Denisse's POV
Pilit kong ibinukas ang talukap ng mata ko. Puro puti. Pikit-dilat ang ginawa ko hanggang sa luminaw ang paligid.
Nasaan ako?
Napatingin ako sa gilid at nakita ko doon si... Leonard. Nakasandal siya sa upuan at nakapikit ang mata.
Ano bang nangyari? Bakit ako napunta dito? Ano'ng ginagawa ni Leonard dito?
Tsk. Nakakapagod mag-isip.
Napalunok ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Napabuntong hininga ako at naupo ng maayos. Yumuko ako at pinunasan ang luhang tumulo.
Ang hirap maging ganito. Ang hirap na hindi ka kalevel o kasingyaman nila. Ang hirap na hindi ka nila tanggap.
"Denisse?"
Napaangat ako ng tingin at nakita kong tumayo si Leonard at naglakad palapit sa akin.
"Are you okay? Are you hurt? Tell me."
Hindi ako nakasagot kaagad. Bakit ganito? Biglang kumabog ang puso ko? Dahan-dahan akong tumango. "Oo."
Napatango siya at tinignan ako sa mata. "Okay. Thank goodness."
Umiwas ako ng tingin. "Salamat pala ha."
"Yeah sure. You're welcome" Nagkibit balikat siya.
Tinignan ko siya at nginitian. "Salamat talaga. Kung hindi dahil sa'yo..."
"Tss. Shut up. I said 'you're welcome' already." Umiling siya. "Aalis na ako. Next time, ipagtanggol mo naman 'yang sarili mo. Hindi sa lahat ng oras ay lalabas ang isang superman para protektahan ka. Don't be weak. Tss. Nakakapagod din ang magligtas at magprotekta ng isang katulad mo." Sabi niya at tuluyan na ngang umalis.
Napabuntong hininga ako at ang kaninang ngiti ay nawala na. Napasimangot ako dahil sa inis. Tss.
Mali pala ang inaakala ko. Akala ko may pakialam din siya sa akin. Akala ko poprotektahan niya ako sa kahit na sino. Ang hirap talaga ang maraming akala.
Sabi niya nakakapagod daw. So nakakapagod na ba akong protektahan? Nakakapagod na ba akong maipagtanggol?
Napakagat ako ng labi. Siguro nga. Kaya lahat ng akala kong magmamahal at poprotekta sa akin ay iniwan lang ako.
Si Mama... Si Daddy... Tsk. Si Leonard at si Daddy, parehas lang sila. Mang-iiwan at mabilis sumuko.
Nakalimutan ko nga pala. Ganyan silang lahat na lalake. Pwe.
Pero ako rin ang may kasalanan. Ginawan ko ng ibig sabihin ang mga ginawa ni Leonard. Nadismaya ako. Ano nga ba ako sa kanya?
WALA!
Napailing ako. Nakakabwisit siya. Nakakabwisit siya.
Tumayo ako at nagpaalam na sa nurse na nagbabantay. Dalawang oras din pala akong walang malay. Sinabi kong okay na ako.
Nakasimangot akong umalis dahil nabibwisit talaga ako kay Leonard.
Nakakabwisit ka. Nakakabwisit ka. Nakakabwisit ka. Nakakabwisit ka.
"NAKAKABWISIT KA!"
Kaagad akong napatakip ng bibig. Argh!
Napatingin sa akin ang mga estudyante at nagsimula na silang magbulungan at magtawanan. Yumuko na lang ako at mas binilisan ang paglalakad.
Argh. 'Tong bungangang 'to. Hmp.
"Please! Sorry na kasi!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig kong sigaw.
BINABASA MO ANG
Love Gamble
Novela JuvenilIsang manipis na linya ang nakita ko sa monitor na nakapagpatigil ng ikot ng aking mundo. Wala akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan mo kasabay ng pagbuhos ng aking luha. 'What's the most regretful thing you've ever done in your life?' Naaalala...