Chapter 46: Tulong...

62 6 0
                                    

Denisse's POV

Idinilat ko ang mata ko. Tsk. Ilang oras ba akong nakatulog? Sa sobrang himbing ng tulog ko ay hindi ko na pinansin ang parang may dumampi sa labi ko. Siguro nananaginip lang ako.

"Hi Denisse!" Nilapitan ako ni Andrea na nakaupo pala sa tabi ko.

Nginitian ko siya at umupo na rin. "Hello Andrea. Si Tita?"

"Ay. Umuwi muna sa bahay niyo para kumuha ng mga damit. Tamang-tama dumalaw kami dito."

"Sinong kasama mo?" Tanong ko.

"Prince and Leonard." Ngumisi siya. "Pero hindi namin kasabay si Leonard na pumunta dito."

Napatango ako. "Ah okay."

"Iyon lang? Okay?"

Napakunot ako ng noo. "Oh bakit ba?"

Inirapan naman niya ako. Kasungit naman nito. "Wala! Hmp! Para namang hindi ka affected sa pagbisita sa'yo ni Leonard dito!"

Nginitian ko siya. "Nandito ba siya kanina?"

Umirap na naman siya. "Duhh! Ikaw naman talaga ang ipinunta niya dito 'no! Tsaka I'm sure, kikiligin ka ng todong-todo kapag nalaman mo ang sikreto kong petmalu sa lupet!"

Napangiwi ako. Ano bang sinasabi nito? Kung saan-saan nakakapulot ng mga salita. Tsk. "Oh? Ano naman?"

Binelatan niya lang ako. "I won't tell you. Bleh."

Ako naman ngayon ang nang-irap sa kanya. "Sabi ka pa ng sabi sa'kin, 'di mo rin naman pala sasabihin."

"Well, duhh! Kaya nga secret 'diba?"

"Bakit? Hindi ba pwedeng magshare ng secret?" Napangisi ako.

"Ihh. Mas maganda kung sa right person mo malalaman."

Napakunot ako ng noo. Right person? "Anong pinagsasasabi mo?"

Umiling siya. "Wala! Basta! Hintay-hintay na lang okay?"

Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang. "Okay. Ikaw bahala."

Napatingin kami sa pintuan nang pumasok si Prince. "Hi Denisse. Are you okay here?"

Umupo siya sa tabi ni Andrea.

Tumango naman ako. "Oo. Okay lang naman pero mas maganda kung sa bahay na lang ako."

"Pero mas maiging magstay ka muna dito para maexamine ka pa nila." Tugon naman niya na tinanguan ko naman. "Anyway, si Amber pala?"

Pansin ko naman ang pag-irap ni Andrea. "Why are you looking for her? Andrei's probably with her."

Natawa naman si Prince. "Bakit? Selos ka?"

Awtomatikong napakunot ng noo si Andrea at namula ang magkabilang pisngi. "H-hindi 'no. Ang kapal mo naman."

Tsk. Bingo! Hahaha! "May alam na akong sikretong petmalu sa lupet." Sambit ko sabay ngisi kay Andrea.

Napatingin siya sa'kin. "Ha? Ano bang sinasabi mo?"

Umiling ako at tinignan si Prince. "Alam niyo, bagay kayong dalawa. Yiiee!"

Napatayo naman si Andrea kaya mas lalong gusto kong matawa. "Hoy! Kung ano-anong pinagsasasabi mo diyan! Hmp!"

Si Prince naman ay natawa din. "Tss. Kinikilig ka naman eh. Hahaha!"

Napanguso siya pero ayun, namumula pa rin ang pisngi niya. "Heh! Magsama nga kayo diyan!" Sabi niya at umalis na.

Hindi naman matigil sa pagtawa si Prince. Tsk. Grabe talaga mang-asar 'to kay Andrea.

"Ikaw talaga." Natawa na rin naman ako. "Sundan mo 'yun. Baka magtampo."

"Tsk. Paano ka naman dito?"

Inirapan ko siya. "Sige na. Okay na 'ko dito. Habulin mo na ang love of your life!"

Napakunot siya ng noo at ginulo-gulo ang buhok ko. "Tsk. Loko ka talaga." Natatawang sabi niya tsaka tumayo. "Oh sige. May kakausapin lang ako. Bye." Hinalikan niya ako sa noo.

Nginitian ko naman siya. "Bye, ingat ka." Kay Andrea. Hehehe.

Nginitian niya ako tsaka lumabas na ng kwarto.

Ilang sandali pa ang lumipas at heto ako, nabobored. Ano ba 'yan. Di na bumalik 'yung dalawang 'yun. Hays.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito.

Dahan-dahan siyang pumasok at inilock ang pintuan kaya't napalunok ako.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Kaba, takot, gulat.

Lumapit siya sa higaan.

"S-sino ka?" Pakiramdam ko ay maiiyak na ako.

Nasaan na ba kayo?!

Nakaitim siyang damit. Balot na balot ang katawan niya ng itim. Nakasumbrero din siya ng itim.

Napangisi siya. "Hindi mo na kailangang malaman pa, Denisse."

Nanlaki ang mata ko. "Kilala mo 'ko? Sino ka ba talaga? Ano'ng kailangan mo sa'kin?"

"Kilala mo na ako. Hindi ba natanggap mo naman ang text ko sa'yo noon?"

Napakunot ako ng noo. "Ikaw si... Julius?"

Napapalakpak siya. "Magaling. Magaling."

Sh*t. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ko na patatagalin pa Denisse." Naglabas siya ng maliit na kutsilyo. "Ako na ang gagawa ng paraan para magkita kayo ng ama mo... sa langit."

Paulit-ulit ang naging paglunok ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. "Huwag..." Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko.

"Tsk. Pasensiya na ha. Nadamay ka pa kasi."

Umiling ako. Hindi ako makagalaw. Parang nawalan ng buto ang buong katawan ko.

"Ba-bye Denisse."

Nanlaki ang mata ko nang itaas niya ang kutsilyo. Napalunok ako at pinigilan ang kamay niya.

Dug. Dug. Dug. Dug.

"Tulong!" Sigaw ko habang pinipigilan siya sa pagsaksak ng kutsilyo. "Tulong!"

Leonard... Tulong... Kailangan kita.

"Mamatay ka na!"

Napasinghap ako nang bahagyang masugatan ang braso ko. Buong lakas ko siyang itinulak sabay sipa sa ibaba niya.

Gamit ang natitirang lakas ko ay dali-dali akong lumapit sa pintuan. In-unlock ko 'yon at muling sumigaw. "Tulong!"

Pero bago ko pa mabuksan 'yon ay may humila na sa buhok ko at ramdam ko ang pagtarak ng matulis na bagay sa likod ko.

Napapikit ako ng mariin sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pero bago pa man ako makadilat ay nakaramdam na naman ako ng pagtarak sa likod ko. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko at halos hindi na ako makadilat sa sakit.

Bumagsak sa sahig ang katawan ko at rinig ko ang pagsarado ng pintuan.

Katahimikan ang namayani sa loob ng silid. Tanging pilit na paghinga ko ang naririnig ko.

Nanatili lang akong nakadapa sa sahig at pilit na itinataas ang kamay ko para abutin ang seradura. Pero kahit anong pilit ay nanghihina na ang katawan ko.

"Tulong..." Hindi ako makasigaw. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nawawalan ng hininga. "T-tulong..."

Unti-unting akong napapikit nang magbukas ang pintuan.

At ang huli kong narinig ay ang pagtawag sa pangalan ko. "Denisse!"

At bago pa ako mawalan ng malay ay naisambit ko ang pangalan ng taong akala ko'y maililigtas ako. "Leonard..."







Votes and comments are highly appreciated. Thank you!❤❤❤

Love GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon