ko naranasan ang mga bagay na mas lalong nagpatatag sa'kin.
Muli akong tumingin kila Mama at Daddy at niyakap ko sila. Mahigpit na para bang ayaw ko nang humiwalay sa kanila. "Gusto ko po talaga kayo makasama..."
"Denisse! Huy!"
Kaagad akong napamulat at nagkusot ng mata. "Ha?"
Napamewang si Andrea sa harap ko at napanguso. Ano bang nangyari? Anong meron? "'Di ka naman nakikinig eh!"
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...