Denisse's POV
Hinatid na ako ni Prince matapos ang dinner. Nagpresinta si Daddy na siya na lang ang maghatid pero tumanggi na ako kasi halatang pagod siya. Pagkagaling niya kasi sa trabaho ay diretso kaagad siya para maghanda para sa dinner. So pagod siya. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako sa kanya.
Itinigil na ni Prince ang sasakyan pagkarating sa tapat ng gate. Alas- nuebe na pala ng gabi.
"Salamat kasi pinagbigyan mo kami." Sambit ni Prince.
Nginitian ko siya. "Thnak you din ha kasi winelcome niyo 'ko ng maayos. Pasabi rin pala kay Tita Queenie na... uhm, salamat sa pag-aalaga kay Daddy."
Mas napangiti siya matapos marinig iyon. "Ahm, Denisse, I don't want to spoil the moment but, I thought about this about a million times..."
Napakunot ako ng noo. "Ano ba 'yon?"
Napakamot siya ng ulo at bumuntong hininga. "Denisse, can I court you?"
Nanlaki ang mata ko at napalunok. Sh*t. Ano bang gagawin ko? Ano bang dapat irespond? First time ko lang 'to! Hindi ako sanay! Patulong naman pwede?!
Huminga muna ako ng malalim at napayuko. "Prince, I'm..." Hooh. "I'm sorry." Tinignan ko siya at nakakunot ang noo niya.
Pinilit niyang ngumiti. "Why?"
"Prince, totoong gusto kita. I like you..."
"Pero?" Tanong niya.
"P-pero..." Fudge! Paano ko ba sasabihin sa kanya?! "Di'ba parang masyado pang mabilis? Tsaka... naguguluhan na kasi ako." Hooh. Kalma lang Denisse. 'Yung puso mo, baka biglang sumabog.
Argh. Ngayon alam ko na kung ano 'yung nararamdaman ng mga nababasa ko sa mga kwento. Sana daw lamunin na sila ng lupa. Pwede bang ako rin?
"Naguguluhan saan?"
Argh. Akala ko magegets niya na. "Naguguluhan na ako sa feelings ko. Sorry Prince. Ayaw ko lang kasing paasahin ka."
There, there, Denisse. There, there.
Ngumiti si Prince na nakapagpabawas ng kaba ko. "It's alright Denisse. I'm alright. I understand what you're trying to say."
Napanganga ako. "Talaga? G-gets mo 'ko?"
Tumango siya at bumuntong hininga saka sumandal sa upuan. "Noon ko pa napapansin. The way you look at that person, the way you react when that person is around, napapaisip na lang ako palagi and conclusions are forming in my head pero ayaw ko lang tanggapin. But I have to, right? Hindi mo lang siguro napapansin na may kakaiba na pala."
Napabuntong hininga ako. Nagiguilty ako. Putek. "Ah... Prince, sana hindi dito matapos 'yung pinagsamahan natin ah? Tsaka 'wag kang magagalit sa'kin."
Ngumiti siya. "Of course. Ako pa ba? But I wish you'll be happy with him. Are you sure he feels the same for you?"
Napalunok ulit ako at umiling. "Hindi. Hindi ako sigurado. Pero ganun naman talaga di'ba? Susugal ka muna para malaman mo."
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko para halikan sa noo. Napapikit ako. I'm sorry, Prince. Sana ikaw na lang.
"I'm happy for you. I am thankful you're being honest with me." Sambit niya at siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. "Ganito pala ang feeling na mabasted. Haha."
Hindi man lang ako mapangiti dahil nakokonsensiya na ako. Tama naman ang ginawa ko di'ba? Di'ba?
Matapos no'n ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Buti na lang gising pa si Tita. Kinamusta niya ang nangyari at sinabi ko naman na okay lang. Masaya at nabusog ako sa mga pagkain. Pinaaalahanan niya rin ako na respetuhin sila Daddy at Tita Queenie. Bakit kaya gano'n? Ba't ako ba dapat 'yung mag-aadjust?
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Teen FictionIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...